FYIP 9

73.7K 2K 403
                                    

FYIP 9:  Hug

Dustin’s POV

“Ano bang ginagawa mo dito Allis?” tanong ko kay Allison ng makalayo na kami kay Frances. Bigla tuloy ako naawa dun,kasi naman kanina pa siya binibitch ni Alexa tapos ngayon si Allison.

Bakit ba ang dami kong babae? Hirap talaga maging gwapo. Buti ako lang ang nakakaranas nito. Mahirap pala talagang magsakripisyo.

“Eh kung sinasagot mo sana ang tawag ko,hindi ako pupunta dito.” Sabi naman niya.

“Wala nga akong phone. Nasira to.”

“Wag mo kong lokohin Dustin!!”

“Hindi kita linoloko,kahit itanong mo pa dun sa nanay ko na nagiinarte sa hospital!”

Tumawag ako sa hospital at ang sabi andun pa daw ang nanay ko. Bagong tambayan na niya ata. -___- hindi naman sa wala na akong respeto pero kasi kung hahayaan ko lang ang ginagawa niya,baka buong buhay na niya akong kokontrolin. I love my mom,but no like this.

“Nasa hospital si Tita?”

“Oo. Dalawin mo,malay mo matuwa pa,kasi may dumalaw sa kanya na kalahi niya.”

“Napaka mo Dustin,mommy mo pa rin siya.”

“Oo na. bakit ka ba andito?”

“Hindi mo ba pwede iconsider yon?” seryosong tanong niya. Consider? Ang ano?

“Ang alin?”

“Pagpapakasal ng maaga?”

“No.”

“Dustin naman. Para sayo din naman to,magdidivorce tayo kaagad. Bakit ba ayaw mo?”

“Simply because I don’t trust you.”

“So iniisip mo ba na sinasabi ko lang yun sayo para pakasalanan mo ako,pero hindi talaga kita ididivorce?”

“Ikaw nagsabi niyan.”  I don’t trust you because you’re Allison..

“Fine. Ano bang gusto mong gawin ko para mapaniwala ka?”

“Stop this nonsense—“

“I wont stop.” Sabi niya.

“alam ko na naman yun,so wag mo hingin sa akin na pagkatiwalaan ka.”

“Dustin naman..”

“Umalis kana Allis,kapag nakita ka ng girls baka kalbo kanang lalabas dito.” Tukoy ko kila Mich,hanako,Alexa at Trish.

Forever You and I,Promise! (FYIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon