Ang Bola.

1.1K 37 10
                                    

Ang Bola

©zyanntrx

"Hay! Ang gwapo-gwapo niya talaga." Sambit ko ng makita 'kong pababa sya ng hagdan. Sa second floor kase room nya. Parang slow motion ang paglakad nya. Ang COOL talaga !! *__*

" Huy! best ? nakikinig ka ba? " nabalik ako sa realidad. gawang bestfriend ko. Ikaw ba naman ang sigawan sa tenga. =__=  Baka masira eardrums ko. Sayang ang ganda ko.

" Hah? Ano ba yun? " tanong ko sa kanya, Grabe masyado pala akong busy kanina kakatitig kay Vince. 

" Hayy! sabi ko na nga ba eh! hindi ka nakikinig. " sabi nya habang nakatingin kay Vince. Kilalang kilala na talaga ako ni Kath. 

" Sabi ko magpapractice tayo bukas ng volleyball. Sa Monday na yung practical test natin. Eh! ayokong 75 ako sa practical test. " ay ! kaya nga pala. Huhu.. TT__TT ayoko pa man din ng volleyball, hindi ako marunong. Buti pa si Vince my labs varsity sa volleyball. Nung unang beses ko nga syang nakitang maglaro ng volleyaball napahanga ako. Ang cool kaseng bawat galaw nya.

" Sige! daan ka na lang sa bahay bukas. " sabi ko sa kanya.

    Ayy ! grabe ang daldal ko na, magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Raye Anne de Vega. 3rd year highschool sa St. Therese. Si Kath Valle, bestfriend ko simula first year. Si Vince super crush ko na yan simula nung grade 5. Schoolmate ko kase sya nung elementary at ngayong highschool.

**** Fastforward

Wala na mang espesyal na nangyari nung Saturday at Sunday nagpractice lang kami ni Kath ng volleyball. So fastforward.....

 Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah !! >___< It's monday, meaning practical test namin ngayon sa PE. Huhu TT_________TT. Sino kasing nag-imbento ng volleyball na yan?? Ibibitin ko ng patiwarik. Joke lang, ayoko ngang makulong. Sayang ang ganda ko kung mga bilanggo lang ang makakakita.       

Grabe kinakabahan talaga ako. First subject pa man din namin ang PE. Napatingin ako sa relo ko. Waaaaaaaaaaaaaaah !! 2 minutes nalang before 8. Grabe ang lakas ng kaba ko. :"<

** After 2 minutes...

" Goodmorning Class " bati ni Mam Sumilang samin. 

" GoooooodMoooooooooooooorning Mam Sumilang "bati namin kay Mam ung parang pang elementary lang ung pinapahaba.

" Class practical test natin ngayon, Nagpractice ba kayo ?? " Tanong ni Mam sa min.

" Mam kahit hindi na ako magpractice. Ako pa galing na galing ko. " Sabi ni Loyd habang nakatayo, Ayy !! grabe ang hangin. Pag yan 75 tatawanan ko yan.

Magsisimula na, kaya nagpunta na kami. Ang unang maglalaro ay  sina Rose, Khaye, Lea, Jean, Kath at ako. Yung sa kabilang team naman ay sina Krizia, Kate, Jarra, Cleo, Pauleen at Cristine. 

" Kath kinakabahan ako " sabi ko kay Kath. Sobrang kinakabahan talaga ako. Parang mamamatay na ako sa kaba. 

" Kaya mo yan Anne. Aja !! " sabi ni Kath sa kin. Whoooooooooh !! medyo nabawasan yung kaba ko dahil sa kanya.

" Okay! mag i-istart na " sabi ni Mam samin. Bakit kasi volleyball pa, pwede namang jackstone na lang hindi pa nakaka pagod. 

Unang nakakuha ng ng bola ung kabilang team. Ang nag serve ay si Kate. 

" Waaaaaaaaaaah !! girl andito sa gym si Vince baby. " napatingin ako dun sa girl na nagsalita. Waaaaaaah !! andito daw si Vince.

" A-annnnnnnnnnnee yung bola ! " narinig kong sigaw ni Kath. Agad akong napatingin sa unahan. Tumama sa mukha ko yung bola. Natumba ako at nagdilim bigla yung paningin ko. 

Kath's POV

Tumama kay Anne yung bola. Lumapit agad ako sa kanya. 

" Anne okay ka lang ba ? " tanong ko habang inaalog-alog sya. Nakapikitpa rin sya. Bigla na lang may nag buhat sa kanya. 

Si

Vince pala yung long time crush ni Anne.

" Dadalhin ko na sya sa clinic. " sabi nya. Lumakad na sya habang buhat buhat si Anne yung parang sa bagong kasal. Sumunod na lang ako sa kanya.

" Siguro kong gising si Anne, baka nagtatalon na yan sa kilig " sa isip ko. Kilalang kilala ko na ksi si Anne. Mabait din naman pala si Vince, medyo suplado kasi yan. 

Nakarating na rin kami sa clinic. Medyo malakas daw yung pagtama ng bola sa mukha ni Anne kaya daw nawalan ng malay pero magigising din daw ito maya maya. Umalis muna ako sandali para bumili ng pagkain ni Anne baka kasi gutom sya paggising.

Anne's POV

Nagising akong maramdam kong may humahaplos sa buhok ko. Ang sakit pa rin ng mukha ko, Ikaw ba naman tamaan ng bola. ==____== Nagmulat ako at O_________O si....

Vince? totoo ba to ? baka naman namamalikmata lang ako.  Kinusot kusot kopa yung mata ko.. Waaaaaaaaaaaaahh !! totoo nga.

" Okay ka na ba ?" tanong nya sakin. Ang gwapo nya talaga. 

" A-ahh ! O-oo " sagot ko. Hays! bakit ba ako nauutal? nakakahiya >_<

" Maalam ka bang magvolleyball ? Bat kung san san ka nakatingin habang naglalaro. Tanga ka ba ??  " nagulat ako sa tanong nya sakin. Naalala ko kaya nga pala hindi ako nakatingin sa unahan kasi narinig ko yung pinag-uusapan  nung mga babae. 

" Ohh ! bola, sayo nalang mag-aral kang mag volleyball. " sabi nya at tuluyan ng lumabas. Ang suplado talaga nun. Pero waaaaaaaaah !! kinikilig ako ;">

Napatingin naman ako sa binigay nyang bola. May nakasulat at nanlaki yung mata ko OO_________OO sa nabasa ko.

" MAHAL KITA RAYE ANNE DE VEGA MATAGAL NA. " 

- VINCE DELA CRUZ <3

   "Kahit 75 ako sa practical test namin 100 naman ako sa puso ni VINCE DELA CRUZ ang taong mahal na mahal ko. <3 "

-END-

***

Twitter→ @zyanntrxWP

Ang Bola [ONE-SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon