Habang tumatagal, gumagaan na yung pakiramdam ko. Nagiging komportable na ako sa kanila. They're so nice. Wala akong masabi. Pati ang lolo niya mabait. Nakakasundo ko rin yung mga kapatid niya. Ipapakilala ko kaya si Rachelle sa kanila para naman may kaibigan yung batang yun. I glanced at my wrist watch. It's already quarter to 9. Ganun kahaba yung usapan namin. Seriously?
"Do you want to go home?" bulong sakin ni Donny. Tumango ako.
"Baka hinahanap na ako sa bahay." sabi ko. Hindi kasi ako nakatext kay mama. Patay na naman ako nito.
"Lo, it's getting late. Kailangan na pong umuwi na Shar." wika ni Donny.
"Already? Naku naman." malungkot na saad ng mama niya.
"Pasensya na po. Baka pagalitan na ako ni mama." nakangiting saad ko.
"Sige na iho. Ihatid mo na siya. Salamat sa pagpunta iha. Pumunta ka sa bahay kapag may free time ka, para makapag usap ulit tayo." sabi naman ng lolo niya.
"Dapat lang. It's so nice to have you here. Ipapasundo kita kay Donny anytime ha." sabi naman ng mama niya.
"Naku ma! Baka yayain mo yang si Shar mag shopping. Hindi yan mahilig." sabi ni Donny.
"How did you know?" tanong ng mama niya.
"Syempre girlfriend ko siya." simpleng sagot niya. Napayuko naman ako sa hiya.
"Ewan ko sayo, Donny." sabi ng mama niya.
"Alis na po kami." paalam niya.
"Bye po. Salamat po sa pag invite." sabi ko. Tumango naman sila nang nakangiti.
"Mag ingat kayo." sabi nila.***
"Your family are nice, Donny." sabi ko. Sa kasalukuyan siyang nagdadrive pauwi sa amin.
"Of course. Ganun talaga sila. Minsan weird din. Napapaisip nga ako kung kanino ba ako nagmana." sabi niya at tumawa ng mahina. Napangiti ako.
"Oo nga. Lahat sila mababait. Ikaw lang yung hindi. Tapos ang yabang-yabang mo pa." asar ko sa kanya.
"Huwaw! Ako pa ngayon ang mayabang." sabi niya.
"Wait Dons. May load ka ba? Patawag naman kay mommy. Baka hinahanap na ako nun." nag alalang sabi ko.
"I don't think so. Kung nag alala yun, dapat kanina ka pa nila tinatawagan." sabi naman niya.
"Oo nga. Himala ata. May load ka ba? Kahit text lang oh. " sabi ko.
"Wala eh." sabi niya. Hindi na ako nakapagsalita. Nag aalala lang ako baka hinahanap na nila ako. Patay!Tumigil ang sasakyan hudyat na nandito na kami sa bahay.
"Sige na Donny. Umuwi kana. Baka makita ka nila dito at mamisinterpret pa nila." pagtataboy ko.
"Bakit takot na takot kang makita nila tayo?" tanong niya.
"Eh kasi nga ma mis interpret nila yun. Baka kung ano-ano pa maisip nila. Sige na. Umuwi ka na." pagmamakaawa ko.
"Okay fine." natatawang sabi niya.
"Sige mag-iingat ka." sabi ko. Bigla siyang lumapit sa akin.
"Woi! U-umalis k-kana!" naiilang na sabi ko. Ang lapit-lapit kasi niya eh.
Walang ano-ano'y, hinalikan niya ako sa aking sentido. Nagulat naman ako sa ginawa niya. Wala pang nakakagawa niyan sa akin bukod kay papa, mama at si...Nash. Oo nga pala, ginagawa niya sakin yan everytime na ihahatid niya ako sa bahay. Teka! Ba't ko ba iniisip si Nash? Si Donny ang kasama mo Shar. Si Donny.
"Good night, ma'am." nakangiti niyang sabi at tumalikod na papasok sa kotse niya.
Mali eh. Maling-mali. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? May sakit ba ako? May heart attack ba ako? Hala! Kelangan kong sabihan sila mommy. Baka kung ano na to."Oh, anak! Andito kana pala." bungad sakin mama.
"Napagod ka ba, iha? Ang ganda ng suot mo ha. Bagay sayo." sabi naman ni Dad.
"Ate, you look pretty." sabi naman ni Rachelle.
What's going on? Bakit hindi man lang ako pinagalitan? Ni hindi nga sila curious kung bakit ganito yung suot ko eh. May inihanda pa naman akong palusot.
"Magpalit kana, anak." utos sakin ni papa.
"H-hindi ba kayo m-magtatanong kung san ako galing? O bakit ganito yung ayos ko? Bakit ngayon lang ako? Ganun ba." wika ko.
"Alam na namin. Pumunta iyang boyfriend mo dito. Nagpaalam na may family dinner kaya gusto ka raw niya isama para maipakilala ka sa magulang niya. Aba! Ayos yung batang yun ah. Bet ko siya, nak. Very rare lang yung mga lalaking ganun. Yung ipapakilala ka sa parents nila kahit bago pa lang kayo. Alam mo bang pumunta iyan dito at pormal na nagpakilala sa amin?" kwento ni mama.
"What? Bakit niya ginawa yun?" wala sa sariling tanong ko. Binatukan naman ako ni mama.
"Syempre gusto niyang maging legal kayo. Anong gusto mo, itago yung relasyon niyo? Aba!" sabi ni mama.
"Tama ang mama mo, Shar. Dapat alam namin yan." pagsasang-ayon ni papa.
"Pinahirapan niyo ba kanina si Donny?" tanong ko. Nagkatinginan sila. Ha! Knowing them. Napailing ako. Kawawang Donny.
"Magbibihis na ako." sabi ko at nagsimula ng maglakad patungo sa kwarto ko. Pero tumigil ako nang nasa tapat na ako ng pintuan namin.
"Last niyo na po yun kanina ha. Wag niyo na pong uulitin yun." malakas na sabi ko para marinig nila.
"Ang alin?" tanong ni mama.
"Ang pahirapan yung boyfriend ko." nakapout kong sabi bago ko isara yung pintuan ng kwarto ko. Kinacareer ko na talagang magkaroon ng boyfriend. Aba! Ang swerte naman ng ungas na yon. Siya kaya yung first boyfriend ko kahit pagpapanggap lang yon.
Habang nagbibihis ako, nag beep naman yung cellphone ko. Sino kaya yung nagtext?+639**********
Hey! It's me! Save my number.Sino ba yan? Ang kapal ng mukha ha. Close kami? Hindi ko nireplyan. Hindi nga nagpakilala kong sino eh. Baka budol-budol yan.
After ilang minuto, tumawag ito."Hello?"
(Shar) si Donny lang pala. Akala ko kung sino.
"Ikaw lang pala. Akala ko budol-budol eh."
(Ha?)
"Wala. Nakauwi na kayo?"
(Yeah. Kakauwi lang namin.)
"Ahh. Bakit napatawag ka?"
(Bawal na bang tawagan yung girlfriend ko?)
Humiga ako sa kama at niyapos ang unan ko.
"Ewan ko sayo. Matutulog na ako. Ikaw kasi magdamag mo akong pinagod. Ang sakit tuloy ng katawan ko." teka! Parang may mali ata sa sinabi ko ah. Pinagod? Magdamag? Omg! Napaubo siya.
(G-grabe!)
"I mean...kung saan-saan tayo pumunta kanina. Nagsuot pa nga ako ng hindi komportable sa akin. K-kaya ano...masakit yung katawan ko kasi napagod ako sa kakalibot natin kanina. Ang green minded mo ha." potek naman kasi!
(Wala nga akong sinabi eh.)
"Tse! Matutulog na ako. Maaga pa ako bukas."
(Sabado bukas.)
Oo nga noh! Tsss. Hindi talaga ako makakalusot sa mokong na to.
"Inaantok na ako. Bahala ka diyan. Bye." sabi ko at pinatay na ang tawag. Kala niya ha. Sinave ko na rin yung number niya.-Kinabukasan-
Sa kasalukuyan kaming nagbebreakfast. Wala kaming yaya kasi malaki naman kami ni Rachelle.
"Ma, may practice po kami mamaya para sa presentation namin sa monday." sabi ni Rachelle.
"Saan naman?" tanong ni mama.
"Sa bahay po nila Katniss." sagot naman niya.
"Okay, ihahatid na kita mamaya." sabi naman ni papa.
"Ikaw Shar, may lakad kaba mamaya?" tanong ni mama.
"Wala naman. Ang sakit pa kasi sa ibabang parte ko. Tsss." reklamo ko. Natigilan sila sa pagkain. Napatingin ako sa kanila. Nakanganga silang lahat. Ano na naman?
"A-anong sabi mo?" hindi makapaniwalang tanong ni mama.
"Sabi ko masakit yung-" hindi pa ako tapos magsalita nang magsalita ulit siya.
"Bakit masakit? May nangyari ba sa inyo ng Donny na yan?" sigaw ni mama.
"Calm down." pag aalo naman ni papa sa kanya.
"Anong pinagsasabi niyo mama? Oa? Porket masakit lang pang ibabang parte ko, may nangyari na agad?" Tssss.
"Oh eh bakit masakit?" tanong naman ni mama.
"Syempre nagheels ako kagabi. Eh hindi ako sanay. Ayon! Pang ilang beses akong natapilok. Sumakit tuloy yung binti at paa ko. Tsk!" reklamo ko.
Kumalma naman si mama.
"Klaruhin mo kasi. Binti lang pala at paa yung masakit. Akala ko yung alam mo na. Yung yan." sabi niya sabay turo sa ibabang parte ko. Yung tinatago.
"Ma naman!" sigaw ko at nagtawanan kaming lahat."Oh! Magpapalaundry ako. Nasan na yung mga lalabhan na damit mo?" tanong ni mama. Nasa kwarto ako ngayon naghihilata at naglalaro ng mobile legends.
"Andyan sa ilalim ng kama." sabi ko.
Hinubad ko ang bra ko at binigay kay mama.
"Eto pa ma. Ipapalaba mo na rin yan." sabi ko at inabot naman niya. Andito lang din naman ako sa bahay at magdamag naman akong tatambay sa kwarto ko. Bakit naman ako magbabra? Eh ang init. Hindi nga ako makahinga eh. At saka si papa lang naman ang lalaki dito tapos aalis din yun mamaya kasi may transaction sila ni tito Ace.
"Naku! Ang tamad-tamad talaga ng mga batang to! Tignan mo yung kwarto mo, ang kalat! Tsk!" hindi ko pinansin yung reklamo ni mama. Tinutukan ko nalang yung cellphone ko.
"Oh! Yung picture niyo ni Nash, nalaglag ata oh." sabi niya sabay lagay sa tabi ko yung picture frame.
"Hayaan mo na yan." malamig kong sabi.
"Okay lang ba kayo ni Nash? Nag away ba kayo? Hindi na siya pumupunta dito. Pati ikaw, parang iniiwasan mo na siyang banggitin namin. May problema ba kayo?" malumanay na tanong ni mama.
Napabuntong-hininga ako. Bakit ang sakit pa rin?
"Busy na po kasi ma. Gagraduate na kami. Malamang busy yun sa thesis niya." palusot ko. Bigla niya naman akong sinapok.
"Akala ko kung ano na. Eh ikaw, gagraduate ka rin naman ah. Bakit hindi ka busy ngayon? Puro kana lang boyfriend siguro noh?" pag aakusa niya.
"Malapit na matapos yung thesis ko, ma. I need a break." sabi ko nalang.
"Naku! Pag ikaw hindi grumaduate, sasapakin talaga kita." sabi niya at lumabas na ng kwarto.
Napailing nalang ako. Kamusta na kaya si Nash? Magkasama kaya sila ngayon ni Mika? Nakakapanibago. Kada weekend kasi gumagala kaming dalawa ni Nash. Kung minsan naglalaro rin ng basketball pero ngayon, iba na yung kasama niya. Haaay...dapat sanayin ko na ang sarili ko na wala na siya.
"Ateeeeeeeeee!!!" sigaw ni Rachelle.
"Oh?" inis kong tanong. Ang sakit pa naman sa tenga yung tili ng batang to.
"Si kuya Donny nasa sala." what?"Anong ginagawa mo dito?" mataray na tanong ko nang makarating na sa sala. Nakatalikod naman siya sakin kasi kinakausap ito ni papa. Lumingon naman siya nung marinig yung boses ko. Nakangiti itong tumitig sakin pero napawi ito at napalunok nung tumama yung mata niya sa suot ko.
"Oh bakit parang nakakita ka ng multo?" mataray na tanong ko ulit.
Umiwas siya ng tingin.
"Y-yung s-suot mo...damn...magbihis ka nga." sabi niyang nakatalikod. Napatingin ako sa suot ko at narealize kong nakakamison lang ako na manipis at...
WALA AKONG SUOT NA BRA.
YOU ARE READING
Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)
RomanceThe story is about the two persons coming from the different heart breaks. They meet and decided to help each others mend what is broken. Will their hearts survive or will they create another love and more heart breaks together?