Chapter 1

2 0 0
                                    

Napabalikwas ako dahil sa sakit ng katawan ko.Pagmulat ng aking mata,tumama ang sinag ng araw na siyang ikinahilo ng aking ulo,agad kong tinapat ang mga kamay ko sa aking mata upang tabunan ang napakasakit na sinag ng araw.Tiningnan ko ang mga nanginginig kong paa dahil sa hampas ng mga malalamig na alon ng dagat.Hindi ko alam kung bakit ako nandito.Bakit nakahiga ako sa mapinong buhangin ng dagat na ito.Nilibot ko ang aking paningin.Sa harap ko ay ang tila walang katapusang asul na katubigan.Sa gilid ko naman ay ang napakahabang buhanginan.Sa likod ko ay tila isang gubat kung sang mga matayog na mga puno ang aking makikita.

Kahit ni isang katao o kabahayan man lang ay wala akong nakita.

Bakit ako nandito?Anong nangyari sakin?Nasaan ako?

Pinikit ko ang aking mata upang alalahanin ang mga nangyari sakin ngunit mas sumakit lamang ang ulo ko.Kahit ni katiting na pangyayari ay wala akong maalala.

"Aaaaaaaaaaaaah"sigaw ko dahil sa frustration na nararamdamn ko.Natatakot ako.Hindi ko alam kung paano ako makakaalis dito.Bakit wala akong matandaan.
Di ko namalayan na tumutulo na pala ang aking luha.Niyakap ko ang mga nanginginig kong paa at doon ibinuhos ang nararamdam ko.Maraming tanong ngayon ang bumabagabag sa isip ako na pilit kong hinahanapan ng kasagutan ngunit kahit anong pilit ko wala pa rin akong maalala.

Nasa ganoon akong posisyon ng unti-unti ko nang naramdaman ang paghapdi ng mga sugat ko sa paa ngayon ko lang namalayan.May mga sugat rin ako sa mga kamay ko.Mas nagpadagdag rin sa kirot ang tubig na mula sa dagat.Unti-unti na rin akong nilalamig dala ng simoy ng hangin.

Nang mahimasmasan ako sa pag-iyak sinubukan kong tumayo ngunit bigla akong nahilo at natumba ulit.

All of people bakit sa akin nangyayari to!

Pinaramdaman ko muna ang aking sarili.At nang mawala na ang pagkahilo ko dahan dahan akong tumayo.Kahit humahapdi pa rin ang sugat ko sa paa nagsimula akong maglakad.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.Hindi ko alam kung saan ako pupunta.Papalubog na rin ang araw na kani-kanina lang ay ang taas nito.Pinagpatuloy ko ang paglalakad na may pahinto hinto rin upang magpahinga.

Hindi ko alam kung ilang oras na ako palakad-lakad sa napakahabang buhanginan na ito.Ang mga sugat sa paa ko ay tuluyan na ring dumugo dahil sa paglakad ko sabayan pa ng mga buhangin na pumapasok sa mga sugat ko.Dumidilim na rin ang paligid at mas naging maginaw ang simoy ng hangin.Niyakap ko ang aking sarili upang labanan ang ginaw na mas nakakadagdag ng pagod sa aking katawan.Halo halo na ang nararamdaman ko ang pagkauhaw pagkagutom at pagkapagod.

Hindi ko alam pero nawawalan na ako ng pag-asa na may makakakita sa akin at tulungan ko.Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ang paghampas ng malalaking alon kasama ang napapakalamig na hangin.Nang makarating ako sa hangganan nabuhayan ako ng loob ng may naaninag ako mga ilaw.

Naglakad ako ng mabilis nang hindi inaalintana ang sakit na nararamdaman ko.Palapit na ako ng may nakita akong tao.Ngunit pinagtaksilan ako ng aking katawan.Bigla akong natumba at napaupo sa buhangin.Napadaing ako dahil tumama ang tuhod ko sa matigas na bagay.

At gamit ang natitirang lakas ko sumigaw ako." Tuloooooong"kasabay ng paglingon sa akin ng iisang tao na nakita ko ay ang pagpikit ng aking mga mata at tuluyang nawalan ng malay.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Authors note
Yeeeeeeeeeeeey!First chapter done.Pasensya na po sa mga grammatical errors.Sana supurtahan niyo pong story ko na ito.Hahahahahah!Lovelots everyone..




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A forgetten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon