6 Ways to Confess

341 12 0
                                    

Lahat tayo ay natatakot umamin na may gusto tayo sa isang tao dahil iniisip natin kung ano man ang posibleng kahihinatnan neto.Yung iba dinadaan sa letters,yung iba dinadaan sa chocolates,yung iba dinadaan sa paflowers,yung iba dinadaan sa kanta,yung iba dinadaan sa surprise,at yung iba naman dinadaan sa harap-harapang pag-amin.Lahat nang yun ay ginagawa natin para lang ipaalam sa taong gusto natin ang totoong nararamdaman natin para sa kanila.At lahat nang yun ay nagawa na ni Charles Kieron Manalad.Sinong mag-aakala na ang isang popular,mayaman,talented at gwapong lalaki is afraid to confess his love for a girl he had laid his eyes on for such a long time now?Ginawa niya ang lahat nang yun, tinawag pa nga niyang 6 Ways to Confess yun eh.Balikan nga natin ang mga PALPAK na pag-amin ni Ck.

Confession #1

"Ah..ma'am may I go to the comfort room?"-paalam niya sa teacher nila.

"Ok Mr. Manalad."

"Thank you po"-at nagsimula na siyang maglakad palabas ng classrom nila.Hindi naman talaga siya magc-cr eh.Pupunta lang siya sa locker room dahil sa napaka-importanteng mission.

"Ok kaya moto Charles ,lumapit ka lang sa locker niya at ipasok mo to sa gilid and done!"-sabi niya sa sarili at tinignan ang envelope na nasa kamay niya ngayon.It's a letter for the girl he admires the most.Napabuntong hininga siya at nagsimula nang maglakad papuntang locker .Walang tao ngayon dito sa hallway kasi puro may klase pa.Hinanap niya yung apelyedo ng bibigyan niya ng letter at yun.Nakita na niya.Magiging Manalad rin yan in the future.Sabi pa niya sa sarili.Nakalock yung locker ng crush niya kaya naman ipinasok niya ito sa gilid ng locker .Agad naman siyang tumakbo para walang makakita sakaniya don.Pumasok na siya ulit sa classroom nila ng nakangiti.Yes! Succes haha.Umupo na ulit siya sa upoan niya at nakinig na sa discussion ng guro, pero bago yun tumingin muna siya sa babaeng nasa gilid nang bintana sa harapan at napangiti na lang.Tsk ang ganda niya talaga... Biglang napatingin  ang dalaga sa kaniya kaya dali-dali naman itong tumingin sa harap at nagpanggap na nakikinig.Phew muntikan na yun ah? Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko.. Pero teka...nilagay ko ba ang pangalan ko sa letter? Mukhang wala yata..shet naman Charles,gagawa ka na nga lang ng confession letter wala pang pangalan!? Pangaral niya sa sarili.

"Arrgg!"

"Yes Mr. Manalad? Is everything ok?"-Tanong ng guro.Napalakas ata.

"Ah.. yes Ma'am may kumagat lang pong langgam sakin hehe."-palusot nito sa teacher niya at ngumiti.Tumango lang yun at bumalik na sa discussion niya.

Confession # 2

Ngayon naman ay bibigyan niya ito ng chocolates,balita niya kasi mahilig ang dalaga sa chocolates kaya naman naisipan niyang bigyan ito.Pero syempre,may dala paring confession na nakasulat sa sticky note at nakadikit sa labas ng box.Ang kailangan niya lang gawin ay ibigay ito sa taong malapit sa kaniya at ayon! Mission Succes!Papunta siya ngayon sa library dahil alam niyang mahilig magbasa ng libro ang dalaga.Hinanap niya yun at napangiti nung nakita na niya.Kaya lang hindi niya alam kung pano niya ito maiaabot sa dalaga.Aish! Bahala na si Batman!

"Vivoree"-Mahinang tawag niya sa dalaga na naghahanap ng libro sa bookshelf.Medyo nagulat ito sa biglaang pagsulpot niya pero sumagot na rin.

"Ah...bakit?"

"Ahm.. ah...mag-magkaibigan kayo ni ano..ni Heaven diba!?"

"Oo bakit?"

"Gusto ko sanang ipabigay ito sa kaniya"-sabi nito sa dalaga at inabot ang isang box ng chocolates."Pero pwedi bang wag mo nalang banggitin sa kaniya kong kanino galing yan?"

"Hindi siya mahilig sa chocolates kasi ayaw niya ng matatamis,pero sege itatry ko nalang na ibigay to sa kaniya."

"Ganon ba?Eh kung ayaw niyang tanggapin sayo na lang yan.Sayang naman kung itatapon lang. Sege mauna na ako salamat ah?"-Sabi ng binata at lumabas na ng library.Habang si Vivoree naman ay biglang nadissapoint.Hindi niya makakaila na may gusto siya sa binata.Kasi kahit gaano siya ka yaman at gwapo,mabuti parin ang pakikitungo niya sa mga taong nasa baba.Kaya naman talagang napahanga siya sa ugali ng binata.Eh sino naman ang magkakagusto sa tulad niyang loser at puro libro lang ang inaatupag?Hindi tulad ng kaibigan niyang si Heaven na bukod na sa mabait ito ay napakaganda pang dalaga.Napabuntong hininga na lang siya at lumapit sa kaibigan niyang nagbabasa din ng libro.

KierVi  ImaginesWhere stories live. Discover now