BBI-16

6 0 0
                                    

Hays

Kapag malas ka malas ka talaga, yan ang nararanasan ko kapag huli akong dumadating sa school, for some reason, pumasok yung professor namin, nakakapagtaka nga e ang aga ko lagi tas nung na late ako tsaka pumasok.

"Goodmorning Sir!"

Nakakailang din pala pumasok ng late no?! lalo na kapag alam mong pinagtatawanan ka ng mga tropa mo kasi nga late ka, pure evil e.

"Maaga ka pa sa next subject Pol ah!" bulong ni Angelo (Awesome) sabay tawa

30 mins. nalang kasi yung nalalabi simula ng dumating ako, ano pa nga ba aasahan ko?! mukhang magdidismiss pa ng maaga.

"Sa mga bagong dating!"

"Ang midterm natin ay next week na aralin lahat ng constitution" - dagdag niya pa

Oy ano? seryoso ba? bihira lang naman pumasok to ah

"Tapos hindi naman napasok sa sususnod" natatawang pagkakasabi ng nagbubulungan

Marahil marami sa amin ang nag aassume na maari ngang di siya papasok sa susunod na meeting, hindi ko ba alam kung bakit pero nag set siya ng quiz 1-10 and 1 month kaming nagreview kasi di siya nakapasok ng 1 month ano na?!

"That's All! Dismiss"

Masyadong mahaba yung pagitan ng 1st at 2nd subject namin kaya kanya kanyang paraan para libangin ang mga sarili. May iba na natutulog lang sa bangkuan o kaya sa lapag, may mga nag SM tuwing break para sa K-hub at kaming mga lalaki naman walang ginawa kundi mag trashtalkan sa Computer Shop.

"Oh ano?!"

Ang ingay namin sa computer shop halos ilang beses na kami inakyat ng bantay at tsaka pinagsasabihan na huwag  maingay pero....

"Ano ka?!"

Tumatahimik na kami kapag umaakyat yung bantay KAPAG LANG pero as usual hindi kami tumitigil, I mean sila kung baga kasi saling pusa lang ako kaya tawa lang ako ng tawa.

"Oy san tayo kakain?!"

"Tara sisig!"

Lagi nalang kaming ganito pasok-laro-kain-pasok typical na mga studyante kapag magkakasama syempre, pero hindi naman kami nagkacutting katulad ng iba.

"Oy Jessa naiwan ka pala?!" - sambit ni Awesome

Napatingin kami ni Vince dahil kaming dalawa nalang ang hindi nakakaalam ng bagong trip ni Awesome.

"Yiiiiieeee, Jessa ka rin pala Pol ah!" - biro ni Arvin J.

Nagtawanan kaming lahat pagkatapos nun, hindi mo nga akalain na kahit sa sisig house ang iingay pa rin namin.

"Vince payag ka nun inaagawan ka kay Jessa" - sambit pa ni Arvin J.

"May the best man win nalang pre!" - sambit ni vince sabay kamay sakin

Para kaming mga abnormal na tawanan lang ng tawanan pero mas nakakatawa na "best man win"? sa pagkakaalam ko may boyfriend na nga siya e.

"Kaya pala mahigpit labanan kanina sa bot may paligsahan na pala" - kantsaw ni Awesome

Natatawa lang kami ni Vince sa mga kantsaw nila syempre no way naman na makakatakas ka, kapag tumawa ka may gusto ka, pag hindi naman guilty, san ka lulugar?!

"Tara na ang babagal niyo naman kumain" -sambit ni Harvey

Nagsitayuan na kami kasi medyo dumadami na yung mga taong kakain medyo nakakahiya naman kung mag sstay pa kami kaya ayun.

"Oh tara Dota ulit?!" - biro ni Awesome

"May assignment na kayo sa steno?!" tanong ni bap

"Ay Hala oo nga pala" - sambit nila

"Dota pa?!" sambit ko

Nagtawanan kaming lahat dahil sa mga pinaggagawa nila sa buhay nila, may kasungitan pa naman yung professor namin ngayon.

"Pol kumakana ka na ah!" sambit ni Awesome

Mas lalo pa kong natawa nung nawala yung isang ID saming magtotropa, may mga gantong sinaryo kasi na tinatago yung ID para hindi makapasok.

"Uy yung ID ko parang mga timang naman"

Nakapasok na ang ilan samin at naiwan yung mga suspect at ang victima sa labas.

"Para kasing mga bata e" sambit ni Harvey

Pumasok na rin sila na habang tawang-tawa si Arvin J. hindi na nga makakwento dahil sa tawa niya e, pero parang nabadtrip si Awesome.

"Iiyak na" tawang tawa sambit ni Arvin J.

Pero akala ko lang pala, maya maya nagtawanan na rin kami dahil kung makikita mo talaga itsura ni Awesome medyo namumutla na, wala pa naman siyang dalang regi card. Ewan ko ba sa tropahan to masyadong magulo pero sobrang saya kasama.

"Tong mga to oh! san nanaman kayo galing" sambit ni Jessa.

Nakalimutan kita for a moment dahil sa mga kalokohan namin pero ganun ata talaga e babalik at babalik ang lahat kapag nasa harapan mo na.

Bakit ba ikaw?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon