Para sakin, hindi dapat pagsabayin ang panliligaw sa pag-ibig dahil darating rin naman tayong mga kabataan diyan. Kailangang unahin ang pag-aaral para pagdating ng panahon, alam mo na ang dapat mong gawin. Sagabal lamang sa magandang kinabukasan ang panliligaw. Ang pag-aaral ay hindi basta-basta. Kailangan ng konsentrasyon, oras at pagpupursige. Ikanga, kung gustong makatapos ng pag-aaral, kailangan natin ng 99% PERSPIRATION at 1% lamang na INSPIRATION. Ang pag-aaral ay isang opurtunidad, maaaring matupad lahat ng nais sa buhay. Hindi matutupad ng pag-ibig ang iyong minimithi at pangarap sa buhay. Kaya kailangan nating pagbutihin ang pag-aaral. Ang pag-aaral ay "once in a lifetime", kumbaga kung makakapag-aral ka ngayon, gawin mo na habang may oras pa dahil baka dumating ang oras na huli ka na. Ang panliligaw/pag-ibig ay "available anytime" kumbaga nariyan lang yan. At sabi nga nila, pag totoong pag-ibig, makakapag-antay. At isa pa, "Everything has a purpose". Lahat ng ginagawa natin ay may dahilan. Nag-aaral tayo para sa ikabubuti natin. Mag-aral ka kung gusto mong magkaroon ng masayang Pag-ibig. Ang pag-aaral ay para sa kinabukasan natin, sa pag-ibig sa paglaki natin. At isa pa, bata pa tayo, wala dapat yan sa isip natin, dapat pag-aaral, paglalaro at pag-eenjoy sa buhay ang una nating isipin. "Live while we're young". Gawin natin ang mga kaya nating gawin habang tayo'y bata pa dahil baka isang araw, magsisi ka dahil di mo ito naranasan. "Live life with joy".
........................
"Wag magmadali. Life is short." haha ienjoy lng :)
ⓒ Karlachandesu
All Rights Reserved 2014