LOVE IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND.
katangahan.kalokohan. pano mo gugustuhing balikan ang isang relasyon na alam mong sa una pa lang hindi niyo kaya.?
Sa una pa lang may bumitaw na.
Sa unang yon may lamat na,
pero dahil isa kang tanga, would you still waste the chance ? or would you take it as an opportunity to start a new ?
Second chance is not always given, its either youll be happier together or worst you will both feel the pain.
“ ang ganda mo talaga, bea” puri ng lalaking nasa harap ko.
“ ah..eh.. kael *gulp* ako si mich hindi si bea tsaka iuwi mo na ko”
“ maaga pa oh” tapos ipinakita niya ang wrist watch niya.
“ah, ano kasi eh baka ano ah hinahanap na ko sa bahay” pagpapaliwanag ko.
“ no baby, alam ko naman na our feeling is mutual, ryt?” huh? Ano ? pakiulit?
Gusto ko nang bumaba ng sasakyan ng dagang to, pero ni-lock niya ang pintuan, halos hindi akomakagalaw dahil baka mamaya eh sugurin niya ko ng mala-dracula niyang mukha.
“ lasing ka na, ako na lang uuwi mag-isa baka maaksidente pa tayo niyan eh” pasimple kong inaabot ang lock sa kabilang dulo para mabuksan ang pintuan.
Nilapit niya na sakin ang mukha niya kaya naman saktong naabot ko na ang unlock button, agad-agad ko siyang sinipa at tumakas na palayo.
9:00 pm na at madilim na dito sa basement ng hotel kung san ginanap ang isang party kasama ang mga high school barkada, si kael ang nagpresenta sakin na maghatid pauwi dahil siya lang ang malapit na nakatira sa dorm, pero hindi ko naman alam na ganun pala siya ka-heartbroken sa ex niyang si bea, napagkamalan pa tuloy ako.
Huminto ako at tinangal ang heels ko, hinagilap ko na rin sa bag ang cellphone ko, alam kong hahabulin ako ng mokong nay un.
“h-hello?” kabado tlaga ko.
“ poi, sun-sunduin mo ko, bilisan mo na” dagdag ko pa.
“ asan ka ba ? kanina pa kita kinocontact, moi naman” aba sinermunan pa ko.
“ andito ko sa far east hotel sa basement, bilisan mo poi” luminga-linga ako dahil baka mamaya andyan si kael at tuluyan na kong mabura sa mundong ibabaw.
“HULI KA!!” hinawakan niya ko sa mga braso ng sobrang higpit.
“kael, please, hindi ako si bea” tumulo na ang mga luha ko takot na takot na ko.
“baby, ayan ka nanaman eh, youre always lying to me” dinuro-duro niya pa ko.
“nasasaktan na ko, ano ba?!” nag echo sa parking lot ang boses ko.
Hinampas ko siya ng heels sa mukha at tumakbo kong muli
Poi bilisan mo!
Nagtago ako sa isang sulok, tinakpan ko na rin ang bibig ko para wala siyang marinig na hikbi.
“BEAAA.! BEAA.!” Rinig na rinig ko ang sigaw niya, hindi pa rin niya ko tinatantanan halos 20 minutes akong nagtatago sa sulok at walang naririnig kundi katahimikan.
Tumayo ako at simpleng lumipat sa kabilang kotse, dahil papunta na siya kung saan man ako nandoroon.
“ BEA.!” Boooooom! Asa harap ko nanaman siya, akala ko hihigpitan nanaman niya ang hawak niya sakin pero sinungaban niya ko ng halik.