Stay With Me. Please. (One Shot)

2.1K 92 43
                                    

—•—•—•—•—•—•—•

Ilang taon ko na bang tinatago ito?

Ilang beses na rin ba ako nasaktan ng dahil lang dito?

Ilang beses na ba akong umiyak dahil dito?

Raphael Ian Legazpi.

Ikaw ang rason sa lahat ng ito.

Hindi ko pa masabi-sabi hanggang ngayon.

Ang tunay na nararamdaman ko.

Alam kong aalis ka na, pero kapag sinabi ko ito, mapipigilan ba kita?

Stay with me. Please.

-----------------------------

Á

'Aalis ka na ba talaga?' sabi ko.

'Oo eh.' sabi niya.

'Kelan ang alis mo?' sabi ko ng lumuluha na. Hindi ako nakatingin sa kanya. Ayokong makita niya akong ganto.

'Sa isang araw na.'

Napatahimik na lang ako. Bakit ganun kabilis? Ibig sabihin di ko na siya makikita ulit.

'Halika na nga. Ihahatid na kita sa inyo.'

Tumayo na lang ako sa kinauupuan namin at sumunod sa kanya habang naglalakad.

'Ian.' sabi ko.

'Ow?'

'Bakit aalis ka pa?'

'Diba nga sabi ko sa'yo. Aalis ako para makapag-aral.'

'Pwede namang dito ka na lang mag-aral ah! Bakit kelangan......, sa ibang bansa pa?'

'Aubrey, alam mo namang gusto kong mag-aral sa ibang bansa diba?'

Oo nga pala. Pangarap niya yun. Pero bakit ganto? Pwede ba, kahit ngayon lang, maging madamot ako? Kahit sa.....

Kaibigan ko lang.

'Ian, ano bang makakapagpigil sa'yo para hindi ka pumunta ng ibang bansa?'

' Hindi ko rin alam eh.'

Sige. Ngayon sasabihin ko na. At least may ngawa ako para pigilan siya. At maipagtatapat ko na itong nararamdaman ko.

'Ian' tumigil ako sa paglalakad.

'Hmmm?'

'Ian, ma-vrrrroooooooom'

'Ano yun Aubrey? Di ko narinig. May dumaan na motor eh.'

'Wala.'

Tadhana ba ito? Ayaw ba akong pagbigyan ng tadhana kahit magtapat lang ako sa taong mahal ko? Wag naman. Eto na lang ang magagawa ko.

'Aubrey, nandito na tayo.'

Napaangat ang ulo ko na nakayuko.

'Makikita pa ba kita bukas?' seryosong tanong ko sa kanya.

'Hindi ko alam. Makikipagmeet kasi ako sa mga relatives namin to say goodbye. Yan sabi ni Mama eh.'

'So, ibig sabihin, eto na ang last na pagkikita natin?'

'Ano ka ba! Babalik naman ako after 5 years. Don't worry. Mabilis lang yun.'

Hindi. Hindi mabilis yun Ian. Sa tingin ko mamamatay ako kapag di kita kasama o nakikita.

Nagsimula nang magunahan ang mga luha ko na tumulo.

'Aubrey, u..... Umiiyak ka ba?' sabi niya na tinitingnan ako.

Stay With Me. Please. (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon