"Dion, mamaya may laro ulit tayo. Talunin natin 'yang sila Adrian. Sobrang yayabang."
"Oo nga 'eh, porke't nanalo lang ng isang beses, akala mo ang gagaling na!"
"Tama. Tsamba lang naman 'yung pagkapanalo nila."
Isang linggo mula ng mag-simula yung klase pero hindi parin ako masanay-sanay sa ingay ng mga kaklase kong lalaki.
"Kayo 'yung mayayabang eh. Sabihin n'yo mahihina kayo kaya tayo natalo!" tumatawang sabi ng isa kong kaklase. Napatingin ako sa sa nag-salita. Eto na naman ako nakatingin sa kaniya.
Unang araw pa lang ng klase, napapansin ko na siya. Dion, 'yung tawag sa kaniya ng mga kaibigan niya.
"Gago ka Dion, kasama ka din dun." At nagtawanan na naman sila.
Hindi ko alam kung bakit madalas akong napapatinin sa kaniya. Hindi siya yung tipo nang tao na pansinin, pero 'di ko alam kung bakit madalas akong napapatitig sa kaniya. Katunayan madalas niya kong nahuhuling nakatingin sa kaniya.
"Puro kasi kayo pa-pogi sa mga crush n'yo. Yayabang n'yo!"
Ano bang meron sa mga tawa at ngiti niya. Kung titingnan mo mukha naman siyang masayahin pero kung o-obserbahan mo siyang mabuti parang may problema siyang dinadala. Hindi ko alam, parang sa bawat tawa at ngiti niya ay may malalim na pinang-gagalingan.
Napaisip ako kung ano ba yung nagtatago sa bawat ngiti niya. Pwede ding, na-mis-undersand ko lang yung mga pinapakita niya. It's just my observation, anyway.
"Ariadne Louise Gonzales, sino ba 'yang tinitingnan mo?" tanong sa 'kin ni Angel. Nagulat ako sa biglaang pag-puna niya.
Si Angel de Leon, siya yung unang naging kaibigan ko sa section namin. Mabait siya at friendly, kaya siguro kami nag-kasundo. Unang taon na kami ng highschool sa Marcelo H. del Pilar National High School.
"Ah..wala," iniling ko pa yung ulo ko para mas kapani-paniwala
"Madalas lang talaga 'kong matulala, kaya akala mo may tinitingnan ako." saglit akong napasulyap sa banda nila Dion. Nagulat ako ng makitang nakatingin siya, kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
"I get it. Madalas ko din gawin yan. Yung tipong magpapakasal na kami ng kuya mo. Tapos ikaw yung magiging maid of honor. Oh my God!" kinikilig na sabi niya. Natawa ako, paano ba naman ay patay na patay siya sa kuya ko.
"By the way, samahan mo 'ko mamayang uwian," niyuyug-yug niya pa yung balikat ko. "...may laro sila Adrian. Kaylangan makita ng kuya mo na sinusuportahan ko siya, para mapansin niya ko. Kalaban ata yung mga kaklase nating puro yabang lang. Lalo na yang si Kurt, buti pa si Dion mabait." natigilan ako.
Hindi ko alam kung bakit ganun na lang 'yung epekto nang pangalan niya sa 'kin."Grabe ang gwapo talaga ni Adrian. Ang swerte mo naging kuya mo siya. Araw-araw mo siyang nakikita. Pero at the same time malas din, hindi pwedeng maging kayo. Kaya sige na nga pwede na sakin kahit strangers lang kami. Ba't ba kasi ang gwapo at astig ng kuya mo?"
"Hindi ko alam?"
"Tapos ang cool n'ya pa pag-naglalaro ng basketball. Kaya lang parang pag may humarang sa kan'ya, sasapakin n'ya. Still ang pogi n'ya pa rin!"
Hindi ko na napigilang tumawa, marami ngang nag-sasabi na parang laging may kaaway si kuya.Hindi ko na nasundan yung sinasabi ni Angel, dahil dumating na yung teacher namin. Lagi na lang late yung techer namin, dinaig pa namin.
"Basta samahan mo 'ko mamaya ah," pahabol na bulong niya, tumango na lang ako. "....Yes, road to forever!" napalakas yung pagkakasabi niya kaya natawa ako.
BINABASA MO ANG
Only Heaven Knows
Ficção AdolescenteAriadne is a typical young high school girl . While Dion is always been a mystery to her. Will Ariadne be able to solve that mystery or will she always be wonder? A typical high school love story that will make you fall and hurt at the same time. St...