Chapter 3 : BISEXUALITY

131 6 0
                                    

CHAPTER 3:               BISEXUALITY                   

Though the past couple of days have been unusual para kay Troy; sobrang busy naman si Kyle sa kakahanap ng mga bagay tungkol sa kanya.

At dahil medyo sikat at kilala din naman ang binata ay naging madali para dito ang magtanong-tanong para mas makilala niya pa ang dalaga.

Kyle's POV

Napaka-vivid pa rin ng mukha nya sa memory ko, dahil kahit ilang araw na ang lumipas eh i can still remember how she looks-like.

---flashback---

Andito pa din ako malapit sa bar counter at medyo madami na din ang nainom ko ng biglang magsimulang mapuno ng tugtog ang lugar. Napatingin tuloy ako sa pinagmumulan ng ingay.

"Sir, another shot?" tanong ng bartender

"’Wag na muna. Just give me iced tea, pleased." sabi ko habang patuloy na inaaninag ang bandang tumutugtog. Parang pamilyar kasi ang mukha ng isa sa mga ito. Ilang lingap pa bago ko na-realize na ang babaeng alien kanina ang nasa likod ng drums.

"Orders up sir."

"Thanks p’re." hinawakan ko na ang baso at akmang tatalikod na ng bigla kong naisip na, "Pare, anong banda ba yung tumutugtog?"

"Ang galing po nila noh? SPELLBOUND po ang pangalan ng grupo nila. Lahat sila astig at ambabait pa." parang naexcite ata yung bartender sa tinanung ko.

pero teka? it seems like the name of the band sounds familiar. SPELLBOUND? San ko nga ba nadinig yun?

Nanatili na lang muna ko sa may bar counter para mag-isip at ng maalala ko kung kanino ko nadinig ang pangalan ng banda eh may nagawa akong ikinagulat ng mga taong nakapaligid sa akin.

"Ta ngi na! kay Joaqui." Oo, nagmura lang naman ako ng medyo malutong at may kalakasan. Kaya nga ng mapansin ko na madaming nakatitig sa akin ay dali-dali akong yumuko.

"Sir? Close po kayo kay Boss Joaqui?" nakalimutan kong pati nga pala yung bartender ay nadinig ako.

"ah- eh- medyo. we're cousins." nasagot ko man ang tanong nya, "pwedeng magtanong?"

"Bakit naman hindi sir?" natawa ako sa sagot nya. oo nga naman, bakit hindi.

"Anong pangalan nung drummer nila?"

"Ah, Si boss Troy po ba?"

"Troy? yung babae?" medyo nagsalubong ang kilay ko.

"opo, si boss Troy po. Kung hindi ako nagkakamali eh Troian po talaga ang pangalan nya."

"eh yung apelido?"

"Bakit sir? type n’yo?"

Napangiti ako bago sumagot, "Parang ganun na nga."

"Half tsekwa yan eh… Ano nga bang apelido nya?" nagkamot pa sa baba ung bartender pero hindi nya ata talaga maalala. kataon naman na dumating ang may-ari ng bar sa counter.

"Oh pare! Kanina ka pa." napansin nya ako kagad.

"Medyo. Your place is still cool as ever. Great job!"

"Thanks pare. Malaki din ang natulong nyong magpinsan nung nagsisimula pa lang ako."

"Wala yun. Nga pal-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang umepal ang bartender.

"Boss, tinatanong nya yung apelido ni boss Troy. type ata?" sabi nito sabay turo sa akin. at hindi naman ako nabigo, dahil pagkatapos akong bigyan ng nanunuksong tingin ni aris ay sumagot sya.

SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon