"KAIBIGAN o KA-IBIGAN"

109 0 1
  • Dedicated kay Carreon Ferdinan
                                    

"Kaibigan o Ka-Ibigan"

Nagsimula ang lahat sa simpleng pagkakaibigan. Bawat araw na pagsasama-sama ay lalong nakilala ang bawat isa. Sabihan ng problema, damayan at minsan may iyakan. Pero hindi nawawala ang kasiyahan, kwentuhan na may halong kalokohan, tuksuhan, biruan, at kanchawan, kaya hindi nagtagal nagkadebelopan.

           Yan ang hirap lalo na kung maganda ang iyong kaibigan, na syang pumupukaw at nagpapasaya sayo bawat araw.

Ako si DHIE isang simpleng binata na may simpleng mga pangarap. paputi, mapula ang labi at makisig hahah Isang araw hindi ko namalayan na habang tumatagal nahuhulog na ang loob ko sa isa kong kaibigan. Kahit san ako tumingin mukha nya ang laging kong nakikita. Lubos akong nagtataka bakit ko ito naramdaman. Nahuhulog na nga ba talaga ako sa kanya? Tuwing kasama ko siya tila ang buhay ay wala ng katapusan .

Siya ay si Marigrace isang simpleng babae na kahit medyo galawgaw, makulet at mapang-asar ay talagang masarap kasama at may matatamis na ngiti. Hindi ko nga inaasahang mahuhulog ang loob ko sa katulad nya. Kasi ganito yan ang mga type ko talaga at dream girls ko ay: Matatangkad, sexy, maputi at mahihin gumalaw. Pero si Marigrace, hmmm haha Maliit, payat, at galawgaw at malakas tumawa. Hindi ba nakakatawang isipin na kahit isa sa mga gusto ko wala siya pero bakit ganun? Matagal ko na siyang kilala nung una hindi naman talaga kami magkakilala, pinakilala lang siya ng aking kaibigan na kanya ring kaibigan. Nakita ko nga sya sa "class picture" naming nung kinder pa lang kami, dun ko naisip na naging kamag-aral ko pala siya. Naging magkabarkada kami marami kaming magkakabarkada, halo-halo may mga lalaki at may mga babae. Sa mga babae siya ay naiiba, siya ang bukod tanging una kong napansin at hinangan ko sa kanyang kakaibang ganda at galing sa pakikisama.

Nung una ko siyang makasama ng kami lang dalawa dahil may binili ang aming mga kaibigan, hiyang-hiya ako at naging pipe na sobrang tahimik. Ayaw ko rin kasing mahalata niyang may gusto ako sa kanya at baka layuan na nya ako. Pero habang tumatagal lalo ko siyang minamahal at hindi ko na mapigilan ang aking nararamdaman. Humugot ako nang lakas at humingi ng payo sa aking mga kaibigan kung dapat ko na ba siyang ligawan. Dumating ang araw at tinanung ko siya hindi naman ako nabigo at ako'y kanyang bigyan ng pagkakataong ligawan siya, lubos ang aking kasiyahan ng araw na iyon. Walang araw akong pinalagpas, tinuring ko siyang tila isang prinsesa upang makamit ang kayang matamis na oo.

Pero hindi ko inaasahan na masasaktan ko ang kanyang damdamin. Dahil bago ko siya ligawan mayroon din akong nililigawan, dahil sa hindi ko naman inasahang dumating sa buhay ko si mhiel, hindi ko na malayan at hindi ko nasabi sa dati kong nililigawan. Nang iyon ay nalaman ni Marigrace nagalit siya at hindi na ako pinansin. Natigil ang panliligaw ko sa kanya at yun ang nagpalungkot sakin ng sobra.

Nalamang kong nagkaron na din sya ng nobyo, nasaktan ako at napaiyak dahil talagang mahal ko siya, at nagawa ko pa siyang saktan. Wala na din kasi akong mukhang ihaharap sa kanya sa nagawa kong kasalanan. Mula noon hindi na nya ako kinukulit tulad ng dati, inaasar, at sinasabihan ng kanyang mga problema. At naging pangarap na lang talaga siya para sa akin na mahirap nang makamtan.

Pero sadyang pinanganak na yatang mabait si Marigrace, hindi din nagtagal pinatawad nya ako at kahit papaano naging magkaibigan na kami. Sabi ko sa sarili ko na kuntento na ako na naging magkaibigan kami ulet, at wala na rin akong pag-asa dahil may minamahal na syang iba.

Lumipas ang matagal na panahapon nawalan kami ng komunikasyon, hindi na siya nagpaparamdam. Pero paminsan minsan nakakasalubong ko siya sa daan pero wala nang pasinan. Kahit pinatawad na nya ako alam ko nandun pa din ang galit sa kanyang puso .

Ang dami nang nangyari sa aming buhay, masasabi kong siguro hindi kami talaga ang para sa isa't-isa. Marami akong naging karelasyon, marami na ang mga babaeng pinilit kong ibigin. Pero bakit ganun iba talaga ang naidudulot na saya sa aking buhay pag si Marigrace ang kasama ko. Ang hirap nya talagang kalimutan, pero alam ko masaya na din siya sa bagu nyang kasintahan, basta yung lang naman din ang aking hiling na malamang masaya siya. Minsan nga nakikita ko silang magkasama at sobrang sweet tila sila na talaga para sa isa't isa. Nakita ko ang saya sa kanyang mga mata habang kasama nya ito. Ang sakit pala no?.... kasi naman na sa akin na pinakawalan ko pa. naniniwala na talaga ako na "nasa huli ang pag-sisisi.

Pero bakit ganun, nakita ko siya at biglang nagbago ang lahat, ang mga ngiti sa kanyang mga labi ay nag laho?... bakit kaya? Ehem parang nakakaamoy ako ng pag asa ahhh...Tadhana nga naman, sa hindi sinasadyang pagkakataon nilapitan ako ng swerte, nakatxt ko siya at kami ay nagkausap, nagkakwetuhan, at biruan. Nasabi din niya sakin ang kanyang mga problema isa na dito ang kanyang nobyo, niloko siya at sila ay nagkahiwalay na. Hindi ko alam kung magiging masaya ako o hindi pero nung nalaman ko iyon, naisip kong ito na pagkakataong ligawan ko siya ulit at makabawi sa aking mga kasalan at punan ang kalungkutang kanyang dinanas dahil sa walang kwenta niyang dating nobyo. Hindi lang iyon ang dahilan kasi sadyang tinamaan ako sa kanya at mahal na mahal ko siya, hindi ako kuntento na magkaibigan lang kami.

Tinanong ko siya kung pwede akong maligaw ulit. Nung una ay ayaw niya dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan namin at nakasalalay din ang magandang samahan namin. Pero dahil sa kakulitan ko at sa pagpupursigi ko, makalipas ang ilang buwan kong panunuyo sa kanya napapayag ko na rin siya. Napaka saya ko tuwing kasama ko siya. Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita.

Habang tumatagal, tila ang bagal ng oras, at ako'y nagtataka kung bakit hindi pa nya ako sinasagot? At ramdam kong may nararamdaman parin siya sa dati nyang nobyo. Napasin ko ito nung kami ay magkasama at nakasalubong naming ang walang kwentang lalaki na iyon, nakita ko sa kanyang mata ang kalungkutan at sakit na kanyang nadama dahil sa lalaking iyon.

Kaya siguro ang tagal tagal ko nang naliligaw, ginagawa ko naman ang lahat para sa kanya kulang pa ba iyon, hindi ko pa ba nakukuha ang kanyang pagmamahal? Pinanghinaan ako ng loob, sumuko at nakapag-isip na palayain sya. Dahil mukhang mahal pa niya ang kanyang nobyo na sinaktan lamang sya. Hindi ko naman siya masisisi dahil sa sarili ko, alam ko nahirapan din akong kalimutan siya.

pero.....

Pero ang tanga-tanga ko, at ang daming talagang namamatay sa maling akala. Dahil ng aking sabihin sa kanyang sumusuko na ako sa panliligaw. Nagalit siya at umiyak sa aking harapan at iyon ang hindi ko kinaya. Tumakbo siya, tinangka ko siyang habulin pero hindi ko na siya naabutan. Dun sa pangyayaring iyon napagisip-isip kong mali pala ang ginawa ko.

Kinagabihan na umulan dahil may bagyo. Walang takot akong sumuong sa malakas na ulan para puntahan siya. Tumakbo ako ng napakabilis. Pagkadating ko sa tapat ng kanilang tahanan binato ko ang bintana ng kanyang kuwarto. Hindi ako sumuko kahit nangangatog na ako sa ginaw. Dahil sa walang bumubukas ng bintana sumigaw ako ng napaka lakas na binibigkas ay "Marigrace mahal na mahal kita......"paulit-ulit ko iyon sinigaw. Sa mga oras na iyon binuksan nya ang binata at sinigaw na mahal na mahal nya din ako. Nagmadali siyang bumaba at pinuntahan ako, pinayungan at niyakap sabay sabing "mahal na mahal din kita Dhie". Humingi ako ng tawad sa aking nagawa, ako'y kanyang pinatawad at kanyang pinaliwanag sa akin ang lahat.

yun pala!!!!!.......Kaya  nya pinatagal kasi iniitay nya dumating ang petsang gusto nya maging aming anniversary MAY 7 pla nung araw na gusto ko sumuko ehh MAY 8 pala naka schedule ako sagutin hahaha  Natawa naman ako sa kanyang dahilan at nag tawanan kami habang basang basa kami sa ulan.

Umuwi ako ng napaka saya. Kahit ilang problema man ang sumubok sa aming pagmamahalan ito ay aming nalagpasan. Sobrang saya ko kasi ito ang pinakaaasam-asam ko. Pinangako ko sa sarili ko na hindi ko siya sasaktan at hindi ko na siya pakakawalan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"KAIBIGAN o KA-IBIGAN"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon