Papunta na ngayon si Jake kina Vanessa. He feels excited. He wanna can't wait to see her again kahit na kagabi pa lang sila huling nagkasama sobrang miss na niya ito. Kaya naman, halos lumilipad na ang sasakyan niya dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya. Gusto kasi niyang makarating agad kay Vanessa.
Then his phone rings. He connected his bluetooth headseat and put it on his ear.
"Hello langga," si Vanessa ang tumatawag. He smiled widely kahit alam naman niyang di siya makikita nito. "Hello langga! Napatawag ka?" malambing niyang sabi. "Langga, pwede bang isama ko ang friend kong si Maxi?" tanong ni Vanessa. Kumunot ang noo niya. "Maxi?"
"Yeah, my gay friend," sagot ni Vanessa. "Oh! Ok, you can tag him along," sagot niya. "Thanks langga!"
"Wala yun. Hey, be ready. I'm almost there," sabi niya. "Ok. See ya later!" Tapos nawala na ito sa kabilang linya.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na siya kina Vanessa. Aa usual, he keeps distance from her house. He texted her na nakarating na siya.
"Oy, bakla! halika na! Andyan na si Jake," sabi ni Vanessa sa kaibagang bakla na si Maxi. Dali-dali naman nitong tinapos ang paglalagay ng face powder. Tapos lumabas na sila ng bahay.
Naglakad sila patungo sa sasakyan ni Jake. "Bakla, ang sosyal ng fafa mo ha? Naka ford," sabi ni Maxi. She just smiled.
"Hi langga!" kiniss ni Vanessa si Jake sa pisngi nang makasakay sila sa sasakyan nito. "Langga, si Maxi nga pala, friend ko. Bakla, si Jake," pakilala ni Vanessa. Nilingon naman ni Jake ang baklang nakaupo sa backseat. Ngumiti naman ito sa kanya at ginantihan din naman niya ito ng isang matipid na ngiti.
Habang nasa biyahe ay panay daldalan nina Vanessa at Maxi. Wala naman sana yung kaso ngunit itong baklang to, nakakairita at ang lakas ng boses tapos feeler pa. Kala mo kung sinong maganda eh, mukhang frog naman ang mukha. Di na siya nakatiis at kinuha niya ang ipod touch niya at inilagay sa ipod dock na may speakers. Ini-on niya iyon at nagpatugtog.
Bahagya namang nagulat ang dalawa. Di na masyado nagsasalita si Vanessa ngunit si bakla. God! He's so dumb! Wala yata itong sense. Di pa rin tumitigil sa kakadaldal. Di na siya nakapagtimpi.
"Please, can I have a relaxing travel?!" he said in a low yet firm voice.
Nakita naman ni Vanessa na nakasalubong ang mga kilay ng nobyo. Alam niyang naiirita na ito sa kadaldalan ni Maxi.
"Sorry Jake," she said. Hindi naman siya kinibo ng nobyo hanggang sa makarating sila kina Jake. Bahagya pa siyang nagtaka dahil umikli yata ang daan mula sa gate ng lupain ni Jake hanggang sa bahay nito. Kasi nung nagpunta sila nina Jeff at Rosebud nung birthday ni Jennifer eh, malayo-layo naman yung gate sa bahay. "May hidden shortcut pala dito." isip niya.
Sinalubong sila ni Dwight nang makababa sila sa sasakyan. "Hi Vanessa! Kumusta?" ang tanong ni Dwight. "Ok naman, ikaw?" she flashed a smile at him. "Ok lang din. Thanks for asking."