Draco's POV
Yes, si Hera Virgo Dela Fuente ang taong matagal ko ng gusto at hindi ko lang masabi sabi kasi alam ko namang wala na akong pag asa pero simula nung umalis si Aaron nagkaroon ako ng pag asa na baka pwedeng ako naman, baka lang naman. Bata palang gusto ko na sya pero manhid ata sya eh o baka sadyang ayaw nya talaga sa akin. Ang hirap kasi eh kasi matagal na akong nagtiis pero hindi ko naman sya masisisi kasi ako naman 'tong nagmahal eh.
Oo kaklase ko sya kaya mahirap rin mag move on. Minsan nga eh sa kanya lang ako nakatingin imbis na makinig eh. Ang problema nga lamang tuwing magkasama kami ipinararamdam nya sa akin na hanggang kaibigan lang talaga ang tingin nya sa akin. Hayyys, when you love someone you'll do anything just to make her happy even if you're not the reason of her happiness and I'm willing to let her go again kung yun lang ang makakapag pasaya sa kanya kasi alam ko namang si Aaron pa rin ang gusto nya eh.
Nagpapa kilala na isa isa sa unahan first day eh. Pero hindi dun nakatuon ang atensyon ko kasi wala namang bago eh sa kanya lang ang atensyon ko.
Inaalala ko pa rin ang nangyari kanina. Masakit kasi mas gusto nyang si Aaron ang magbigay sa kanya ng bulaklak kaysa sa akin at na friend zoned na naman ako. Hirap umasa no?. Hahahaha wala akong magagawa kundi hintayin sya hanggang kaya na nyang magmahal ng iba dahil saksi ako sa mga napagdaanan nila ni Aaron. Minsan nga naging crying shoulder nya ako eh nung umalis si Aaron. Grabe pala yung sakit kapag yung taong mahal mo nasasaktan dahil sa ibang tao dumodoble yung sakit.
Aaminin ko minsan naisip ko na ok lang na maging rebound ako pero di ko yun ginwa kasi ayokong mag take advantage kasi alam kong masasaktan lang kami pareho sa huli.
Maraming naghahabol sa akin kung tutuusin pero gaya nga ng sabi ko nasa kanya lang ang atensyon ko. Wala eh sa kanya ako tinamaan eh.
"Mr. Falco, are you with us?"
"Mr. Falco?"
At nagising lang ako sa katotohanan ng kulbitin ako ni Perseus bestfriend ko
"Huh?", tanong ko kay Perseus
At agad syang tumuro sa unahan at napalingon ako sa unahan at napansin kong napatingin na sa akin ang mga kaklase ko at si...... Hera
"Mr. Falco, wala ka na naman sa sarili mo kanina pa kita tinatawag", sabi ni Ms. Aguilar na Prof namin
"Po? hindi po malalim lang po ang iniisip ko pero wala lang po yun, Bakit nyo po ako tinawag, maam?"
"Mr. Falco kaya kita tinawag kasi ikaw na ang magpapakilala"
At napansin kong natawa ang mga kaklase ko pati si-si... Hera
"Ahm ok po" at pumunta na ako sa unahan
"Hi everyone, I'm Draco Falco, 16 and that's all"
"Ok you may take your seat now and by the way class we have a transferee today and sir you can start now"
"Good morning everyone Aaron Kim, 17 and nice to see you all", masaya nyang bati pero nakatuon ang atensyon nya kay Hera at halatang si Hera ay kinikilig at nasasaktan ako.
Umupo sya sa tabi ni Hera at nakangiti pa rin sila sa isa't isa. Hindi na uli ako nakinig sa mga sinabi ni Ma'am dahil orientation palang naman at alam ko na naman yun.
Hindi maalis ang mata ko sa dalawa na masayang nag-uusap. Umpisa pa lang alam kong talo na ako pero na kaya ko pa rin at alam kong napaghandaan ko na itong araw na ito. Mukhang naging mas naging close sila sa isa't isa at mukhang ok na sila.
Medyo cold ako sa ibang tao lalo na kung di ko ka close. Si Perseus at si Crux ang bestfriend ko simula bata pa lang at alam rin nila na si Hera ang gusto ko. Minsan nga eh napapag sabihan na nila ako na mag move on na lang.
"Ok class, since it's first day and orientation lang ang naganap today, pwede na kayong umuwi kasi may meeting pa ang mga teachers", sabi ng Prof namin
"Goodbye class"
"Goodbye Ms. Aguilar"
"Nix, kamusta naka move on ka na ba?, HAHAHAHA", Nang aasar na sabi ni Crux
"Tch, ewan ko sa inyo", ako
"Sabi na nga ba eh, pero teka lang alam mo ba ang tungkol sa kanila ni Aaron?", seryosong tanong ni Perseus
"Ano bang meron bukod sa close na uli sila?", ako
"Nililigawan na uli ni Aaron si Hera at pumayag si Hera", sabi ni Perseus
"Ah ganun ba ah alam ko namang dun din pupunta yun sige uuna na ako sa inyo may gagawin pa ako eh", palusot ko
Di ko na sila inintay pang sumagot dahil lumabas na ako sa room at nagpunta ako sa tambayan ko sa garden kasi tahimik dun.
Nang makarating na ako sa Garden, hindi pa rin nawawala sa isip ko yung sinabi nila.
"Nililigawan na uli ni Aaron si Hera at pumayag si Hera"
"Nililigawan na uli ni Aaron si Hera at pumayag si Hera"
"Nililigawan na uli ni Aaron si Hera at pumayag si Hera"
Parang nag eecho sa tenga ko yung mga salitang iyon. Masakit aaminin ko kasi alam ko na kung saan pa pupunta yun.
YOU ARE READING
Secretly Loving You
RandomI love her Why? I don't also know why My heart beat fast when she is around I just can't tell her that I love her that much I'm happy when she's happy even if I'm not the reason of her happiness Well I'm just her classmate and nothing more Maybe she...