Chapter 1: The Student In Disguise, The Unexpected Reunion

1.5K 63 9
                                    

Lupaypay ang mga balikat na naglalakad c Hana sa corridor ng eskwelahang pinapasukan ng pinsang si Maya. Unang araw ng pagpapanggap niya bilang ang pinsan. Nasa huling taon na ito ng Senior High at nakatakdang magtapos anim na buwan mula ngayon. Ngunit nangangamba ang Tita Yvonne niya kung makatapos nga ang anak dahil hindi naman ito pumapasok, at kung pumasok man ay natutulog lamang sa klase. She failed almost all her subjects at kung may naipasa man ay puro pasangawa.

Napapabunting hininga ang dalaga at itinuon ang pansin sa suot na uniporme.

My God! Bakit naman ganito kaikli ang uniporme sa eskwelahang ito? I'm 25 years old, and yet here I am. Wearing this very provocative uniform, kulang nalang magtawag ako ng lalaki para silipan ako!

"This was a terrible idea!" nasabi ng dalaga sa sarili habang patuloy sa marahang paglalakad sa takot na baka lumihis ang suot na maiksing palda. "Does this skirt have to be this short?"

Ang unipormeng suot ay pagaari ng pinsan niyang si Maya. At dahil halos magkasing taas naman sila at magkasing kayawan ay hindi na ito ipinaayos ng Tita niya. Only, her breast is much bigger than her cousin kaya naman bakat na bakat sa blusa ang dibdib niya. Ang skirt naman ay hanggang gitna ng binti niya ang haba at dahil sa makurba ang kanyang balakang ay halos ipakiya na nito ang buong hugis ng kanyang katawan. She's wearing a short leggings and a skin-toned stockings ngunit pakiramdam niya ay masisilipan parin siya sa ikso ng paldang suot. She can't believe pumayag ang tita niya na magsuot ng ganitong uniporme ang pinsan niya.

"Oh God! Please help me survive the day na walang nakakapansing hindi ako si Maya." pabulong na panalangin niya. Kung hindi lang kailangan niya amg perang ibibigay sa kanya ng Tita niya ay nunkang gagawin niya ito.

But she doesn't have much choice. Kakaresign lang niya sa pinagtatrabahuang kompaya where she worked as Secretary for almost 2 years. Kung hindi lang namatay ang dati niyang amo ay hindi siya aalis. Mabait sana ang matanda kaya wala siyang reklamo at tumagal ng halos dalawang taon sa trabaho kahit pa nga hindi naman iyon ang natapos niya.

She finished Interior Designing.

Kaso ng mamatay ang matandang lalaki ay pinalitan ito ng hambog at bastos nitong anak, ay sa ikatlong araw nito na pagiging boss niya ay tinagka nitong may mangyari sa kanila. Buti nalang at dumating ang asaqa nito kaya nakaligtas siya. Kinaumagahan ay hindi na siya pumasok at ipinadala nalang sa kartero ang resignation letter niya. That was 2 months ago at hanggang ngayon ay wala parin siyang balita mula sa mga kompanyang pinasahan niya ng resume.

Ulila na siya. 3 years ago ay namatay ang Mama niya, atake sa puso. It was so sudden, hindi niya napaghandaa. Bata pa siya ng mamatay ang Papa niya sa parehong dahilan kaya wala siyang naging karamay kundi ang Tita Yvonne niya at ang pinsmag si Maya. Good thing na tapos na siyang mag-aral kaya natutustusan niya ang pangaraw araw niyang pangangailangan. He inherited the house na naipundar ng mga magulang niya. It's not a mansion pero hindi naman ganoon kaliit. It was designed by her father who was an architect. Ang naipong salapi ng Mama niya ay naitrasfer na sa personal account niya at sa loob ng dalawang buwang wala siyang trabaho ay nagsilbing pantawid gutom niya. At madali na itong maubos, which os yhe main reason why she's in that situation right now.

(Rewind sa naging paguusap nila ng Tita Yvonne niya tatlong araw na ang nakalilipas)

Biyernes ng umaga ng makatanggap siya ng tawag mula sa Tita Yvonee niya at sinabing pumunta siya sa bahay nito at may importante itong ipapakiusap sa kanya. Nang araw ding iyon ay nagpunta siya sa bahay nito, thinking that the favor she would ask from her is to simply do the groceries for her dahil nakasanayan na niya iyong gawin para dito tuwing weekend, bukod sa nakakatulonh siya sa tiyahin ay nalilibre pa siya sa groceries kaya walang problema sa kanya.

My Professor Was My High School CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon