PAGDATING SA BAHAY.
Bumungad kay Demmy ang nakasimangot na mukha ng kanyang ina. Nakapamaywang ang ginang na may kataliman ang mga matang nakatitig sa kanya.
“Tadaima!” wika ni Demmy na sinabing I’m home!
“Anata wa doko ni kita nodesu ka?” saan ka nanggaling? ang ibig itanong ni Dina.
“Mou shiwaki gozaimasen!” ang matinding paghingi ni Demmy ng sorry.
Napapayuko siyang dumaan sa harapan ng kanyang ina. Alam niyang may kasalanan siya kaya hindi na siya nakipagtalo sa ina.
“Saan ka ba talaga nagpunta? Naghihintay si Juno ng tawag mo pero hindi ka tumawag. Nag-aalala na ako at anong oras na oh! Hanggang dito ba naman sa Japan ganyan parin ang inaasal mo? Kababae mong tao, ginagabi ka ng uwi.” galit na galit na wika ng ginang.
“Hontou ni gomennasai! Wasureta desu kara.” really sorry! Because I forgot!, ang ibig sabihin ni Demmy. Tumalikod ito at akmang hahakbang paakyat sa hagdan.
“Bangohan o tabemashita ka?” tanong ng ginang kung naghapunan na ba siya.
“Hai.Tomodachi to tabemashita.” Sagot niya na, Oo kumain na kasama ang kaibigan.
“Dare ga?” tanong ng ginang kung sino?
“Atashi no kurasumeto desu.” my classmate, sagot niya.
“Demmy ha, baka iba ang inaatupag mo at hindi ang pag-aaral mo.” duda ng ginang.
“Mommy, salbahe lang po ako at magulo pero hindi po ako bulakbol sa klase kahit itanong niyo pa po sa teacher ko. Sana po payagan niyo akong magka-boyfriend.”
“Ano? Boyfriend? Nasisiraan ka na ba? Pumunta ka dito para mag-aral at hindi para makipag-boyfriend. Tumigil-tigil ka nga sa paggiging ilusyunada mo. Kung hindi mo babaguhin ang pag-uugali mo, walang manliligaw sayo.” diskrimina ng ginang.
Hindi na kumibo ang dalaga at umakyat na lamang ito patungo sa kanyang kuwarto. Nanyayamot siyang napaupo sa gilid ng kama saka ibinagsak ang likod. Nanlalim ang iniisip at sa kisame nakatanaw.
“Bakit ganon naman kasi ang sinabi mo sa Mommy mo? Nagkakagusto ka na ba kay Kae? Unang beses ka pa lang naman niyang niyayang lumabas at kumain ah. Saka hindi mo pa siya kilala at alam mo bang karamihan dito sa Japan ay hindi lalaki ang nanliligaw. Marami dito na babae ang gumagawa ng motibo para magustuhan sila ng lalaki. Hindi naman lahat pero kadalasan.” wika ni Senjo.
“Ang akward naman. Paano kung hindi ako ang tipo ng babae na gusto ni Kae?” aniya sa mahinahon niyang tinig.
“Kita mo, umamin ka rin na may gusto ka sa kanya.”
“Hindi ko alam kung magugustuhan niya ako. Baka mapapahiya lang ako kapag inunahan ko siya. Saka, ang akward talaga pag inamin ko sa kanya. Crush ko naman talaga siya kahit naiinis ako sa kanya noong una.”
“Anong plano mo?”
“Hindi ko pa alam. Dumudugo na rin ilong ko kahit sa nihongo o english ko siya kakausapin. Alangan naman magtatagalog ako eh baka dudugo din ang ilong niya. Sobrang saya ko nga na niyaya niya akong kumain at naglaro pa kami ng basketball. Tapos hinatid pa niya ako pauwi.”
“Iyon pa lang naman ang ginawa niya ah. Huwag kang umasa baka mamaya masira pa ang pag-aaral mo dahil sa kanya.” payo ng diwata.
“Hindi naman sa ganon. Senjo, di ba sabi mo ipapasyal mo ako sa Cherry blossom’s garden? Sana kasama si Kae. Gusto ko rin makita ang Autum tree. Sana may fieldtrip para malibot ko naman ang Japan.” may tuwa niyang wika na napaupo at nag-i-imagine.

BINABASA MO ANG
My Japanese Boyfriend "Book 1-Eraser"
FantasyKAPAG nga naman narinig natin ang Bansang Japan eh ASENSADO at BRANDED ang mga gamit..Kapag Japanese People eh YAKUSA na kaagad?... Kapag Pilipinang nagja-JAPAN eh JAPAYUKE na?... Hmmm totoo nga ba? At pagdating sa pambansang puno eh panalo ang mga...