ONE MONTH LATER
Nauuso sa Japan ang school to school competition ng anumang esport lalo na ang basketball. Dumayo ang tatlong kupunan ng basketbol mula sa Kanagawa High School, Hiroshima High School at ang Osaka High School kung saan maglalaban-laban ang magkakaibang pangkat na gaganapin sa Tokyo High School para sa iliminasyon
At ang team na mananalo ay maglalaban sa Japan National Basketball Association Game. Madalas ang pagkapanalo ng Tokyo High School team at pasok na sa finals kaya isa na namang re-match ang magaganap para magtagisan ng mga galing at mapapatunayan kung sino ang makakatamo ng karangalan bilang pinagamagaling na manlalaro ng basketbol sa bansa.
Araw ng biyernes at walang pasok dahil sa magaganap na kompetisyon sa basketball gym. Dinagsa ng mga tao ang eskuwelahan para matunghayan ang pagtatagisan ng galing ng bawat kupunan. At siyempre, hindi palalampasin ni Demmy ang pinakapaborito niyang laro na madalas lamang mapanood sa TV. At ngayong totoo na ang laban ay lalo siyang nasasabik.
Dagsaan na ang mga tao at unti-unti ng napupuno ang mga upuan sa loob ng gym. Pumwesto si Demmy sa mas malapit para mas malapitan niyang mapanood ang laro at inihanda din ang video camera para makuhaan ng video ang buong laban.
“Doki doki suru!” ekspres niya na excited siya kahit kinakabahan. Nagsimula na ang laban sa pagitan ng Osaka at Hiroshima High School team. Mainit ang laban at naghihiyawan ang mga manonood. Ang susunod na lalaban ay ang Kanagawa at Tokyo High School.
Napansin ni Demmy ang isang babaeng estudyante din pero mukhang taga ibang eskuwelahan. Panay ang ngiti nito sa kanya kaya napapangiti din siya. Maya maya pa ay kinausap siya nito.
“Hajimemashite! Watashi wa Remi Yuki desu, yoroshiku onegaishimasu!” pakilala ng katabi sabay iniabot ang palad para kaunlakan niya.
“Hi! I’m Remi Yuki, nice to meet you!” pagsalin naman ni Senjo na naibulong kay Demmy. Tinanggap naman ang palad ng katabi at ngumiti.
“Hajimemashite! Deme Maya desu, domo yoroshiku!” pakilala din niya.
“Nanjin desu ka?” tanong ni Remi kung ano ang Nationality ni Demmy.
“Watashi wa Firipin jin desu?” sagot niya na siya ay Pilipina.
“Watashitachi wa tomodachi ni naru koto ga dekimasu ka?” tanong ni Remi kung puwede ba silang maging magkaibigan.
“Hai. Koto ga dekimasu.” pagsang-ayon niya at sinabing puwede.
“Yokatta desu ne!” thanks goodness! ang ibig i-express ni Remi.
Nagkangitian ang dalawa nang maging magkaibigan na sila. Natutuwa naman si Senjo at unti-unting nagbabago ang kanyang kaibigan na patuloy pa rin ang pagbubulong niya para mas madaling matutong makipag-usap si Demmy sa nihongo.
Makalipas ang halos isang oras. Natapos na ang unang laban ng magkabilang pangkat at magsisimula na ang laban sa pagitan ng Kanagawa at Tokyo High School. Inihanda na ni Demmy ang video para masubaybayan ang laban.
Natatanaw din niya si Kae at tila napako na roon ang kanyang paningin nang lumitaw ang kaguwapuhan nito sa pares ng pulang jersey na suot nito. Lalong tumangkad si Kae at sobrang na-attract siya nang sa unang pagkakataon ay makita niya ito sa totoong laban.
Nai-zoom niya ang video at panay si Kae ang nakukuhaan. Napapansin din siya ni Senjo pero ikinatuwa naman ng diwata ang mga napapansin. Bawat galaw ni Kae ay siya rin ang pagkabog sa kanyang dibdib.
Crush na nga ba niya si Kae? At panay ang pagkakasulyap niya rito at laging sinusundan ng tingin ang bawat paggalaw. Tumintindi ang laban, lumalakas ang mga hiyawan, at nagpapalitan ng mga puntos ang magkabilang pangkat.

BINABASA MO ANG
My Japanese Boyfriend "Book 1-Eraser"
FantasiKAPAG nga naman narinig natin ang Bansang Japan eh ASENSADO at BRANDED ang mga gamit..Kapag Japanese People eh YAKUSA na kaagad?... Kapag Pilipinang nagja-JAPAN eh JAPAYUKE na?... Hmmm totoo nga ba? At pagdating sa pambansang puno eh panalo ang mga...