Kabanata 14
Home
Hindi pa rin ako makawala sa nagyari kagabi lang. Kahit na late na akong natulog ay sobrang aga pa rin nang ako ay magising. Nanatili akong naka-upo sa kama habang haplos-haplos ang k'wintas na bigay ni David.
Ang pendant niyon ay isang araw sa gitna at tig-isang bituin naman sa tig-kabila ng araw.
I don't know what's the meaning of this. Hindi naman ako ganun kahilig sa mga ala-alahas.
Maaga akong umalis sa kama. Nag-hilamos at nag-toothbrush bago ako bumaba para mag-luto ng almusal sa mga tao dito sa maid's quarter.
"Ang aga mo naman ata, anak."
Gulat akong lumingon kay Nanay bago siya binigyan ng malawak na ngisi. "Napaaga lang, Nay."
"Ano iyan?"
"Ham and bacon."
"Aba'y mahal iyan a? Saan mo iyan nabili?"
"Nay, sina Madam din ho ang gumagastos para sa mga pagkain dito."
Pinatay ko ang stove at inahon na ang mga pag-kain.
"Kaya nga't dapat ay mag-tipid."
Ngumuso ako. Hindi maintindihan ang gusto niyang iparating.
Alas-siyete nang lumabas kami. Napangiti ako nang mapadaan ako sa may pool kung saan nakita si David na naglalangoy doon.
I watch him making some different stroke. He's just wearing a swim short ngunit wala ng pang-itaas.
Nang tumigil siya'y sa akin agad dumapo ang kaniyang paningin.
"'Morning."
I wave shyly. "Morning."
"Did you eat your breakfast?"
Tumango ako.
Pakiramdam ko'y nagmu-mukha akong tanga dito sa harap niya, nakatayo.
"Ikaw?" I said histerically.
Umiling siya. "Can you cook for me?" he smirked.
"Oo naman. What do you want?"
"Hmm? You?"
I look at him with my widened eyes bahagya pang nakabukas ang aking bibig dahil sa sinabi niya.
"A-ano?"
He laughed. "I mean... ikaw? Ikaw ang bahala."
Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya iyon o inaasar niya lang ako.
Tumungo ako sa kusina nila at pinag-luto si David. Nag-tanong ako sa kay Nanay Lita kung anong karaniwang inaalmusal ni David. She just suggest a loaf bread and a coffee.
Kaya nag-luto na lang ako ng ham and bacon, kagaya ng aming kinain.
Ipinatong ko ang kape sa kaniyang harapan habang siya'y nag-papalaman ng tinapay. His still half naked. Nakapatong ang tuwalya sa kaniyang balikat.
I can't help but to admired his body. Sa ganiyang edad pa lang niya'y hindi ko akalaing magiging ganiyang kahubog ang kaniyang katawan. Hindi ko tuloy maiwasang tingnan ang kaniyang tiyan kung saan may kung anong talaga namang ang sarap sarap tingnan.
Nag-angat ako ng tingin. Talaga namang pinamulahan ako ng mukha ng makitang nakatingin siya sa akin. Agaran akong tumalikod at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay. Bigla yatang uminit? Patay ba ang aircon?
Nang silipin ko siya sa gilid ng aking mga mata'y nakita ko siyang pigil na pigil ang ngisi habang nag-papalamang muli.
Tumikhim ako "Sana'y nag-bihis ka muna. Baka lamigin ka."
BINABASA MO ANG
Unknown Mistake (Raquel Boys Series #1)COMPLETED✔
RomanceWARNING: There are few chapters with mature scenes. Read at your own risk! Sa pag-ibig hindi maiiwasan ang magkaroon ng mga hindrances, iyong tipong may aayaw talaga sa inyong dalawa. At dahil doon iyon ang maaaring maging dahilan ng inyong pagkahiw...