Chapter 1

7 0 0
                                    

"Splash..!! drop.. drop..!".. sound effects yan ng nabuhos na tubig..

"Ay.. ! tsk.. Badtrip naman oh..!! Ang aga agang kamalasan..Nakakainis" gigil na bulong ko sa sarili ko.. paano ba naman kasi nabuhos yung tubig ko sa loob ng bag..hindi ko ata nasara ng maayos yung water bottle ko eh..

"Oh naku ineng! mababasa yung mga gamit mo sa loob ng bag mo."paalala sa akin ni manong janitor,nakita nya kasing may tumutulong tubig sa bag ko..

"Ay naku!! hindi!! ang mga plates ko , kakatapos ko lang yun kagabi..!" inis na sigaw ko, ngayon ko lanf narealize na nasa bag ko pala yung mga plates ko.., sana hindi sya masyadong nabasa,,deadline pa naman nun ngayon..

Kaya dali-dali akong pumunta sa Garden ng University ko.Umupo ako sa isa sa mga benches dun at binuksan ko ang bag ko. .Pagkabukas ko isang nakapanlulumong imahe ang nakita ko..

"HINDEEEEEEEE...!!!! Ang mga PLATES kooo.. HuHuhuHu." halos manlumo na ako sa upuan ko .. paano na yan. ang mga plates ko... halos durog na..

Bigla kong tingnan kung anong oras na "7:00" na.meron pa akong 2 hours.. baka mapatuyo ko pa..

Kaya agad agad kong nilabas yung mga gamit ko at ibinilad ang mga ito sa araw.. Tamang tama mainit naman sa bench na inuupuan ko..

So habang nagpapatuyo ako, bigla akong may naalala.. Hindi pa pala ako nagpapakilala... Ako nga pala si Reneya Mercado or in short "neya", Second year college na ako taking up BS Biology sa AB Normal University medyo kakaiba yung name ng University ko no . Ewan ko dyan kay Author..

A/n: lol... Kaya AB Normal University yan,, kasi ang ibig sabihin ng AB ay Antonio Borromeo name yan ng founder ng University.

Neya: Aaaaaahhh kaya pala..

A/n: Loko ka Neya 2nd year ka na sa University mo hindi mo alam kung anong ibig sabihin ng AB .. tsk.. tsk..

Neya: Tse.. Alam ko naman author eh.. Joke lang yun..

So ayun back to Present....

So ayun habang nagpapatuyo ako ng gamit, nagmuni muni muna ako..

Habang nakatunganga ako at lumulutang ang isip, bigla kong napansin yung Water Bottle ko. May laman pa tong tubig pero kalahati na lang kasi yung kalahati nabuhos nga di ba..

" Ikaw na bote ka ba't ngaun ka pa nagtapon sa bag ko.. Yan tuloy.. basa lahat ng gamit ko..Kainis ka.. Alam mo bang pinaghirapan ko yung mga plates na yun.. tapos dahil lang sayo ..Wala na!! Argh!! Badtrip ka men.. parang baliw lang na kinakasap yung bote ,, sinasakal ko pa kunwari..

" Oh miss, kawawa naman yung bote oh..nasasakal.." sabi ng isang lalaki na nasa harap ko.

..

Pagka-angat ko ng ulo ko...

dug...dug...dug...

dug....dug....dug...

Shemmaaaayyy ang Gwapo nya as in ang GWAPO.. mukhang may lahi syà British ? Irish? basta bandang Europe....gums...takte naka jersey sya , yung itsura ng jersey nya is katulad ng jersey ng mga soccer players, so ibig sabihin Soccer player sya... Plus the fact na wet look sya dre.. he is HOT mga dre..

"Painom na nga lang ng tubig mo ha..."sabay agawa sa boteng hawak ko at ininom ang laman nun..

Wala na akong nagawa, lalo na ng lumapat na ang mga mapupula at maninipis na mga labi nito sa bunganga ng bote.. Shit..sana ako na lang yung bote..

Gaga! kung anu ano na ang naiisip ko.. Nagiging bastos na ako... My GOSH!! no..

Grabe mula sa labi nito ay bumaba ang tingin ko sa Leeg nya kung saan makikita ang hot at sexing pagtaas at pagbaba ng Adam's Apple nya.. Naku pati ako napapalunok ng wala sa Oras..

"Miss oh,Salamat ha" nakangiting sabi nya sabay abot sa akin ng water bottle ko.

.

"Ah..eh..Wa-wala yu-un..hehehe" takte nagsastutter ako..pagkaabot ko ng bote ko ay hindi sinasadyang nagkadikit ang mga palad namin.. At dahil sa pagkakadikit na iyon ay libu libong kuryente ang dumaloy sa katawan ko.. Na lalong nagpabilis ng tibok ng Puso ko.

"Salamat ulit miss ha.. uhaw na uhaw na kasi ako eh.. by the way I'm Xavier, Xavier Love.."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bottled WaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon