KABANATA 13

36 5 0
                                    


[Stay away]


GUS POV



Nandito ako ngayon sa Court namin nakatulog nanaman sa  isa sa mga bleachers "Lintek na Kelly yun siya dapat ang magpahinga eh.." Bulong ko sa sarili ko. 



"Ano ba tong nararamdaman ko? Oo maganda siya, matalino halos lahat na nga eh nasakaniya na hindi ibig sabihin nun magkakagusto... Mali mali.. Hindi ako magkakagusto sa masungit na iyon... Hindi hindi.. Hindi."



Pinalo palo ko ang dibdib ko ngayon dahil alam kung mali na tong nararamdaman ko eh.. Ano to biglaan? "Gus.." Napalingon ako sa tumawag sakin, yung dalawang babaeng muntik ng malagay sa matinding panganip si Kelly.



"Sisimulan na namin ngayon..." Nakikita ko sa mga mata nila ang takot at ang pangangamba baka anong magawa sakanila ni Kelly, napakatindi pa naman nun lalo na pag magalit "Wag kayong mag-alala hindi kayo sasaktan ni Kelly."



"Sana nga.." Pag-aalalang tugon nila.



Nakasunod ako sakanila patungong lobby ngunit nilayo ko ang mga distansya ko sakanila baka ano isipin ng mga tao "Kausapin muna natin ang kapatid ni Kelly para naman pagdating ng pagdating ni Kelly mapapansin niya tayo." Sambit ni Girl 1 sa kasama niya.



Hindi na lang ako lumapit sakanila napasandal lamang ako sa Dingding eksaktong lumabas na rin si Kelly kasama iyong palagi niyang kasama.



"Ayun si Kaye oh kasama ang kaibigan niya. Pero teka hindi naman niya kaibigan yan ah." Ani ng kasama niya, pinagmasdang maigi ni Kelly yung dalawa mukaang nakilala niya ata, nilapitan niya ito hindi ko masyadong marinig kung anong pinagsasabi niya dahil napakalayo ng naging distansya ko skaanila.



Tinignan ako ni Girl 2 bago siya nagsalita nag cross arms lamang ako agaa dnamang napalingon dito si Kelly kunwareng may katawag naman ako habang nakayuko hindi ata niya ako napansin, buti naman.



Binaalik ko ulit ang tingin ko sakanila sa nakikita ko nmay namumuong takot na ang dalawa, "Nagsisimula nanaman ang Dragon." Bulong ko sa sarili ko.



"HINDI GINUSTO PERO NAGAWA NIYO NA!! KUNG HINDI NIYO YUN GINUSTO EDI SANA BINALIKAN NIYO AKO PARA TULONGAN EDI SANA HINDI AKO MAGKAKAGANON EDI SANA HINDI AKO MAGAGALIT NG GANITO!"  Ngayon naririnig ko na ang pinagsasabi ni Kelly dahil napakalakas ng boses niya, halos lahat na ng studyante nakatingin sakanila.


Agad akong tumakbo papunta sakaniya at hinawakan ang kamay niya na muntik ng matamaan sa muka ng isa sa mga babaeng nakaharap niya ngayon."Marie pag-isipan mo muna ang gagawin mo."

She's more than just a girlWhere stories live. Discover now