KEAN
"Ma...."
"Wag na kayong umalis...."
"Please Ma, wag mo ko'ng iwan kay Papa."
"Sasama ako sayo diba?"
"Ma......ma"
****
"KEAAN! KEAAN! KEAAN!"
Nagising ako hindi dahil naputol ang tulog ko, kundi dahil sa malakas na pagsigaw at paggising sa akin ng napaka galing ko'ng ama.
"Ano na naman ba? Pwede ba umalis na kayo? Naiistorbo ako sa pagtulog ko!"
Tinitigan niya lang ako sa mata at walang sinabi. Hinila niya ang kumot na nakapulupot sa akin at saka namili ng idadamit ko.
"Whoah. What are you doing? Diba sinabi ko na sayo na don't ever dare touch my things?"
Tinigilan niya ang paghahanap at nilingon ako.
"Titigil lang ako kung babangon at kikilos ka na jan. Bilisan mo na at mahuhuli na ako sa appointment ko."