Chapter 41

44 1 0
                                    

⚜️ Welcome to Constellatopia, Pure Bloods! ⚜️


Third person's POV

Sa kaharian ng Darkenian...

"Hindi!!!" sigaw ni Ametina habang pinagmamasdan ang kaibigan na pinahihirapan ng mga Dyseus.


Nakikita nya sa salamin ang kalunos-lunos na sinapit ni Iryena habang tumawang-tuwa namang nanonood si Treyvor at si Meditys. Makikita sa salamin lumalaban pa ang dalawa sa mga Dyseus subalit hindi ito sapat para matalo nila ang mga halimaw.


"Tapusin na 'yan!" utos ni Treyvor sa mga kampon nya.


"Hindi!! Wag!! Maawa ka Treyvor!! Tigilan mo na 'to." Pagsusumamo ni Ametina kay Treyvor ngunit hindi sya nito pinakikinggan.


"Manahimik ka!" Mabilis syang nilapitan ni Meditys at sinampal sa mukha. Napadura nang dugo si Ametina na ginawa sa kanya ni Meditys.


Kumikirot ang kanyang mga sugat dulot ng pinsala ng pagpapahirap sa kanya. Puno ng galos ang kanyang mukha't katawan. Halos di naman mapintahan ang kanyang damit dahil nabalutan na ito ng kanyang dugo.


Nakatali ang kanyang mga kamay sa magkabilang dulo ng dalawang mahabang tali.. Sa kalagayan nya ngayon, para syang lantay gulay. Hindi sya makatayo ng maayos at para syang isang piraso ng papel na nakabitin.


Tuwang-tuwa ang dalawa habang pinahihirapan ng mga Dyseus si Iryena at Igniff. Sa ilang sandali lang ay agad nang winakasan ang buhay ng dalawa. Kitang-kita ni Ametina kung paano natapos ang buhay ng dalawang walang malalapit sa kanya.


Immortal din Iryena ngunit ang kanyang kapangyarihan ay lubos nan yang nagamit kung kaya't hindi na sapat upang maghilom ang mga sugat ng kanyang katawan. At isa pa, tanging ang pagdukot sa puso ng isang immortal ang tanging paraan para tapusin ang kanyang walang hanggang buhay.


Wala nang nagawa si Iryena at Igniff nang dukutin ang kanilang puso. Tinuluan ito ng laway ng halimaw upang matunaw at mawala nan ang tuluyan. Sa madaling salita, hindi na makakabalik pa ang dalawa sa mundo ng Constellatopia dahil naglaho na din ang kanilang buhay.


"Napakasama mo Treyvor! Darating din ang araw na pagbabayaran mo ang mga kasalanan mo! Maghintay ka lang. dadating din ang katapusan mo!" paninindak ni Ametina kay Treyvor.


"Pft." Sabay dura sa mukha ni Treyvor na hindi naman ito nagustuhan ni Meditys kaya nakatikim s'yang muli ng isang malakas na sampal mula dito.


Dumura lang ulit si Ametina ng dugo saka tumingin sa dalawa ng nakangisi.


"Lapastangan! Hindi ko nagugustuhan ang iyong tinuran!" galit na sabi nito kay Ametina habang pinipiga ang baba nito.


Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon