Project

276 25 17
                                    

Napahikab na ako sa antok pero hindi pa kami nakakalahati sa ginagawa namin. Andito pa rin kami sa school at tinatapos ang group project. Eh, paano ba naman namin matatapos kung palagi nalang kaming nagdadaldalan at nagkukulitan?

Tinignan ko ang relo ko at nanlaki ang mga mata ko, it’s already 7 in the evening. Gosh! Siguradong makakascore ako kay mommy nito kasi hindi ako nakapagpaalam. Hindi ko rin naman siya matext kasi lowbat na phone ko at hindi ko rin kabisado number niya.

Sa kaantukan ko nakalimutan ko tuloy magpakilala, I’m Chloe Alcantara, 16 yrs young, fourth year HS at baliw na baliw sa aking knight in shining armor na si Dwight. Dwight Bermudo, ang kaklase kong tingin ko’y hinding hindi ako mapapansin kasi minsan lang ako kinakausap at kinikibo. 

Nilibot ko ang aking paningin at bang, spotted si Brian na nakikipaglandian sa mga lalaki sa labas na parang linta kung makapulupot, samantalang ito kami natataranta na sa pagtapos ng proyekto. Buti nalang mga barkada kong gaga ang kagrupo ko dahil nakakawala ng pagod ang kabaliwan nila.

I saw Brian coming towards us in my peripheral vision, pero hindi ko na lang yun pinansin. I’m sure manggugulo lang yon at hindi tutulong.

“Ano be yen mga teh? Seryoso? Hindi niyo pa natatapos?” daldal ni Brian.

“Alam mo girl, para madali tayong matapos, umupo ka dito and help us out,” wika naman ni Allison.

“No Wa- -“

“Hhheeeeppp, bawal magreklamo, umupo ka na at tumulong kung ayaw mong bilog ang ibibigay naming score sa iyo,” putol ni Allison sa reklamo ni Brian. At tungkol naman sa score na sinasabi niya, kanya-kanya kasi kami ng bigay ng grade sa mga kasamahan namin para fair ‘daw’ sabi ni Mrs. Domingo.

“Oo nga naman bakla, itigil mo muna iyang kalandian mo at tumulong ka dito kundi sapak ang aaabutin mo kay Carla,” singit ni Sab.

“Kita mo ito, bakla?” sabi ni Carla, ang amazona sa aming barkada, sabay pakita niya ng kanyang kamao. “Kung di ka pa tumulong matitikman mo ito,” patuloy niya.

“Pasalamat kayo love ko kayo. I’ll help na nga,” sagot ni Brian. Himala at tumulong si bakla, pero kailangan pa palang idaan sa dahas. Ma-try nga next time hahaha.

After 40 minutes sa wakas at natapos din. Kapagod yun ah, nag-inat muna ako bago tumayo, grabe sumakit ang likod ko.

“Nakakapagod, next time hindi na talaga tayo magrarush kapag gagawa ng project. Dapat 1 day before the deadline nakagawa na tayo,” wika ni Sab.

“Agree ako girl, tignan niyo mga feslaks natin oh, ang hahaggard na,” sabi naman ni Brian.

“Tumahimik na kayo dyan at bilisan nating maglinis ng kalat dito para naman makauwi na tayo. Gabi na oh,” wika ni Allison.

Wala na ngang nagsalita sa amin at pinagpatuloy ang paglilinis. After 5 minutes nalinis na rin ang mga kalat na gawa namin.

“Sino ang magsasubmit nito?” Isa-isa kaming tiningnan ni Alli, “ I’m sure nandoon pa si ma’am sa room niya dahil 9 pm ang out niya, at 8:30 pa”

“Ikaw na lang bakla, wala ka namang masyadong natulong eh,” bulalas ni Carla.

“Anong ako? Ayoko nga ano, baka mapagalitan ako kasi late na tayong nagpasa,” reklamo ni Brian.

“Ako na lang,” singit ko sa kanila. “Tsaka 'di pa naman late kasi 'di pa 12 am, wala naman siyang sinabing time kung kailan talaga ipapasa, ang sabi lang niya dapat this day mapasa na ang project.”

“Ano pa ang hinihintay natin, ayan na oh, may nag volunteer na, baka gusto niyong dito magpalipas ng gabi,” sarcastic na sabi ni Sab.

Sa sinabing yun ni Sab dali-dali kaming lumabas ng room na nagpapahiwatig na disagree kami sa sinabi niya.

Project (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon