Our Friendship

30 3 0
                                    

Naalala mo pa ba?
Nung una tayong nagkita? Nagkakilala?
We were 1st year college way back 2009. Hindi ko inasahan na kaklase ka ng Highschool Bestfriend ko.
Nakaupo ako nun sa gilid ng Bldg. Natin nung nakita nya ako. Tapos tinawag ka nya "Joshua, si Hazel nga pala" hiyang hiya ako nun. Tumigil ka sa harapan ko para makipaghandshake, inabot mo kamay ko habang nakatungo ako. Ginaya kapa nga nung isa mong kaklase nakipagkamay din sya sakin at nakipagkilala pa 😄. Pagkaalis mo sa harapan ko binatukan ko yung kaibigan ko. 😆  hahaha. You already know naman na crush kita noon di ba? Hahaha. Pano mo ba naman kasi di malalaman eh, madaldal yung kaibigan ko na naging classmate mo hahaha.Nung nakipagkamay ka sakin, isa lang tumatak sa utak ko, yung mga mahahaba mong kuko, ikaw lang ata yung lalaking nakilala ko na ganun 😆, nadaig mo ako dun ah, pero infairness kahit mahahaba ang kuko mo malilinis naman.

Lumipas ang mga araw at nagkaroon ng screening for Mr. and Ms. BSBA sa dept. natin. Di na ko nagtaka kung bakit kasali ka doon kasi kung mukha lang naman ang pagbabasehan may ibubuga ka naman talaga at mukha ka ring matalino. Pero hindi ko inasahan na bigla kang magbaback out dun tapos mababalitaan ko nalang na nagstop ka sa pagaaral. Nalungkot ako nun kasi syempre di na kita makikita sa school.

Everythings becomes normal again. Pero may kasabihan nga na "Kapag may umaalis, may dumarating" Nung nawala ka sa school, there is this guy from the Info.Tech department na nakapukaw ng atensyon ko. Palagi ko syang nakikita, everywhere. Kahit san ako pumunta andun sya. Mapa-gym,stalls,hallway,Educ bldg. At syempre dun sa Info.Tech bldg. Una ko syang nakita nung Info.Tech day nila, actually kasabay yun ng Dept. Day natin kaso dahil wala namang space sa building natin kasi marami rin nanonood, sumama nalang ako sa mga highschool friends ko na Info.Tech students, doon ako nakinood 😅 pagkatapos nung araw na yun, araw araw ko na sya nakikita, malimit ko pa syang makasalubong sa campus. Di ko alam kung bat kapag nakikita ko yung guy na yun kinakabahan ako, yung feeling na kinikilig ganun. Masaya ako kapag nakikita ko sya, feeling ko buo palagi ang araw ko.🤗 Na- Love at First Sight ata ako sa kanya.😅 Dumating yung time na naging textmate kami, as in araw-araw kaming magkausap. Nakakatawa lang na 2 times kami nagbalak magmeet pero epic failed palagi 😅. 1st attempt, ako yung di available kasi nung sinabi nya na magmeet kami pauwi na ko sa bahay nun. 2nd attempt, sya naman yung hindi pede, kasi after class umalis na sila agad sa campus gawa ng may swimming silang magkakaklase. Pero itong tadhana masyadong mapaglaro, kung kelan hindi ko inaasahan dun pa dadale hahah. Very unexpected yung time,place at syempre yung timing. Di ako prepared nun. So eto na nga, palabas kami ng campus nun kasi kakain kami bago umuwi, tapos bigla ko syang nakita papasok palang sya nun sa gate, etong kabarkada ko may pagkamagaslaw, tinawag ba naman sya "Aris, eto nga pala si Hazel", grabe yung feeling ko nun? Para akong binuhusan ng yelo hahaa. Natulala nalang ako nung lumapit sya para makipaghandshake sakin, pakiramdam ko tumigil ang mundo.😂 Sobra-sobrang kaba yung nararamdaman ko, yung parang gusto ng lumabas ng puso ko, gusto ko na ring kainin ako ng lupa that time kasi hiyang-hiya ako, andaming tao dun sa gate nung mga panahon na yun tapos andun din yung mga guards. Pinagtitinginan kami at nagsisigawan sila, nangunguna pa mga kabarkada ko with matching pagpalakpak pa, kinikilig din kasi. 😁
After noong araw na yun mas lumala na yung feelings ko for him,siguro tinamaan nga talaga ako ng bongga.

So fast forward natin, year 2010 nakasalubong kita somewhere inside the campus, you are wearing white T-shirt tapos naka-eyeglass kapa. Napatanong tuloy ako sa sarili ko "si Joshua ba yun? Mag-aaral na ba sya ulit?" Until yun nga may nakapagsabi sakin na bumalik kana nga daw ulit pero nagshift kana ng course from BSBA to Tech.Voc. pero kahit bumalik kana sobrang bihira kita makita sa school siguro kasi dahil sa sched.ng pasok tapos masyado na rin akong nahumaling dun sa Info.Tech guy na yun hahah. Nakakatawa lang na isa sya sa naging inspirasyon ko para mas pagbutihin ang pagaaral ko. May pagkakataon kasing same kami ng Prof. Minsan pa nga sila ang nagchecked ng test paper namin tapos kami nagchecked nung kanila, sad to say na never napunta sakin yung papel nya 😔 gustong gusto ko malaman kung anong itsura ng penmanship nya kung maganda ba o pangit hehe. Nacurious lang kasi ako.😅 Nung nagpapractice kayo ng Graduation may ibibigay sana akong munting regalo sa kanya kaso dahil naunahan na naman ako ng hiya hindi ko nabigay, iniisip ko din kasi na baka di nya tanggapin o di nya magustuhan. Hehe so ayun until now nasa akin padin yung regalo na dapat ay ibibigay ko sa kanya.😌 Nakuwento ko naman sayo yung about dito before diba? Hehe. Sya yung tinutukoy ko na nanligaw sakin na di ko sinagot, kasi baka kaya nya ginawa yun dahil alam nyang gusto ko sya. Mas priority ko kasi ang pag-aaral noon, hehe masaya na ko na naging inspiration ko sya. Wala rin naman kasi akong balak magboyfriend habang nag aaral e. Crush-crush lang okay na ko. Hahaha. Pero imaginin mo, 3 long years ko syang gusto nakagraduate na kayo't lahat sya parin ang gusto ko haha. Ganun ba ko kaloyal? Haha.

Anyway, tama na muna yun, tuloy natin yung kwento ko about sa atin. 🙂 Year 2011, ayan eto na. Graduation year nyo na. Di ko na matandaan kung kanino ko nakuha ang # mo basta ang alam ko lang gusto kitang batiin. On the day of your Graduation, tinext kita ng "Congrats", nagreply ka sakin ng "salamat, who's this?" ( not really sure kung yan yung exact na reply mo, di ko na masyadong marecall). Dito na tayo nagsimulang mag-usap. Pero hindi literal hahaha. We became good friends since then.

Nagkaroon tayo ng kainamang kadaming endearments😆 at first I called you "kuya" kasi gustong gusto kong magkakuya talaga kaso wala e, ako yung eldest child sa family kaya ayun, ikaw nalang  and you called me "Miss Macaraig" nakakatawa lang kasi napakaformal ng datingan nung tawag mo sakin, my goodness, hindi kasi ako sanay na tinatawag sa last name ko e. 😅 Then nabago yun naging "HM at JD" which is initials ng full names natin. Until it became "hon-hon/bee-hon" tapos di rin nagtagal naging "BB/bee" nalang. 😄

Days,months and years had passed unti unti kitang nakikilala. Mabait ka, caring ka, mapagmahal sa pamilya,madasalin and many more.🙂 As a friend naamazed ako sa ganung ugali mo and I really admire you for that, I really do. Sobrang Good Influence ka saken kahit minsan makulet ka. Hahaha. Everytime I feel down, you're always cheering me up. Everytime I felt like giving up in life, you always encourage me to just keep on going. We never had a conflict or a fight. Masyado kasi nating iniintindi ang isa't isa. We never used pride over friendship.
Nakakaloka lang na yung mga bagay na alam mong di ko ginagawa, yun pa talaga ang ipinapagawa mo saken, lalo na yung sa gatas. Alam na alam mo na hate na hate ko uminom nun kasi ayaw ko ng lasa, pero dahil makulit ka, hindi mo ako tinantanan hanggat di kita sinusunod. Ang malala pa dun gusto mo pa picturan ko para may evidence. Ganun ka katinde haha. Hindi ko alam kung bakit ako sunod ng sunod sa mga sinasabi mo.🤔 Ask ko lang, may powers ka ba? Hahaha lakas mo makacontrol ng tao e. Pero don't worry, its okay. I know kaya mo ginagawa yun  kasi alam mong para sa ikakabuti ko rin yun, especially sa health ko.

Sa sobrang close natin palagi tayong napapagkamalan na magjowa hahah. Di na nawala-wala yang issue na yan. Ewan ko ba sa mga tao na yan. 😁 Huwag ka kasing sweet, isa ka din eh.hahaha. You know what, to be honest everytime you told me that you have a Gf, there's something in me, I dunno know why I felt sad maybe because matutuon na sa iba yung atensyon mo, but don't worry about me.😉 For as long as it will make you happy, I'll be happy too. 🙂 But please bare with me if sometimes sinasadya kong di ka kausapin lalo na kapag alam kong In a relationship ka, its my way of respecting your relationship with your girl. I don't want your Gf to feel jealous,insecure or whatsoever. I think, this is the right and best thing to do. Wag mo sanang iisipin na nilalayuan kita, okay? Ginagawa ko to, kasi ito yung dapat. I should give you space para maging okay kayo palagi ng partner mo. 🙂 basta dito lang naman ako always nakasupport sa lahat ng ginagawa mo. 😉

I thank God because He gave me you, hindi lang ako nagkaroon ng Kuya, nagkaroon pa ko ng Bestfriend, Boy Bestfriend to be exact.🤗 Sobrang smooth ng friendship natin. I am very blessed that I've met and have someone like you in my life. 🙂. Just want to let you know that, even if there's a time na hindi tayo nagkakausap because we were too busy with our own businesses. I am still here for you no matter what life may bring us. Take care of yourself always, okay? 🙂 God bless and Keep on sailing. 😅😉.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Letter For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon