Chapter One

225 3 0
                                    

“Hajimemashite, Deme-Chan! Watashi wa Senjo desu. Yoroshiku onegaishimasu!” ang maliit na tinig na gumising sa pagkakatulog ni Demmy. Dahan-dahan siyang napamulat at nagkross ang mga mata nang may pumatong na insekto sa kanyang ilong at kamuntikan na niyang pitikin nang biglang may narinig na napakaliit na tinig.

“Yamete!” pigil sa kanya para hindi niya ituloy ang binabalak. Saka lumipad-lipad ang itinuring niyang insekto. Napabalikwas siya sa higaan at napaupo. Nasulyapan ang orasan sa ibabaw ng kanyang mesa katabi lang ng kanyang kama. Alas sais na ng umaga.

Napadapo ang paru-paro sa kanyang balikat at may binubulong ito sa kanya. Naririnig naman niya ang kay liit na tinig na ‘yon.

“Ohayou gozaimasu!” ang bati sa kanya ng umagang ‘yon. Nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig, naintindihan niya iyon nang maalala ang pinag-aralan sa libro. Binabati siya ng isang magandang umaga.

Napapangiti siya sabay naalala ang unang tinig na narinig bago siya nagising.

“Ano naman ang ibig sabihin ng una mong sinabi bago ako nagising?” wala siyang choice kundi ang kausapin ito sa tagalog. Naintindihan naman siya.

“Nice meeting you, Demmy! I am a fairy. Sana kalugudan mo ako.” ang sagot ng fairy.

“Talaga? Naiintindihan mo kahit tagalog o english ang sasabihin ko?” may tuwa niyang tanong.

“Hai!” pagsang-ayon ng diwata.

“Wow, ang galing! Matutulungan mo ba akong makapagsalita ng Nihongo na hindi ko na kailangan ng libro? Sumasakit lang kasi ang mata ko sa kababasa eh. Nakakasawa na nga. Mamaya papasok pa ako sa school. Nakakatamad naman summer na pala ngayon dito. Kapag ba may itatanong ako, sasagutin mo ako ng Nihongo o kaya turuan mo ako pag may makakausap ako?” kausap niya sa diwata.

“Hai. Watashi wa anata o tasukeru! I said, Yes. I will help you.” sagot ng diwata.

“Arigatou!” pasalamat niya sa bagong kaibigan.

“Hayaku teisai!” get-up early ang ibig sabihin ni Senjo, ang diwata.

Kaagad namang bumagon at bumaba ng kama ang dalaga para maligo nang makapasok na sa eskuwelahan. Mukhang panibagong hamon na naman sa kanya ang pakikipagsapalaran sa ibang lahi.

Binigyan lang siya ng leksiyon ng kanyang ina dahil sa pagiging makulit at pasaway na estudyante. Matalino pero madalas nambabara ng guro kaya nasususpende sa klase at mahilig makipagtalo sa mga kaklase. 

Umaasa ang kanyang ina na may pagbabagong mangyayari kapag sa bansang ito siya maninirahan. Maagang nakapaghanda ng almusal si Dina dahil maaga ang pasok ng kanyang anak at pinaghandaan pa ito ng baon para sa lunch break nito.

“Deme, osoide kudasai!” tawag ng kanyang ina na sinabing bilisan niya.

Maya maya pa ay dumating na siya na naka-uniporme na.

“Mama, ohayou gozaimasu!” ang umagang pagbati niya sa kanyang ina.

“Ohayou!” tugon naman ng ginang.

“Suwatte kudasai!” pag-alok sa kanya ng ina para maupo at para sabay na silang makapag-almusal. Nakasunod lang ang diwata na napaupo sa itaas ng tainga ni Demmy.

“Mommy, bakit madalas may Kudasai sa dulo ng mga salita dito?” curious niyang tanong bago sumubo.

“Hindi sa lahat ng pagkakataon, Anak. Ang kudasai na salita ay ginagamit kapag may gusto kang ipakisuyo o i-please mo ang isang tao na gawin ang isang bagay. Parang pagbibigay galang kasi iyan sa kausap. Pero kung sa hindi pormal na pakikipag-usap, hindi na nilalagyan ng Kudasai. Ang ibang term ng Please ay puwede rin na Onegaishimasu, silent U lagi ang dulo kapag binigkas mo. O kaya ay Dozo. Di bale mapag-aaralan mo lahat ng iyan dito kapag nagseryuso ka sa pag-aaral mo.” paliwanag ng ginang.

“Eh bakit nagbabago naman po ang spelling ng pangalan at may Chan or San pagkatapos ng pangalan?”

“Ang Chan ay ginagamit lang iyan kapag kaedad mo o kaibigan mo ang kausap. Pero ang San ay ang pormal na pagtawag o pagbibigay galang sa kapuwa lalo na kapag hindi mo pa kilala o may propesyon ang tao. Naku, Anak...bilisan mo na nga at male-late ka na sa katatanong mo sa akin. Nagsasalita naman ng english ang teacher mo kaya puwede ka rin magtanong pag di mo maintindihan.”

“Si Mommy talaga, alam naman na hindi ko sineryuso ang mga itinuro mo sa akin at wala naman talaga akong interes sa lugar na ‘to. Bakit kasi dito pa ako mag-aaral. May Amerika naman ah. Atleast nakakapag english naman ako.” napapanguso niyang wika at nagmadaling kumain.

Naririnig niya ang maliit na tinig ng diwata na tumatawa sa kanya. 

“Waranaide kudasai!” biglang sabi ni Demmy sa fairy na huwag tumawa. Napatingin ang ginang na may pagtataka.

“Teka Anak, hindi naman ako nakatawa ah.” ang sabi ni Dina. Lihim na natawa ang dalaga nang mapansin ang pagkagulat ng ginang sa kanyang sinabi. Natapos na siyang kumain

“Sige po, Mommy, Ittekimasu!” paalam niya sa kanyang ina na aalis na siya.

“Itterashai!” sagot naman ng ginang para i-bless ang kanyang pag-alis.

Ihahatid siya ng kanilang driver papunta sa kanyang eskuwelahan sa Tokyo High School. Half Pilipino-Japanese si Juno, ang kanilang driver kaya hindi siya nahihirapang makipag-usap.

Kunwari ay naglagay ng headset ang dalaga at may tinatawagan sa cellphone para hindi siya magmukhang baliw kapag gusto niyang makausap si Senjo.

“Deme-Chan, O genki desu ka?” ang tanong ni Juno kung kumusta siya.

“Genki desu!” tugon niya na mabuti naman siya.

“Juno-San, ano po sa nihongo ang Car?” tanong ng dalaga.

“Kuruma. Sige magtanong ka lang Deme-Chan, para mas marami kang matutunan kapag tumagal-tagal ka na rito.” wika ni Juno.

“Hai. Arigatou gozaimasu.” pasasalamat ng dalaga.

“Dou itashimashite!” ani Juno na ibig sabihin ay ‘walang anuman’.

May binubulong si Senjo kay Demmy at pinakikinggan naman nito.

“Kapag nakakatanda sayo ang tao at hindi mo kilala puwede mo siyang tawagin na Senpai at Kohai naman kapag mas nakababata sayo. Madalas tinatawag sa apilyedo at dugtungan mo ng San sa dulo.” wika ni Senjo.

“Ganon ba? Paano pala ako magpakilala mamaya sa eskuwelahan? Hindi ko masyadong alam kung paano ang tamang pagbigkas eh.” pabulong din niyang naitanong.

“Mamaya, bubulungan kita kaya makinig kang mabuti kapag may sinasabi ako ha. Kasi marami ang nambubuli dito at pagtatawanan ka pa kapag nagkamali ka. Magugulo ang mga estudyante dito pero huwag kang makipag-away. Dalawa kasi ang High school rito. Ang una ay Junior high school at ang susunod ay ang High School at ‘yon na ang level mo. Mag-iingat ka kapag nakahalobilo mo na sila kasi marami sa kanila mahilig sa gulo na kagaya mo.” paliwanag ng diwata.

“Hindi naman talaga ako magulo, lumalaban lang ako sa mga nang-aapi sa akin. Teka, bakit marami kang alam tungkol dito sa Japan?”

“Isa akong fairy kaya kahit anong salita at kahit saan ako magpunta madali kong nalalaman ang mga nangyayari sa paligid. Kaya nga sinundan kita para tulungan ka sa pakikipagsapalaran mo dito.”

“Talaga? Salamat ha. Malapit na ba ang school dito?”

“Sa bandang unahan pa. Maluwag kasi ang school mo at maraming mga puno ng Sakura.”

“Sakura? Ano ‘yon?” curious niyang tanong.

“Cherry blossom. Kapag bulaklak naman niya ay tinatawag na Sakura no hana. Hana kasi ang nihongo ng bulaklak. At ang garden naman ay Niwa. Sakura no niwa, ibig sabihin ay Cherry blossom’s garden. Marami kasing Sakura dito sa Japan. Minsan ipapasyal kita sa mga magagandang hardin ng Sakura. Tiyak matutuwa ka.” wika ni Senjo.

Napapatingin naman si Juno nang mapansin na nagsasalita itong mag-isa. Ngunit nang mapansin na naka-headset ito ay inisip na may kausap sa phone.

My Japanese Boyfriend "Book 1-Eraser"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon