CHAPTER 29

3.5K 122 1
                                    

DEX'S POV

OMG! Ito na! Birthday na ni Dan, Parang kailan lang inimbitahan nya ako Ang bilis talaga lumipas ng mga araw.
Excited kong sinuot yung damit na binili ko at humarap pa ako sa salamin at nagmodeling lang pa haha, Para aking timang sa pinaggagawa ko.
Habang nag-aayos ako ay tumunog yung cellphone ko, Si Dan tumatawag.

"Hello Dex? Asan kana?" -Dan

"Nasa bahay pa, Pero paalis nadin ako. Ichachat nalang kita kapag malapit na ako sa inyo"

"Sige sige, Ingat ka ha?" -Dan

"Oo salamat"

Kainis si Dan wala man lang pa i love you! Haha char! Minsan napagtatanto ko medyo humaharot na ako haha Pero medyo lang naman.

Pagkatapos kong nagbihis ay kinuha kona yung maliit kong bag para pag lagyan ng pagkain magtetake out kasi ako hahaha.
Nagpaalam ako kay Tita bago ako umalis, Mabuti na nga lang at pinayagan nya ako. Si Nathan wala sa bahay nagpunta daw sa mga barkada nya, Talaga yung lalaki nayon napaka lakwatsero!

Paglabas ko ng Subdivision nila ay humanap agad ako ng taxi, Sosyal ko noh? Naka taxi haha. Pinagipunan ko talaga yung pang taxi ko ayaw ko kasi mag jeep baka maligaw ako haha atsaka ang dami pang sasakyan kapag hindi ako nagtaxi.
Habang nasa taxi ako ay tingin ako ng tingin sa salamin, Hindi ako mapakali sa istura ko kailangan mukhang fresh ako pagdating kodon haha ayaw ko naman na mukha akong Hagardouz.

Biglang tumunog yung phone ko akala ko tumawag si Dan pero unknown number sino kaya to? Sinagot ko padin kahit hindi ko kilala.

"Hello sino po ito?"

"Hello Dex? Si Tita Rose mo ito, Nakuha ko yung number mo sa kaibigan mo si Miles" -Tita

"Hi Tita kamusta po? Bakit po kayo napatawag?"

"Dex pwede kabang pumunta ngayon sa bahay?" -Tita

"Tita pasensya napo may lakad po kasi ako eh"

"Dex sige na, Please pumunta ka sa bahay. Kailangan ka ni Mark" -Tita

Natigilan ako ng binanggit ni Tita ang pangalan ni Mark, Kahit hindi ko sya nakikita ay ramdam ko ang pag-aalala nya.

"Bakit po ano pong nangyari kay Mark?"

"Hindi ko alam Dex, Kagabi pa sya hindi lumalabas ng kwarto at ayaw nya ding kumain. Sinubukan kong kausapin sya pero ayaw nya, Nag-aalala na ako sa anak ko. Baka matulungan mo ako Dex, Bestfriend ka nya baka makinig sya sayo" -Tita

"Sige po Tita susubukan kopong makapunta"

Pati ako kinabahan dahil sa mga sinabi ni Tita, Bakit naman gagawin yon ni Mark? May problema ba sya? Pero Birthday ngayon ni Dan, Sino ang uunahin ko sa kanila? Nangako ako kay Dan na pupunta ako Pero kailangan ako ni Mark.

"Manong pakiliko nalang po, Sa iba nalang po ako magpapahati"

"Sige po sir"

Alam kong nangako ako kay Dan na pupunta ako sa Birthday nya, Pero mas kailangan ako ni Mark ngayon Kailangan ako ng Bestfriend ko.
Magsosorry nalang siguro ako sa kanya kapag nagkita kami.


DANIEL'S POV

Kanina pa ako naghihintay dito sa labas ng bahay, Pero wala padin si Dex. Asan na kaya yon? Hindi naman traffic papunta dito samin, Hindi kaya naligaw nayon?

"Anak pasok na inaantay kana ng mga kaibigan mo sa loob" -Mama

"Sige po ma, May hinihintay lang po ako"

Mayamaya ay may na recieve akong message galing kay Dex.

"Dan sorry, Hindi ako makakapunta ngayon sa inyo may emergency lang" -Dex

KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon