Kalabanin ka man ng mundo,
Wag mong hayaang maging sagabal ito,
Sa kung anong gusto mo,
At sa kung ano ang pangarap mo,Wag mong hayaang ang kalayaan mo'y mawala,
Ang ngiti sayong labi at saya sa yong mukha,
Ay unti-unting maglaho tulad nila,
Nila na minsan mong naging kasangga,Iwan ka man ng lahat,
Wag mong isiping mag-isa ka lang,
Dahil merong nasa taas,
Kasama, kaagapay kahit di mo alam,Wag mong isiping sumuko kung akala mo lahat ayaw sayo,
Wag kang mag-isip ng mga bagay na ikababagsak mo,
Sarili mo yan, Tulungan mo yan,
Ikaw ang unang makakaunawa, makakaintindi,
At hindi ang iba,Labanan mo ang darating na bagyo,
Wag pakinggan ang panlalait nila sayo,
Maganda/Gwapo ka, likha ka niya,
Magpatuloy ka,Magpaatuloy sa agos ng buhay,
Kung may bumalakid man,
Ito'y iyong labanan ng may buong tapang at lakas,
Wag kang manghinyang kung mabigo ka man,
Kung kinakailangan labanan mo ito ng paulit-ulit,
Labanan mo,Wag mong hayaang ang tunay na ikaw ay mawala,
Dahil sa mundong ito,
Baka sarili mo na lng yung totoo.