PROLOGUE

18.8K 196 5
                                    

PROLOGUE

"Hindi ako makapaniwala Seth! Pinakasalan mo talaga ang SLUT na 'yon?!" Nakasalubong ang kilay na hindi natutuwang reaksyon ni Sandra, isa sa mga kaibigan ni Seth na may gusto sa kanya.

Inimbitahan niya ang mga kaibigan para maglabas ng sama ng loob sa mga ito at nagkataon naman na itong si Sandra ang naunang dumating kaya dito niya unang naikwento ang masamang pangyayari na naganap sa buhay niya ngayong araw.

"Kahit ako rin naman e, hindi rin ako makapaniwala na nagpakasal ako sa isang maruming babaeng katulad niya!" Punong-puno ng pagsisisi at pandidiri na saad niya.

Oo, kasal na siya---kinasal siya kahit labag sa kaloob niya. 

Kinasal siya dahil sa kagustuhan ng mga magulang niya at ang masama pa ay sa wala pang kwentang babae siya ipinakasal.

Mangingialam na nga lang ang mga ito sa kung sinong babae ang dapat niyang pakasalan ay hindi pa ang mga ito namili ng matino-tinong babae na pwede man lang sana niyang maipagmalaki!

At ang isang MIKAELA ZEA CARPIO lang ang pinili ng mga ito  na hindi nga niya alam kung saang putik nila ito pinulot.

Siya.... si STEPHEN DANIEL ZAMORA isa sa hinahangaan at kinababaliwan ng mga babae sa kanilang bayan ay nahulog lang sa mga kamay ng isang marumi at mababang uri ng babae! 

Nakakahiya! 

Nakakahiya!

Pero kung inaakala na ng Maze na iyon na gaganda na ang buhay nito sa pagpapakasal sa kanya pwes, nagkakamali ito dahil gagawin niya ang lahat maging empyero lang ang buhay nito.

Ipapalasap niya dito ang buhay na hindi nito inaakala---ang empyerno na hindi nito inaasahan!

© 2019 

(EDITED 04/2020)

MY MONSTER HUSBAND (COMPLETED) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon