Chapter 11

178 3 0
                                    

Chapter 11:

-

“Ma, tara na uwi na tayo. Puro pinamili mo lang naman dinayo natin dito e. Ni pair of shoes di mo ako binilhan” pagrereklamo ko sa sobrang pagkakainip ko sa pag aantay kay Mom habang namimili siya ng damit.

“Ay nako anak. May dala naman tayo na parehong kotse. Umuna ka na kung gusto mo. Eto ang 1k at kumain ka kung san mo gusto” pagtataboy sa akin ni Mom na papasok na sa Dressing Room.

Iniwan ko na si Mom sa ATC. Buntot lang naman ako sa kanya kanina pa e ni hindi man lang ako ipinamili.

Pinaandar ko ang kotse ko at mabilis na pinatkbo ito. Gusto ko na umuwi at maglaro ng XBOX. Papadeliver na lang ako sa Mcdo para di hassle.

After I arrived at our house, natanawan ko si jerk na nagsusukat ng mga damit na pinamili nya. Ano ba yan parang si Mom addicted sa shopping. Plano ko sana siya bisitahin at mag sorry kaso nahihiya ako at may pride naman ako no.

Wala pang isang minuto ay nagbago na ang desisyon ko. Sige na nga pupuntahan ko na sya.

Ding dong

Ding dong

“Ay Kuya Michael ikaw pala. Nandoon si Ma’am sa kwarto niya. Pasok muna kayo at tatawagin ko na lang po siya” Pinapasok ako ni Yaya Elma. Bisaya ang si Yaya Elma pero medyo shakey pa ang tagalog words nya kaya nakakatawa ding pakinggan.

Naupo ako sa couch. Napansin ko ang 2 Jco Boxes. Eto yung binili ni Jerk kanina nung nakita namin sya. Nilapitan ko ito at akmang bubuksan ng Makita ko ang note na: “To Yaya Elma. Pakabusog ka yaya”

Wow ang bait na jerk naman nito at pinamimigay na lang ang Jco sa katulong. Sa tagal ni Jerk bumaba ay tinignan tignan ko ang mga gamit na nasa mesa. Puro gamit ni Jerk. Napaka burara.

Bumungad sa akin ang Cellphone nya na umilaw bigla. “1 new message received” Dinedma ko ito kasi alam kong private ang message na to. Pero sobrang nacucurious ako kung ano ang laman at sino ang nagtext. Hinawakan ko ang phone at tinap ang messages.

From: 0927589****

Hi. Mark here. Thank you for spending your time with me earlier. It was fun. I know you enjoyed because you laugh so hard when were together. God Bless Christine!

Nakarinig ako ng yapak galing sa itaas kaya dali dali kong binaba ang phone ni Christine. Nagulat ako na nasa baba na rin ang may ari ng phone.

“Ano ginagawa mo dito? Inistorbo mo pa ako” masungit na tanong niya sa akin.

“Look Christine… I’m sorry” tila naubusan na ata ako ng kayabangan sa sarili sa word na yon. Minsan ko lang sabihin iyon at sakanya ko pa nasabi.

“What did you say?”

“Narineg mo na e papaulit mo pa”

“Sige di tayo lalong bati pag di mo inulit”

“I’m sorry Christine. Nabigla ako kagabi sa sinabi ko. I was wrong to tell you those stuffs. Ayoko lang kasi na pinag aalala mo ako. Remember hinabilin ka ni Tita sa akin diba?” Pheew. Ang totoo ayoko talaga kasama mo si Frat guy. I don’t know why pero hindi ako komportable kapag nakakasama mo sya.

“Oo alam ko yon. Sorry din kung nasampal kita at napag antay kita. Bati na tayo”

Para kaming mga bata sa mga sandaling iyon pero that was the best. Niyakap ko sya ng mahigpit. I know nagulat siya sa ginawa ko pero kagabi ko pa gustong gawin ito sa kanya.

-

“Huy ano ba yang paa mo! Kanina pang nakadungaw sa mukha ko! Alisin mo nga ang baho kaya” nakakainis tong Michael na to. Pagkatapos naming magbati ganito nanaman kung umasta.

The Skater meets The Jerk (On Going Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon