"Ano ba Anthony! Ibalik mo na nga yang panyo ko!"
"Ayoko nga! Kiss muna! ;)"
"Tse! Manigas ka!"
Haaaaaay. Ayan na naman si Anthony. -_- Ang lalaking laging nag- aasar sakin. -_- Andaming namang iba jan, bat kelangan ako pa?
Ang masaklap, seatmate ko pa! Tss. Kaya kami laging napapagalitan, lagi kasi kaming maingay dahil sa asaran at tawanan. Mehehe.
Kaya madalas kaming tuksuhin sa classroom.
"Uuyyy! ANTONEE LAB ALEEEKS! YIHEEE!"
Tapos kikindat nalang si Anthony. Iniirapan ko nalang. Syempre, kelangan minsan pakipot. Hehe.
Inaakusahan niya ako na crush ko "daw" siya. Pero hindi naman. Tss. Uhm.... siguro... ah.... medyo?
~Lumipas ang ilang buwan~
Huwaaay. Balemtayms na pala, my glab. Dehins ko napansin ah. -_-
Anyway, Hayaan mo na, wala namang magbibigay sakin ng kung anu-anong chorva. Nothing special.
Pagkadating ko sa classroom, may lalaking nakaabang sa frontdoor, at si Anthony, nasa corridor.
"Uy! Aleeecs! Tara na!" sigaw nung lalaki.
Ahh. Si Jake pala. Yung lalaki kong bestfriend.
Nge. Bat nakatingin ng masama si Anthony dun? O.o
Tss. Hayaan nalang yung mokong na yun.
Umupo kami sa ilalim ng puno ng mangga sa playground. Tawa kami ng tawa. Ng biglang sumulpot si Anthony sa harap namin.
"Uy babe! Ay sorry, may kausap ka pala. Mamaya na lang ha. Sige. Bye. I love you be." sigaw niya.
ANONG MERON SA MOKONG NATO?!
Biglang tumingin sakin si Jake ng nakangiti.
"Sus. Kayo na pala, humihingi ka pa ng advice. ;)"