CHAPTER 5

109 2 0
                                    

5-

KATHRYN'S POV

pumasok parin ako ngayon kahit sobrang sama nang pakiramdam ko, namumugto parin yung mga mata ko.. pag naiisip ko kasi yung tungkol sa message niya sakin na....na ginamit lang niya ako talagang di ko mapigilang mapaiyak..

halata sa mata ko na wala akong tulog, kaya hinahanap ko sa bag ko yung shades ko... siguro naman alam nadin nila na wala na kami ni Enrique, siguro nakikita na naman nila na iba na lage yung kasama niya...

nagmamadali ako sa paglalakad habang hinahalungkat ko yung bag ko pero...

"ay naku...sorry mi------"

"its okay"

no. siya, siya yung...si jessie....siya yung nakabangga ko....

pero di niya ata ako kilala, nagmamadali din siya. sinundan ko lang siya nang tingin habang naglalakad siya palayo. ang ganda niya, ang puti puti pa, kaya siguro minahal siya ni Enrique...eh ano lang naman ako kumpara sa kanya?

"haaaaaaay"

tumalikod na ako para magpatuloy sa paglalakad pero pagharap ko.....

"Good morning"

si daniel. nakataas baba yung kilay. tsss

"ano namang maganda sa morning?" nilagpasan ko siya, naglalakad ako habang nakatungo lang pero sumusunod siya sakin.

"edi ikaw" ano daw?

hinarap ko siya at napatigil siya sa paglalakad.

"anong sabi mo?"

"ang sabi ko........maganda ka" sabay wink. teka hobby niya ba talaga mangindat?

"ewan ko sayo....mambobola talaga kayong -----" pinutol niya yung sasabihin ko sana.

"hindi ah. hindi ako manloloko no. at higit sa lahat di ako manggagamit." teka, si Enrique ba tinutukoy niya? so alam niya?

"bakit sinong manggagamit ?" tanong ko sa kanya habang naka crossed arms ako.

"wala wala, hehe sige una na ako....bya kath"

hay naku! makapunta na nga lang sa room, ang weird talaga nang lalaking yun.

nakarating na ako sa room nang first subject namin, papasok na sana ako nang marinig ko yung pag-uusap ng 2 classmate ko.

"oo nga eh kawawa talaga si Robles, akala ko talaga totoo yung Enrique sa kanya. diba nga ang sweet sweet nun sa kanya?" - classmate 1

"yun pala ginagamit lang siya. pero napansin ko rin naman siya lang yung parang may love sa kanila. mapapansin naman eh." - classmate 2

"oo nga noh, ang sakit kaya nang ganun" - classmate 1

oo na sige na, ako na ang ginamit, ako na ang pinaasa.

pumasok na ako sa pinto, bahala kayo kung anong sasabihin niyo. nakita ko naman silang umayos nang upo pagkakita sakin. tsk halata kayo noh, alam nyo ba yun? argh!

lunchbreak.

mag-isa ako ngayong kumakain sa canteen, noon kasi kasama ko si Enrique. pero ngayon wala na nga...nakakamiss din...

"ehem.............."

"uyyy Daniel......" nakatayo siya habang may dala-dalang tray ng food...lumapit siya sa table ko...

READY TO LOVE AGAIN [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon