Talagang nakakatuwa nga naman,
Kay bilis ng panahon na hindi na natin to namamalayan.
Parang kailan lang yung unang araw sa pagiging kolehiyo,
Ngayon magtatapos ka na, wakas na ng lahat ng paghihirap mo.
Naaalala mo pa ba yung quiz mong bagsak?
Eh yung mga sagot mo sa recitation na halatang hindi ka naghanda?
Meron pa yung groupwork na maraming ipinapagawa,
Binibigyan pa ng pagkakataon na kailangan mong makisalamuha,
Sa mga taong hindi mo naman kilala.
Pero hindi mo rin naman maitanggi na masaya.
Naranasan mo din ba na magkulang yung pamasahe mo pauwi?
O yung maglakad na lang dahil sa sobrang trapik din naman?
Yung sunod sunod na birthday party ng mga kaibigan mong babae nung mag-18 sila.
Nagkaron din ba ng pagkakataon na ika'y humanga,
Sa kaibigan, kaklase, guro o kahit sa kung sinong nakasalubong mo lang?
O kaya naman ay tuluyan ng umibig kahit di mo alam ang pupuntahan.
Maaring kayo'y magkatuluyan, o kaya'y walang patunguhan,
Depende yan kung ginawan mo ba ng paraan.
Sa tuwing maaalala mo, ang sarap sa pakiramdam,
at patuloy mo pa din na babalik-balikan.
Kung ano man tayo ngayon, dito tayo tuluyang nabuo.
Hinubog para maging handa sa pagtatrabaho.
Kaya sa nalalapit mong pagtatapos, ibuhos mo na ang lahat.
Lakasan ang loob, huwag kalimutang manalangin
Makinig ng mabuti at talasan ang paningin.
Tandaan mo na hindi pa dito magwawakas.
Mayroon pang higit na mas malaking classroon na naghihintay sa labas.