IV. The Deal

9 0 0
                                    

After a couple of minutes she completely stopped crying. Nagkukwento na ulit sya ng mga masasayang bagay na nangyari nuong highschool kami. Yung mga kalokohan ng buong section namin, mga teachers na nagwalk out at ang unforgettable daw na pagkakaguidance nya dahil sa earphones na nakasaksak lang naman sa tenga nya.

I noticed her face turns red tapos nagluluha ang mga mata nya. Akala ko nung una dahil sa pagiyak niya pero nung nagtagal nagsimula na nyang kusutin ang mga mata nya. Pati balat nya rin ay namumula na.

"Jamie, ok ka lang ba?" I asked her. Isinilid na muna nya ang tumbler nya sa bag nya bago sya tumango. Hindi ako mapakali kaya naman hinawakan ko ang mga pisngi nyang kasing-pula na ng kamatis. "May lagnat ka!" Hinawi nya ang mga kamay ko.

"No, ok lang ako natural na to siguro uuwi na lang ako." I glanced at my wrist watch. Pasado alas-singko na medyo makulimlim na din ang paligid.

"Ihahatid na kita." She cant resist kasi kinuha ko na kaagad yung backpack nyang kulay blue. Inalalayan ko sya at naramdaman ko ang mumunting patak ng ulan. Shit ngayon pa. "Ilang minuto ang byahe pauwi sa inyo?"

"Mga thirty minutes from here." Ipinatong nya ang kamay nya sa ulo nya. "Umaambon ba? O laway mo lang yung tumatalsik?" Natawa pa sya at nagawa pa nyang magbiro sa mga oras na to. Nginitian ko na lang sya. Hindi na yata kami aabot, galit na yung langit. Parang at any moment mapapalitan na ng malalaking patak ng ulan yung ambon.

"Okay lang ba kung sa bahay ka muna?" Kumunot yung noo nya. "Uulan na kasi, five minutes away lang yung bahay namin dito, baka kasi abutin tayo ng ulan kapag lumarga tayo ngayon. Ano ok lang ba?" Tumawa lang sya at ako naman napaisip kung bakit. Talagang tinatawanan nya lang yung alok ko ha?

"Ang haba ng explanation mo. Sige dun muna tayo sa inyo." Kumunot kasi yung noo nya kaya nagexplain ako. Bakit ba ang kumplikado ng mga babae? Napansin ko yung pamumula nya at ang madalas na pagkusot nya sa mga mata nya kaya binilisan ko yung paglakad. Nasa parking space kasi yung motor ko.

As we reached the parking lot hindi na kami nagaksaya ng panahong makarating sa bahay. Hinarurot ko na yung motor dahil lumalaki na yung mga patak ng ulan. I lend Jamie my jacket and she's leaning her head on my back tapos nakahawak sya sa waist ko. I can feel her hot temperature on my back. Luckily, tuluyang lumakas ang ulan nang makarating kami sa bahay.

"Nay!" Tawag ko habang nagtatanggal ng sapatos. Jamie took off her red doll shoes pero imbes na ilagay sa shoe rack yung sapatos nya, binitbit nya lang yun hanggang sa loob. Hindi naman puno yung shoe rack namin, madami nga syang pwedeng paglagyan. Itatanong ko sana kung bakit hindi nya na lang iwanan yung sapatos nya sa shoe rack kaso biglang lumabas si nanay mula sa kusina. Nanlaki yung mga mata ni nanay nang makita nya si Jamie. Nanay glared at me.

"Nay si Jamie po..K-kaibigan ko." Ngumiti si Jamie kay nanay this time she took off my jacket kaya napansin ko yung pamumula nya at naalala kong nagtatrabaho si nanay sa health center baka alam nya ang dapat gawin kay Jamie. "Nay, may lagnat po sya kaya dito kami tumuloy eh." Napangiti si nanay matapos kong sabihin yung dahilan ko. Nilapitan niya si Jamie,Sinalat ni nanay yung noo niya pagkatapos sinuri naman yung braso nya.

"Allergy to nak." Sumaglit si nanay sa cabinet na naghahati sa kusina at sa sala may kinuha syang kahon mula sa cabinet. May kinuha si nanay sa kahon at iniabot ito kay Jamie. "Inumin mo to hija." Tinignan agad ni Jamie ang gamot na tila ba may iba pa syang nababasa bukod sa generic name nito.

"Bawal po ako sa antibiotic Tita." Binalik nya to kay Nanay. Nakakapagtaka naman ngayon lang ako nakakilala ng taong bawal sa antibiotic. "Hot compress lang po ito. Siguro paguwi ko na lang po sa bahay pagtila ng ulan." Ngumiti pa sya kay nanay.

"Wala ka bang ibang nararamdaman?" Pahabol pa ni Nanay.

"Wala naman po bukod sa masakit yung ulo ko. Pero ok naman po ako, wag po kayo magalala." Ngumiti ulit sya. Di kaya sya nauubusan ng ngiti? Kung sabagay, kakaiyak nga lang pala nya kanina. Mukhang nakumbinsi naman si nanay kaya tumayo na sya sa kinauupuan nila ni Jamie habang si Jamie naiwang nakaupo dun dahil masakit nga ang ulo nya.

"Red anak, ikaw na bahala kay Jamie at nagluluto ako ng hapunan. Pahigain mo muna sya sa kwarto mo Ah! Jamie, anak, dito ka na maghapunan ha? mukhang matatagalan pa ang pagtila ng ulan." Tumango si Jamie at saka ngumiti. Tumingin sya sa akin na nakakunot na naman ang noo. Hindi na muna ako nagexplain kasi baka pagtawanan na naman nya ako at hindi ko rin alam kung anong dahilan ng pagkakakunot ng noo nya. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang bukas nyang bag.

"Bakit Red?"

"Paborito kong kulay." yun lang pala inalalayan ko sya sa pagtayo. "Tara sa kwarto ko." Napansin kong parang tuod si Jamie na hindi makagalaw nung narinig nya yung paanyaya ko sa kwarto ko. Napatawa ako ng mahina. "Humiga ka muna sa kwarto ko." This time nanlaki na yung mga mata nya at napatingin sa akin kaya nasigurado ko na yung tumatakbo sa isip nya. "Wag kang magalala manonood lang tayo ng movie." She exhales at inumpisahan ng maglakad patungo sa kwarto ko.

Humiga sya kaagad sa kama ko na parang pagmamayari nya yon. Inilapag ko naman yung bag nya sa bedside table ko kung saan nakapatong ang laptop ko. Napansin ko yung laman ng bag nya dahil nga bukas yon. Nakakita ako ng dalawang Tumbler na may lamang tubig, face towel maliit na botelya ng gamot siguro yun,at transparent na purse na may lamang... TEKA?!!? Underwear ba yun? Kulay pink pa? Tsaka kulay lavander na bra? Napaka girlscout naman nito! Isinara ko na yung zipper ng bag nya at baka kung ano pang isipin nya. Paglingon ko sa kanya nakatagilid na ang pwesto nya sa kama at nakasara ang mga mata. Humiga ako sa tabi nya at nakita ko lalo ang maliliit na detalye ng mukha nya.

Biglang tumambad sa akin yung big brown eyes nya saka ko lang narealize na ilang pulgada na lang pala ang pagitan ng mukha namin sa isa't isa.Tumawa sya nang mahina. Pucha! Nahuli nya kong nakatingin sa kanya.Hindi ako makalayo sa kanya pakiramdam ko namagnetize ako. She bit her lower lip and in a low and husky voice she told me....

"You're tempted aren't you?" Again she closed her eyes I can feel my needs arouses. Shit I am tempted indeed.

"Jamie s-stop taunting me, I could kiss you now!" She looked at me.

"Then kiss me.. magsisisi ka lang dahil hindi naman ako marunong humalik. Kaya nga siguro ako iniwan eh." Napatawa pa sya. She cupped my face.

"If you want, I can teach you." ANO????? PUNYETA KA LAWRENCE ANO BA YANG PINAGSASASABI MO???? i can hear my brain scolds me. "I-I mean uhh..I- If you w-want to totally forget him d-do s-something diff-different. Pero wag mo sanang masamain ha? Hindi naman ako manyak at hindi din naman ako humahalik sa kung sino-sino lang." Tinutukso kasi ako ng mga labing yan. It took her seconds to answer so i assume na ayaw nya. "S-Sorry, O-ok lang naman eh, sorry for thinking like a perv."

"Perfection is boring." Napakunot ang noo ko. "Tama ka, i need to do something different, yung hindi ko sya maalala. Pumapayag ako. Just make sure we'll just kiss casually, walang magbabago sa friendship. Walang feelings, bawal ma inlove." Hindi naman malandi ang dating nya sa akin, adventurous pa nga sya eh. Pero dont get me wrong huh? Hindi lang naman to about sa kiss syempre kaibigan ko pa rin sya at babae sya kaya may respeto pa rin ako sa kanya. I smiled at her.

"I will help you forget about your ex boyfriend and teach you to kiss and you'll help me get rid of my ex girlfriend in return. Ano DEAL?" She gave me a peck on the lips.

"That was a Thank you and a Sorry kasi naabala ang buong sambahayan ninyo." Teka wala pang sagot kung pumapayag sya sa condition ko a? "Lawrence, I trust you enough dahil ilang taon na kitang kakilala at ilang beses mo nang pinagaan ang kalooban ko. Lalo ngayon na nandito ka sa tabi ko ngayon na kailangang kailangan ko ng sandalan. Kaya naman..."

She kissed me softly.. I can feel her lips on mine at parang gusto kong laliman pa ang halik na yun kaya lang hindi nga sya marunong at gusto kong mapalagay ng husto ang loob nya sa akin. I pulled her closer to me at niyakap ko sya ng mahigpit. Ibinaon nya ang mukha nya sa leeg ko.

"Ano Jamie Aguirre.. DEAL?"

"DEAL." I kissed her forehead and gave her a peck on her lips.

An Angel's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon