Zero's POV
"Eh paano ako nabuhay, kung namatay na pala ako sa sinapupunan pa lang ni mama?"
Tanong ko na ikinangiti ni demigod Xiera.
Ipinaliwanag niya sa akin kung paano namatay ang mama ko.
"Well, this guy..."
Sabi niya at hinila palapit sa kanya si Marco na nabigla sa kanyang ginawa.
"Is the one who will explain to you what happened after that."
Sabi niya at ngumiti kay Marco na umiling-iling lang sa kanya kaya binigyan niya ito ng masamang tingin.
"Okay..."
Sabi ni Marco at nagpakawala ng buntong-hininga.
"First, I'm Marco Smith, haist! Kilala mo na nga pala ako. A first class grim reaper. At alam mo naman siguro kung ano ang trabaho namin."
Sabi niya at tumango naman ako dahil napapakinggan ko rin naman ang mga kwento-kwento tungkol sa kanila.
"Pero diba dapat ang trabaho mo kapag ganun ang nangyari ay susunduin mo na kami papuntang langit o impyerno?"
Tanong ko at kita kong nainis si demigod Xiera at tumingin kay Marco.
"Dapat nga ay yun ang ginawa ni Marco pero magpasalamat ka na lang din at medyo may saltik sa utak 'tong si Marco at binuhay ka pa."
Nakangiting sabi sa akin ni demigod Xiera pero si Marco ay masamang nakatingin kay Xiera dahil sa sinabi nitong may saltik siya sa utak.
"Pero bakit ako nakakakita ng mga supernatural things, katulad ni Kai na isang multo pero nakikita at nakakausap ko pa."
Sabi ko at seryoso lang silang nagkatinginan sa isa't isa.
"Well, malalaman mo rin ngayong dito ka na mamumuhay sa lugar na ito."
Sabi ni demigod Xiera na medyo ikinagulat ko.
"Ano!? Dito na ako titira?"
Gulat kong tanong.
Ano pa kayang mga nilalang ang makikita ko dito?
"Yes. Kakaiba ka sa mga mortal Zero, kaya dito ka nararapat sa lugar na ito."
Sabi ni demigod Xiera na medyo ikinalungkot ko.
Pero paano sina tita Lisa? Siguradong malungkot yun ngayong akala niya'y patay na ako.
Bigla namang humawak sa aking balikat si demigod Xiera at tinapik ito.
"Huwag kang mag-alala Zero. Magiging masaya pa rin ang tita Lisa mo."
Nakangiting sabi sa akin ni demigod Xiera na medyo ikinasaya ko na.
"Ano po ba ang lugar na ito?"
Tanong ko na ikinangiti lang nila.
"It's part of Eclipse Academy, at mamaya ay malalaman mo rin kung ano ang academy na ito. Tara na sa labas."
Sabi ni Marco at nagsimula na silang maglakad sa parteng kanan ng silid at laking gulat ko ng naglakad pa sila ng naglakad hanggang sa lumampas lamang sila sa puting pader.
Naiwan akong mag-isa dahil nasa likod nila ako at natatakot akong lumampas sa pader dahil baka maumpog lang ako.
"Hoy! Ano pa bang ginagawa mo? Tara na!"
Sabi ni Kai na bumalik para sa akin ngunit ulo lamang niya ang nakikita ko dahil yun lamang ang inilampas niya sa pader.
Sumunod na ako at humugot ng lakas ng loob para lumusot dito.
BINABASA MO ANG
Rise Of The Fallen [HIATUS]
Fantasy[ Sons and Daughters of Satans Children, and Demigod's 3rd generation | Fallen book #2 | Tagalog storyline ] • Book Cover by Suhoberrie • Creating a world where the fallen will arise with the angels from above. Demigods and demons will collide, but...