Matagal nang magkaibigan sina Mimi at Yuki. Nagkakilala sila mula ng mangyari ang insidente nang magtangkang magpakamatay si Mimi dahil sa pagtataksil sa kanya ng kanyang ex-boyfriend. Isa si Yuki sa mga umawat sa kanya at naging malapit ang loob ng dalawa simula noon.Matagal-tagal rin bago matanggap ni Mimi ang mga nangyari. Ngunit, nag iba ang lahat mula nang makilala niya si Jarex.
Yuki: Hoy Mimi, pansin ko kanina sa klase na nakatingala ka na naman kay Jarex. Kulang na lang matunaw siya sa lagkit ng tingin mo sa kanya.
Mimi: Ang gwapo niya naman kasi eh. Mabait pa.
Yuki: Tama ba yong narinig ko? Mabait? Si Jarex mabait?
Mimi: Oo, mabait naman talaga siya ah.
Y: Anong mabait? Suplado kaya yon. Lagi ka na nga lang dinededma nun. Pinapansin ka lang kapag may kailangan.
M: Iba naman yung suplado sa dedma. Malay natin, may pinagdadaanan yung tao.
Y: Ewan ko sayo Mimi, pag-ibig nga naman.
( Papalapit si Jarex )
Y; Speaking of Jarex, Mimi, tingnan mo, papalapit siya dito.
M; Ha?! Si Jarex? Mimi, maayos ba yung buhok ko? Yung make-up ko, di ba kalat? Hooooiii..
Y: Ano ba, relax!!
M: Hayan na siya. Ah, hi Jarex! ( dinedma lang) Ja-Jarex?
Y: So, mabait? Buti na lang at di ko siya binati, naku kapag nagkataon, inupakan ko na yon sa pagiging dedma.
M: Huwag ka ngang ganyan Yuki. Baka napahina lang yung boses ko. Kung kekelangin kong tumalon sa bangin, gagawin ko, makita ko lang siya.
Y: PRANING!
( Kinabukasan)
Y: Ohayo gozaimasu Mimi-chan!
M: Ohayo gozaimasu Yuki-chan!
Y: Mukhang ang ganda ng gising natin ah. Na-realize mo na ba na..... ( bago pa siya makapagsalita)
M: Hai! Oo Yuki, na realize ko na di dapat ako...
Y: Na hindi ka na aasa pa?
M: Hindi, na realize ko na na hindi dapat ako panghinaan ng loob pag binabalewala ako ni Jarex. Dapat, lakasan ko pa lalo para.....
Y: Ha, akala ko ba?
M: Ano ba Yuki, ngayon pa ba ako susuko na halos abot-kamay ko na siya? Ang pag-ibig, di mo yan agad-agad nakakamit. Pag nagmamahal ka, dapat mong pagdaanan ang hirap at sakit. Tulad sa amin ni Jarex, kailangan kong pagdaanan ang lahat ng ito para mapansin niya ang pagtingin ko.Ayaw ko ng masaktan pa sa maling tao.
Y: Naku Mimi, natatakot ako para sayo. Sa sobra mong asa sa kanya, sobra-sobra rin ang sakit pag nagkataon. (paparating si Jarex).. Teka, si Jarex paparating uli!
M: Hmmm, kaya ko 'to!! Relax Mimi! Relax!Ahm, good morning Jarex!
Jarex: Good morning Mimi!
BINABASA MO ANG
Akala ko
Teen FictionDescription??? Can't think of any :) Boy meets Girl. Girl meets Boy.. hihihi <3