"Ayieeeee! May nalalaman ba kaming hindi namin nalalaman?!""Kayooo haaa! Nakoooo!"
"Juskoooo! Kayo na ba?!"
Tinawanan lang namin ni Roine ang mga pag-kutsa nila samin. Hindi ko alam pero ako kasi yung babaeng sinasakyan lahat ng trip. Kaya itong trip ni Roine sinakyan ko.
Nasa bahay kami ngayon ng kaibigan namin kasi kaarawan nya ngayon, kasalukuyan kaming magbabarkada na nakatambay sa kwarto ni Renz.
Ang nasa sahig ay sina Angela, Mela, Renz at Vana. At ang nasa higaan naman ay kami nina Roine, Ten, Shasha.
"Kim.." tumingin ako ng may ngisi sa mga labi. "Bakit nanaman roine?" Mahina kong tanong.
Hinila ako nito at nagtakip kami ng mga unan. Hinawakan nya ang kamay ko at ininterwined..
"..gusto mo ako?" Biro nya.
"Hindi noh, feeling"
That's the truth.
Tumawa sya at nanunuksong tumitig sakin. "Payakap" sabi nito.
Ngumiti ako rito at niyakap sya habang ang ulo ko ay nagpapahinga sa kanyang dibdib.
Sweet.
"HOY KAIN NA DAW SA BABAAAA!" Sigaw ni Renz, naghiyawan naman kami at bumaba na sa dining table.
Lahat kami ay nahihiya na kumuha ng pagkain, nagulat ako ng kunin ni Roine ang pinggan ko. Katabi ko kasi sya.
"Anong gusto mo?" Nakangiting tanong nya.
Nakaramdam naman ako ng hiya, "k-kahit na ano"
"Spaghetti, ayos lang?"
"S-sige.."
Kinuhaan nya ako at nilapag na sa mesa ko, nilagyan nya ng juice ang baso ko.
Nakita ko ang nanunuksong tingin ni Mela, sya lang yata ang nakapansin.
Sinamaan ko ito ng tingin.
"Kingina! Ang sikip!" Sambit ko.
Naramdaman kong tumayo si Roine, "tsh, dun na nga ako sa kabila"
Hindi pa sya nakakatayo ay hinawakan ko na ang kamay nito..
I-i don't know why..
"Psh, joke lang. dito k-ka sa tabi ko uy.." sabi ko ng nakanguso.
Inirapan lang ako nito at tinabig ang kamay ko, pumunta sya sa kabila kaya i rolled my eyes nalang pero nakita kong bumalik sya sa tabi ko.
"Tsh, joke lang. kain kana nga!" sabi nya at kumain na.
Napahalakhak naman ako.