MONDAY IN THE CLASSROOM
English subject kaya nangangamba na naman si Demmy na matamaan ng eraser sa mukha. Hindi na niya kunukulit si Kae kahit napapansin niya itong natutulog sa klase. Biglang tinawag ang pangalan niya.
“Maya-San, tatte kudasai!” tawag ng guro na tumayo siya. May itatanong ang kanyang guro.
Napatayo naman siya kaagad at hinihintay ang itatanong sa kanya ni Yama-Sensei.
“Maya-San, Can you give an example of a sports and give an idea on how to compare it to your studies?” tanong ng guro. Napangiti siya at lakas-loob na sumagot.
“I will choose a Basketball, Yama-Sensei! Because basketball is a very interesting, lively, and a well-known sports in the world. To meet a perfect game, it starts from a difficult training, body energy consuming, and it needs determination, patience, and concentration. As of the studies that needs interests, concentration, patience, and determination. That’s all, Yama-Sensei.”
Hindi man siya sigurado sa mga pinagsasagot niya ngunit narinig niya ang pagpalakpakan ng mga kaklase at pati ng guro niya. Napapangiti lang siya habang dahan-dahan na napapaupo.
Bigla siyang napatingin sa kaliwa at napansin niyang nakatitig sa kanya si Kae ngunit seryuso ang mukha. Biglang nanabang ang mga ngiti niya nang maalala ang pag-iwas nito sa kanya sa gym. Sumeryuso siya at iniwas ang tingin.
Nararamdaman niya ang pagtuwid ng pagkakaupo ng katabi na hindi niya sigurado kung nakatingin pa ito sa kanya. Malamang nahahalata na rin ni Kae na hindi na siya nangungulit.
PAGKATAPOS ng klase. Hapon na at naisip ni Demmy na nagsiuwian na ang mga estudyante kaya tumungo muna siya sa gym para sumubok maglaro ng basketball.
Tahimik ang gym at maayos ang pagkakalagay ng mga bola sa malaking kahon. Kumuha siya ng isa para pag-aralan ang pagso-shoot. Puro sablay at di man lang umaabot sa board ang mga tira niya.
“Bakit ka ba nalulungkot? Kapag ganyan ang mood mo wala ka talagang mapupuntos. Lahat ng mga naisagot mo sa tanong ni Yama-Sensei ay wala sa ginagawa mo. Kapag hindi iyon ang isasagawa mo, hindi mo makakamit ang perfect game na sinasabi mo.” wika ni Senjo nang mapansin ang kaibigan.
Panay lang ang paghagis ni Demmy sa bola at hindi alintana ang pagkakahingal niya. Pawis na pawis ngunit hindi inintindi ang sarili. Walang kibo at sa paglalaro nakatuon ang atensiyon ngunit nababakas sa mukha ang tila malalim na iniisip.
Napapansin na ni Senjo ang unti-unting pagbabago ng kaibigan lalo na ang pagiging magulo nito. Ngunit tila napapalitan naman ng kalungkutan.
Walang nagagawang puntos si Demmy ngunit hindi sumusuko. Kung dati ay napipikon at nanyayamot kapag ginagawa ng paulit-ulit ang isang bagay ay ibang-iba na sa ipinapakita niya sa kasalukuyan. Bagaman at sinusukat niya kung hanggang saan siya dadalhin ng kanyang pasensya.
Napalakas ang paghagis niya ng bola at tumama sa poste ng board saka tumalbog patungo sa likuran niya. Hindi na niya sinundan para kunin ito at hinayaan na lang na gumulong palayo sa kanya saka siya napapayuko at namanglaw ang mukha.
Malungkot namang nakamasid sa kanya ang diwata na wala namang magagawa sa pag-i-emosyon niya. Dumapo na lamang ito sa balikat ng kaibigan at naupong nakapangalumbaba.
Maya maya pa ay naririnig ni Demmy ang mga yapak na papalapit buhat sa kanyang likuran. Hindi siya lumingon at hinintay na lamang na makalapit ito sa kanya.
At nang maramdaman na nasa tabi na niya ito ay nakita sa gilid ng mga mata ang pagkakahawak nito sa bola. Naihagis ang bola sa ring, walang palya at suwabe ang pagka-shoot nito sa basket. Nasundan niya iyon ng tingin ngunit hindi tiningnan kung sino ang gumawa.

BINABASA MO ANG
My Japanese Boyfriend "Book 1-Eraser"
FantasyKAPAG nga naman narinig natin ang Bansang Japan eh ASENSADO at BRANDED ang mga gamit..Kapag Japanese People eh YAKUSA na kaagad?... Kapag Pilipinang nagja-JAPAN eh JAPAYUKE na?... Hmmm totoo nga ba? At pagdating sa pambansang puno eh panalo ang mga...