Tibo At Single Mom (2)

5.1K 8 2
                                    

After nang nangyari naging tahimik kami sa isa't isa. Ilang araw niya akong di kinakausap at iniiwasan. Maaga silang umalis mag-ina papuntang school, at pag nadating nako sa bahay galing work dko na sila naabutan sa sala. Sa kwarto na pati gumagawa ng aasignment ang anak nya. Nakakahiya tuloy dahil pakiramdam ko sya na may-ari ng bahay sya pa ang umiiwas sa akin. Pinagsisihan ko na ginawa ko yon at nagpadala sa bugso ng damdamin. Mahigit dalawang linggo na nakaraan mula mangyari ang tagpong yon. Ayoko makahalata ang mga magulang niya kaya nagpasya akong lumipat nalang ng ibang matutuluyan. Nagpaalam ako sa magulang nya 2 araw bago ko nahanap ang malilipatan ko at sinabi kong mga 10minute walk lang mula sa workplace ko ang bago kong lilipatan para di nalang mag-usisa. Nanghinayang ako sa nasirang pagkakaibigan namin ni Shiela pero wala akong magawa dahil nangyari na at kailangan ko tanggapin ang consequences ng ginawa ko. Inisip ko nalang na isa sya sa mga babaeng ginugusto ko na kahit kailan eh hindi magiging akin.

Dumaan ang dalawang araw na di kami nagpapang-abot ni Shiela sa bahay at sinadya ko rin na mag overtime para di nakakahiya na maaga silang papasok sa kwarto nila para lang iwasan ako. By now siguro alam na niya na paalis na ako. Hindi na ako umasa na makakausap ko pa sya. Naka-empake na lahat ng gamit ko at nakahanda na ang susuotin ko para bukas. Ita-timing ko nalang na wala sila tsaka ako aalis ng bahay. Medyo dipa ako nakapg palit nung mga oras na yon at nag decide na mg shower muna bago matulog. Sinigurado ko muna na walang tao sa labas bago ako pumunta ng CR. Labin-limang minuto pagkatapos ko mag shower lumabas na ako, naka sando lang ako at binalot ang tuwalya sa baba ko.  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seksitorya CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon