Chapter 2

5 0 0
                                    

Draco's POV

Nakahinga ako ngayon sa Garden at naglagay ako ng earphones sa aking tainga at pinatugtog ang kanta ng Ben&Ben. Tama nga ang iba ang kanta nila ay masarap sa pandinig pero masakit sa damdamin lalo na kapag naiisip mo ang isang tao.

NP: Pagtingin

Habang nakikinig sa kanta ay hindi ko maiwasang malungkot at makadama ng sakit.

Wow simula 7 years old pa lang ako crush ko na sya at hindi nagtagal nainlove na ako sa kanya. So bale mag te-10 years ko na syang gusto.
Nakatagal ako ano?

Araw-araw ko syang iniistalk sa mga social media pero lahat naman yun ay  patungkol sa taong mahal nya.

Siguro masaya na sya ngayon kasi bumalik na si Aaron eh. Naalala ko pa nung mga bata kami.

*Flashback*

"Oh Hera, Bakit ka umiiyak?", Tanong ko

"Eh pa-paano ka-shi shi Aaron di ako pina-panshin, huhuhu", naiyak na si ni Hera

"Siguro wala lang yun sa mood ngayon. Ah tara libre na lang kita ng ice cream pero huwag ka ng iiyak?", sabi ko naman

At agad naman syang tumigil sa pag iyak.

"Talaga? Ice cream? Sige Sige libre mo ko huh?"

Nagpunta kami sa may park at nakita namin si manong na mag titinda ng ice cream.

"Manong pabili po ng ice cream, dalawa", ako

"Oh yaan na ah huwag ka ng iiyak sige ka di rin kita papansinin, ok?"

"Hehehe salamat Nix, dabest ka talaga",siya

Agad naman naming nakita si Aaron kaya niyaya ko na rin sya

"Manong isa pa nga pong Ice cream",ako

"Oh Aaron sabi sa akin ni Hera di mo daw sya pinapansin kaya umiyak sya at nilibre ko sya ng ice cream", ako.

"Hera totoo bang umiyak ka?", si Aaron na halata ang pag aalala sa mukha

"Eh ikaw kasi eh di mo ako pinansin nung tinawag kita kanina", si Hera

"Ah yung kanina ba? Ah sorry hinahabol ko kasi ang alaga kong si Chiro kasi nakalabas sya ng bahay kaya nagmamadali ako baka mawala kasi siya, Hehehe sorry", paliwanag ni Aaron

"Ah ganun ba, sige bati na tayo hihihi"

"Oh Aaron Ice cream", at binigay ko sa kanya yun

"Salamat ha pinatahan mo sya hehehe", si Aaron

"Ano ka ba alam mo namang kaibigan natin sya kaya nag isip ako ng paraan", Ako

"Nix! Nix!, halika na nadito na ang mommy at daddy mo", pagtawag sa akin ni manang

"Ah sige ah? Babye. Oh ito bigay ko yan sa inyo ah? Sige Babye", at inabot ko sa kanila yung keychain na may pangalan naming tatlo

*Flashback ends*

Siguro kung hindi kami umalis dito sa Pilipinas malamang sabay sabay kaming tatlo lumaki. Pero wala eh habang nasa Korea ako iniistalk ko sila at masaya naman sila nung mga bata pa kami.

Hayss siguro nga mas naging close pa kami ni Hera kung nagkataon. Umalis kami sa Pinas nung 8 years old ako at yun na ang huling sandaling kasama ko sila.

Dun ako lumaki sa Korea. May mga Kaibigan pa nga ako dun eh. At nagpapasalamat ako sa isang batang naging kalaro ko nun sa Korea dahil kundi dahil sa kanya baka hindi ko na nakita sila mommy noon.

*Flashback*

"Hoy Nix huwag kang lalayo kasi hindi mo pa kabisado dito ah", sabi nung yaya ko sa Korea

"Opo"

Pero dahil makulit akong bata sinundan ko yung mga bata at nagpunta sila sa palaruan. Kaya nakisali ako sa kanila. Hindi ko nga maintindihan nung una yung salita nila pero buti na lang may marunong mag english sa kanila. Matapos ang ilang oras na paglalaro nagsialisan na yung mga kalaro ko nun pero hindi ko makita si yaya nun.

"Yaya? Yaya? Asan ka po?" naiiyak na sabi ko

"Yaya?! Yaya?!"

"Mommy!!! Daddy!! Ate!!! Asan kayo?"

"Hoy bata! Sino ka?", tanong nung batang babae at sobrang ganda nya.

"Ah a-ko si Nix, di ko makita sina yaya eh, nawala na ata ako", sagot ko

"Ah ganun ba? Ahm ako naman si Soo, dito rin ako sa Korea nakatira pero marunong ako magtagalog kasi sa Pilipinas dati nakatira si Mama eh. Teka nga may lugar ka bang natatandaan bago ka mawalay sa yaya mo?" , Saad ni....... Ah! Soo pala name nya

"Ahm Soo, dun sa may malapit sa cafe yun. Tapos ano nga pangalan ng cafe na yun? Aaaaahhhh yung Mar? Ano nga yun?", ako

"Ah basta may Mar yun kaso di ko tanda yung iba eh, alam mo ba yun?", tanong ko

"Ah sa may Martin's Cafe?, Tama ba?"

"Ah oo pero saan ba yun?"

"Tara punta tayo dun baka hinahanap ka na nila"

Agad kaming naglakad papunta sa Martin's Cafe.

"Ahm salamat ah tutulungan mo akong mahanap sila, pero matagal ka na ba dito sa Korea nakatira?"

"Ahm oo since nung 5 years old ako bali 3 years ng nakalipas simula nung tumira kami rito"

"Ah kami naman ay kadadating lang namin dito. Teka saan ka nakatira para malaman ko at maging kaibigan kita kasi wala pa akong kaibigan dito eh"

"Ahm sa dyan lang kami nakatira. Dun oh sa building na yun" at tinuro nya yung building na malapit sa park

"Kim-Soo Building?"

"Oo at kami ang may ari nun"

"Ah ganun ba eh ano naman full name mo?"

"Claire Sooya Kim ang pangalan ko, ikaw?"

"Ahm ang pangalan ko ay Draco Phoenix Falco"

"Ah yan na pala yung Martin's Cafe eh", turo nya sa akin

"Oo nga ano. Ah yun si Yaya. Yaya!!! Yaya!!", tawag ko kay Yaya

"Nix saan ka ba nag punta kanina pa kita hinahanap. Susko po aatakihin ako sa puso sa iyo eh", nagpapanic na tanong ni Yaya

"Ahm Yaya Sorry po ah sumunod po kasi ako sa mga bata kanina pero buti po tinulungan ako ni Soo para mahanap kayo", nakangiting sabi ko

"Ah ganun ba. Nako salamat Ija dahil kundi dahil sayo baka may iba pang nakakuha sa iyo" sabi ni Yaya

"Nako wala lang po iyon hihihi", Nakangiting sabi ni Soo. Ang cute nyang ngumiti dahil singkit ang mata nya at sobrang ganda nya. Sya na ata ang pinaka magandang taong nakita ko hehehe

"Ah sige po aalis na po ako kasi baka hinahanap na rin ako. Sige Nix Bye!!, paalam nya sa akin. Pero bigla ko syang niyakap at mukhang nagulat sya ron.

"Ahm salamat talaga huh?, kundi dahil sa iyo baka nawala na talaga ako salamat talaga Soo", saabi ko habang nakayakap pa tin sa kanya

"Ahm hehehe sige Nix aalis na ako ha?, paalam nya sa kin

"Sige kita na lang uli tayo huh pupunta ako lagi sa play ground hahahaha sige babye, ingat" sabi ko

Nung sya ay tumalikod na at naglakad papunta sa Building kung saan sya nakatira ay napangiti ako.

Tingin ko crush ko na sya.

*Flashback ends*

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Secretly Loving YouWhere stories live. Discover now