EllaineSA sandaling marinig ko na may nag-doorbell, kaagad akong nagtungo sa ibaba para pagbuksan ang taong ito. Ngunit habang naglalakad ako ay bigla akong nakaramdam ng kaba.
Noong pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan sa labas, nadatnan kong nakabulagta ang katawan ni Shawn na duguan at basag ang mukha.
Shit.
"Shawn, ano'ng nangyari sa 'yo?" nauutal kong tanong habang nakatingin palayo sa kanya. "Teka tatawagin ko si Kuya! Diyan ka lang!"
"A-Alam ko na kung sino si A-Adamiyn . . ."
Napatigil ako at napatingin ako sa kanya ng pilit.
"Sino?" tanong ko.
"S-Si . . ."
At bigla siyang humandusay sa lapag at nawalan ng malay nang hindi man lang nasasabi ang kanyang pakay.
"Shawn! Shawn! Gising!" Umupo ako at tinapik-tapik ang kanyang mukha para magising, ngunit hindi siya magising kaya lalo akong nataranta.
"Kuya! Tulong! Tulong!"
Napasigaw na lang ako sa taranta. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Bakit ba narito si Shawn ng ganito? Ano ba ang nangyari?
Marahil sa sigaw ko ay dumating kaagad si Kuya na halatang gulat na gulat.
"K-Kuya!! S-Si Shawn!!"
Kaagad na tumawag si Kuya ng ambulansya para maisugod si Shawn sa hospital. Sumama ako kay Kuya. Hindi na naman niya ako napigilan pa kahit na ayaw niya akong isama.
MAYAMAYA narito na kami sa Alonzo Hospital at kaagad syang dinala sa ICU dahil raw naapektuhan ang ulo ni Shawn at malala naging malala ang sitwasyon niya dahil sa mga dugong nabawas sa kanya.
Ang mga magulang ni Shawn ay natawagan na ni Kuya dahil hindi pwedeng magbigay ng iba pang impormasyon tungkol kay Shawn dahil hindi naman kami relatives.
Umupo lang ako sa may bench at tumitig sa sahig.
Ibig sabihin lang niyon, kung alam niya na kung sino si Adamiyn ibig sabihin lang niyon . . .
"Kagagawan niya ito," I uttered.
"Ano?" tanong ni Kuya sa akin sabay lapit nito. "Ano ang sinasabi mo?" Biglang nangatal ang aking dalawang kamay at kinabaduhan. "Sagutin mo ako," seryosong sabi ni Kuya.
"Alam na ni Shawn kung sino si Adamiyn . . ."
Napabuga ng hangin si Kuya tsaka umupo sa bench, dito sa tabi ko.
"Napahamak siya nang dahil sa pag-alam niya tungkol kay Adamiyn. Sukdulan na talaga ang kasamaan ng walanghiyang 'yon! Pati ba naman si Shawn na tanging inaalam lamang ang katotohanan ay nasa kritikal ang kalagayan!"
Alam kong kahit gaganito-ganito si Kuya, concern siya sa taong nasa paligid niya.
Bigla tuloy sumagi sa isipan ko ang isang tanong. Maari kayang kilala ni Shawn si Adamiyn? Kasi kung inaalisa mo ang sitwasyon, paanong kaagad na nakapunta si Shawn sa amin? Is that coincidence na nasa village siya at na-encounter niya si Adamiyn o alam na talaga ni Shawn si Adamiyn tapos kaya siya narito para sabihin kina Kuya ang nalaman niya.
Napatigil ako sa aking pag-iisip nang makarinig ako ng paglagutok ng mga sapatos mula sa taong padating. Ito ay ang mga magulang nina Shawn at ang mga kaibigan ni Kuya.
Pansin ko ang luhang tumutulo sa mga mata ng nanay ni Shawn. "Ano'ng nangyari sa anak ko?" tanong ng nanay ni Shawn, sabay tingin kina Kuya. "Siguro kaya kayo narito dahil kayo ang nambugbog sa anak ko!"
BINABASA MO ANG
Let Me Love You Then [ISWAH PART 2] On Going
Storie d'amoreWARNING: This is an extraordinary romance novel that will be caught your heart and stay with you until you turned into a final page. - - 𝘐𝘧 𝘰𝘯 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘥𝘢𝘺 𝘦𝘷𝘦𝘳𝘺𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘸𝘢𝘴 𝘢𝘴 𝘶𝘴𝘶𝘢𝘭. 𝘐𝘧 𝘰𝘯𝘭𝘺 𝘺𝘰𝘶 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘤𝘰𝘮𝘦...