BABALA:
Dahil sa sobrag pag-iidolo ko noon kay Bob Ong, nakagawa ako ng isang istoryang ubod ng babaw... Limang taon na ang nakakaraan ng isulat ko ito, bata pa ako noon. Kaya ang istoryang ito na mababasa niyo ay isang obra maestrang bunga ng aking katarantaduhan ang pageexperimento noong naguumpisa pa lang akong magsulat... Sana naman ay maibigan niyo.... hehehehhe
Sasabog na ako! Malapit na malapit na! Totoo! Alam mo ba ung pakiramdam na para bang may bombang nakatanim sa dibdidb mo at ano mang oras ay sasabog na. Para bang nakalulon ako ng Granada at naipit na habang buhay sa lalamunan ko at para bang may sintron ni hudas na putok ng putok sa buong pagkatao ko! Hindi ko na kaya, sasabog na ako.
Ang malas talaga ng buwan na ito, lahat ng kamalasan sa buhay ko ay sunod sunod na dumarating, dati rati hindi naman ako hinahabol ng malas pero ngayon kahit saan ako magpunta patuloy akong hinahanap. Ano pa ba? Kulang pa ba na nawalan ako ng pera na budget ko pa ng isang lingo noong isang araw at ngayon naman ay hinabol ako ng aso? Kulang pa ba na binasted na ako ni Amy at sa panahong kailangan ko naman ng karamay saka pa ako kinaaway ng best friend ko? Kulang pa ba na naputulan kami ng kuryente noong lunes at ngayon namang bayad na kami ng kuryente ay saka naman nag black out dahil inaayos ang poste ng kuryente na tinamaan daw ng kidlat kagabi? At kulang pa ba na masunog ng plantsa ang paborito kong damit noong isang lingo na may autograph pa ng idol kong si Marian Rivera? Mundo nga naman! Para bang laging Friday the 13th ang bawat araw ng buhay ko.
Idagdag pa dito ang walang katapusang sermon ni Inay at itay na maghanap na raw ako ng trabaho, hindi raw habang buhay ay aasa na lang ako sa kanila, pero okey lang sanang pagsabihan ka nila ehh, wag namang sobra sobra, pagbangon ko sa umaga almusalan ko ang sermon nila, sa tanghalian pagkain ko ang sermon nila at sa gabi, introduction naman ang sermon nila para sa panaginip ko mamaya. Haay, buhay…
Wlang katapusang problema! Wlang katapusang pagsubok! Wlang katapusan ang lahat, pero na lang kung mamamatay ka na! Ano ba ang maaring solusyon sa mga problema ko? Ano kaya ang nararapat kong gawin? Naguguluhan na ako!
Ano kaya kung linggo lingo ay magsisimba ako? Mawawala kaya ang mga problema ko? Eh kung araw araw kaya? Baka mawala ng tuluyan ang suliranin ko? Ehh kung oras oras kaya ako magsisimba, baka hindi lang mawala ang problema ko ay swertihin pa ako! Sasama ako sa mga prayer rally, sa mga programang nagkakawang gawa, magdadasal ako bago kumain, maligo, matulog o kahit bago manuod ng tv para hindi ako malasin dahil malapit ako sa panginoon. Pero wika nga nila, "nasa tao ang awa nasa Diyos ang gawa". Pero teka, sandali lang parang baliktad yata, hindi ba "nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa," oo ganun nga. Kaya nga hindi ko dapat iasa na lang sa panginoon ang lahat, kailangan ko ring gumawa, nasa akin din naman ang dahilan kung bakit ako minamalas ehh, dahil sa kagagawan ko.
Pero ano kaya kung mag suicide ako? Tumalon ako mula sa billboard ng EDSA? Magbigti ako? Pigilin ko ang hininga ko. Magpasagasa ako sa tren o kahit anong paraan para tapusin na ang malas kong buhay na ito. Marami kayang makikipaglibing sa akin pag namatay na ako? Ilan kayang tao ang iiyak pag nabalitaan na nilang patay na ako? Maalala pa kaya nila ako pag namatay na ako o ang maalala lang nila sa akin e… Halimbawa…
“Dito po ba nakatira si _______?”
“Ahh, iyong hinahanap mo ba e ung baliw na tumalon mula sa billboard ng Edsa, ung loko lokong hindi mo malaman, patay na siya, Diyos ko por Santo, ipagdasal na lang nating wag pumunta sa impyerno ang kaluluwa niya.”
Nakakahiyang pagpanaw kung magkakatotoo man, kaya hindi ko na siguro babalaking magpakamatay dahil hindi naman sagot sa isa pang problema ang panibago pang problema. Idagdag pa rito, paano na lang kung makarating ako sa langit at itanong sa akin kung paano ako namatay?
Tagahatol: Paano ka namatay sa lupa?
Kaluluwa #1: Sumabog po ang airplane na sinasakyan ko!
Tagahatol: Sosyal! Ikaw?