Start
“Dhae!!!”-sigaw ni Chae habang tumatakbo papunta sa canteen.
“Ano ka ba! Ang lakas lakas ng sigaw mo ng pangalan ko!”-sabi ko sa kanya na with galit dahil lahat ng tao ngayon ay nakatingin na samin.
“Sorry !!sina Thae kasi at Jhae nag CR kaso nang papunta na kami sa CR napansin namin na wala ka sa likod namin kaya bumalik ako dito”-paliwanag ni Chae na parang iiyak na.
“Tara punta tayo don.”-sabi ko kay Chae.
“Tara”- ngiting sabi ni Chae.
Papunta na kami ngayon don at ang CR na ginamit ni Thae and Jhae ay ang CR ng regular class at mukhang malayo.
“Bakit don sila nag CR, mas malinis naman CR natin kumpara don ah, tsaka ang gulo dito!”- galit na paliwanag ko kay Chae.
“Eh kasi naman...friend..eh kasi...nandito.....ahh... dito yung kwarto ng campus crush ni Jhae kaya dito silang dalawa nag CR!”-sagot ni Chae sakin.
Galit na ako ngayon. Ang mood ko na kanina’y lumalaho na ay bumalik nanaman ngayon. Subrang gulo, pano ba naman hindi ako maguguluhan dahil dumadaan kami ngayon sa corridor ng mga classrooms ng regular class. Maraming lalaki, ang baho, sweaty yung iba, mausok basta lahat na.
“Ms! Special Class kayo ah! Bakit kayo nandito? –tanong ng lalaki na hindi na marunong mambutones ng uniform niya.
“Hi Ms!Pwede bang makuha number mo?”- tanong pa ng isang sweaty fat boy.
“Oo nga!Text Text nalang tayo babe?”-hatol pa ng isang lalaki na parang drug addict.
Hay, kapag ako napuno dito mamaya may tig-iisa tung mga bukol tong mga lalaking to. “Aray!” sigaw ko habang may biglang humatak sakin papasok sa isang classroom. Paghatak niya sakin ibinangga niya ako sa likod ng pinto. Pagkamulat ko ng mga mata ko… “How dare you!” sigaw ko. Nakasandal ako ngayon sa pinto at may lalaking humaharang ng kamay niya sa magkabilang side ko. Hay, ito na nga ba ang dahilan kung bakit ayaw kong mapunta sa regular class, mga walang respeto to ah.
“Bitiwan mo ko”-seryosong sabi ko sa kanya.
“No”-sagot niya.
“…..”-wala akong masabi, gwapo din naman siya pero hindi pwede ayaw ko sa mga lalaking bastos. Ang cold ng pagkasabi niya ng NO at nakataas ang buhok niya, ang ganda ng mga mata niya, mga labi at…..at ang taas ng ilong niya. Maayos din naman ang uniform niya at parang hindi naman drug addict. Pero ayaw, ayaw, ayaw ko parin. “…..”SLAP~.
“Ohhhh”- sigaw ng mga lalaki na nasa likod niya at tama! TOMPAK! nasa loob kami ngayon ng isang regular classroom.
“What the fuck!, bakit mo ako sinampal? “-sabi niya.
“Pakawalan mo na kasi ako!” – sigaw ko.
“Halikan mo nalang kaya pre??” sigaw ng mga lalaki na nasa loob ng room.
“Shut UP!...do you know me?- tanong niya sakin.
“Hindi, bakit sino ka ba? Kung sikat ka dito wala naman akong narinig na sikat na lalaki galing dito sa regular class!”- paliwanag kong sagot.
“hoooo” -sigaw nanaman ng mga lalaki sa likod.
“I’m …”-magpapakilala na sana siya nang…
“No! I don’t want to know or hear your name! Kung sino kaman I don’t care! Mind your own business! Busy ako wala akong time for those things!”-sigaw ko at itinulak ko siya para makaalis ako ng room nayon.
BINABASA MO ANG
The Teardrops in My Umbrella♥
Teen FictionThe Teardrops in my Umbrella :) (C) 2014 (Sehun-EXO)(Krystal-F(X)) KRYOHHH Read, Vote, Comment and Be a Fan :)