Chapter 1 : THE MISSION

55 4 0
                                    

Third Person's POV

Sa isang silid seryosong magkaharap na nakaupo ang dalawang ginoo.

Nagpapagitnaan sila ng isang malaking mesa na may nakapatong na ibat-ibang documento.

Sa kabaling banda nakaupo ang isang lalaki na nakahawak sa kanyang baba habang taimtim na nag-iisip. Sa kabilang banda naman naka upo habang naka-patong sa mesa ang mga paa habang seryosong nakasandal sa upuan.

"We need to find him immediately." Seryosong sabi ng isang Lalaki.

Napatingin nalang ang binata sa kanya at pasimpleng napangiti, isang ngiti na puno ng misteryo.

"How do you plan to find him?" Seryoso naman nitong tanong pabalik.

May inabot na papel ang lalaki na nakaupo sa likod ng mesa sa lalaking kausap niya.

"Iyan ang mga report na natanggap ko galing sa aking mga tagapagbantay." Seryoso nitong sabi.

Binasa naman ng lalaki ang mga nakasulat dito at nagulat sa kanyang nalaman.

"I-Ito ay...impossible..." hindi makapaniwalang sabi nito.

"Iyan din ang unang naisip ko, ngunit ng makita ko ang mga nakalagay diyan, walang duda nandun nga siya." Sabi nito.

"Pero bakit ako? Bakit hindi si Jack?" Naguguluhan nitong tanong.

"Ikaw ang pinili ko sapagkat may tiwala ako sayo. May tiwala ako sa kakayahan mo at isa pa mas madali kung ikaw ang pupunta sapagkat isa kang teleporter." Sabi nito.

Napabuntong hininga naman ang binata sa narinig niya.

"Hindi si Jack ang inatasan ko para dito sapagkat alam kung marami na siyang ginagawa." Sabi naman nito.

Napatango nalang ang binata at napatayo ng tuwid.

"Ang mission ito ay sekreto lamang Levi, walang dapat makaalam na umalis ka upang hanapin ang nawawalang enchanter." Sabi nito.

"Opo, mahal na hari." Sagot nito pabalik.

Napangiti naman ang hari at tumayo na mula sa pagkakaupo.

"Naway gabayan ka ng mga diyos at diyosa." Sabi nito.

Nag-bow ito at nagpaalam na aalis.

Paglabas niya sa silid naglakad siya sa isang pasilyo ng tahimik. Nang makalabas siya sa mahabang pasilyo nakita niya agad ang pinsala ng isang pag-atake.

Walang awa ang gumawa nito.

Nakita niya ang malaking butas sa gitna ng field na dahilan ng isang malakas na pagsabog.

Napalingon siya siya sa gilid at nakita ang iniwan na babala ng umatake.

"He is back...Sulitin na ninyu ang natitirang araw..."

Napatingin naman siya sa hawak-hawak niyang papel.

The Lost Enchanter.

Ilang taon na ang nakaraan pinaniniwalaang isang tao ang may kakayahang controlin ang lahat ng elemento. At pinaniniwalaan ding ang level ng taong ito ay Level Z ang level na ito ay ang level ng Master at iilan lang ang may ganitong lebel. Kaya ganun nalang ang mga hakahaka na napakagaling nitong mandirigma at wala pang nakakatalo rito.

Isang araw bigla nalang itong naglaho at nawala matapos ang makasaysayan nilang laban ng Dark Lord.

Ang Dark Lord ay ang nilalang namay kayang gumamit ng itim na mahika at ginamit ito upang sakupin ang bansa ng Ravaryn.

Walang naging laban ang Bansang Ravaryn kahit na may magagaling silang mandirigma sapagkat kakaiba ang dark magic na taglay ng mga taga sunod ng dark lord kaya hindi nila ito natalo.

Pero sa tulong ng isang magaling na Enchanter natalo Ang Dark Lord at ikinulong ito sa isang lugar na ang Enchanter lang at ang Hari ang nakakaalam.

Pagkatapos ng matinding laban, labis ang naging pinsala nito sa buong bansa ng Ravaryn. Maraming nasugatan at nawalan ng buhay. Mga gusaling gumuho at nasira dahil sa laban at mga hinanakit at pagdurusa ng mga inosenteng mamamayan na nadamay sa away.

Tumulong ang Enchanter sa pag-balik sa dati ng mga naguhong gusali at pagtulong sa mga taong nangangailangan ng tulong. Pero kahit na lubos na busilak ang puso ng enchanter hindi parin maiwasan namay mga taong nagalit at kinamuhian siya.

Kaya pagkatapos niya tumulong na mapabalik sa dati ang bansa ng Ravaryn nagpasya siyang umalis at hindi na kailanman bumalik pa.

Isang daang taon na ang nakararaan simula ng mangayari iyon at ito ako ngayon nakatayo sa mismong pinangyarihan non.

Isang statwa ng lalaking naka-suot ng cloak na itim habang may hawak ng espada ang itinayo dito sa gitna ng Plaza Elenor.

Ipinagawa ito ng dating hari upang mabigyang pugay ang ginawa ng Enchanter sa bansang Ravaryn.

May kalumaan na ang Statwa at nababalutan na ng mga halaman sapagkat di tulad ng dati na meron pang naglilinis dito ngayon ay wala na.

Masaya at puno ng mga namamasyal na mamamayan ang Plaza Elenor noon pero ngayon ay hindi na.

Unti-unti na kasing nakakalimutan ng mga mamamayan ng Ravaryn ang makasaysayang nangyari sa bansa at itinuring nalang itong isang alamat at kwentong bayan.

"Paano naman kaya kita hahanapin? Buhay kapa kaya?" Bulong ni Levi habang nakatingin sa Estatwa.

Napatingin naman siya sa hawak niyang papel at binasa ito.

"District Eyturn...Ang distreto ng mga elf..." sabi nito.

Napakamot nalang ang binata sa kanyang batok at napabuntong hininga.

Mukhang mahihirapan akong hanapin siya...

Sabi ng binata sa kanyang isip.

Napalingon nalang ang Binata ng may tumawag sa kanya sa likod.

"Handa na ang Barko Prince Levi." Sabi nito at dumuko upang magbigay galang.

Napatango nalang ito at sumenyas na umalis na ang kawal.

Napabalik naman ng tingin ang prinsipe sa estatwa. Pumikit siya at sa isang iglap nasa loob na siya ng barko.

Nagulat nalang ang mga kawal at manlalayag ng makita itong nakatayo na sa loob ng barko.

"Prince Levi, Saan niyo po ninanais pumunta?" Magalang na tanong ng Capitan ng barko sa kanya.

Napabaling siya dito at ngumiti.

"Eyturn." Sabi nito.

Nagulat naman at hindi makapaniwalang napatingin sa prinsipe.

"N-Ngunit lubos na napakahirap makarating doon prinsipe Levi." Sabi nito pabalik.

Mas napangisi naman ang binata sa kanyang narinig.

Kaya nga mas maganda mag tago doon...

Sabi niya sa kanyang isip.

Dalawang oras na byahe sa barko kasi ang kailangan gawin para makapunta sa District ng Eyturn.

May kakayahang mag teleport ang prinsipe pero mas pinili nitong sumakay nalang ng barko para magtipid ng enerheya sapagkat kakailanganin niya ito pagtongtong sa District ng Eyturn.

"Naway makita kita mahiwagang enchanter...." Bulong nito sa hangin.

________________________________________

CHAR! HAHAHA! NEW STORY IS REAL!








S O U X O R A | INSTITUTE OF MAGIC |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon