Beautiful

34.4K 1K 105
                                    

Chapter Four

"HELLO."

Lumingon si Sachi kanyang likuran. Pasimple niyang nahigit ang paghinga nang makita ang kagandahan ng babaing hinihintay. Si Julianna.

"I'm sorry, traffic. Have you been waiting long?" apologetic na tanong nito.

Tumayo siya nang parang wala sa loob at ipinaghila ito ng upuan.

"Hindi naman. Sabi ko nga sa'yo, take your time."

"Nakakahiya sa'yo," nagba-blush na sabi nito.

Ngumiti lang siya. Noong una pa lang itong ipakilala sa kanya ni Walter ay nagandahan na siya rito. Na-crush-an niya nga kaagad ito kahit obvious namang si Walter ang pinupuntirya. Ngayong parati na niya itong makikita at makakasama ay nag-aalala siyang lalo pang mahulog ang loob dito.

"I'm sure you're hungry. I made you wait for almost an hour," tila nahihiya pa ring sabi nito. "Wait here, o-order lang ako ng pagkain natin."

"Ha? Huwag na, busog pa naman ako."

"But I am hungry."

"Ah, e, di sige. Ikaw na lang."

Hinayaan na niya itong tumayo at magtungo sa counter. Nasa Jollibee sila, sa loob ng isang malaking mall. Kinabukasan pagkatapos ng pag-uusap nila tungkol sa trabahong ino-offer nito ay nagkasundo silang magkita roon para pag-usapan ang tungkol sa trabaho. Medyo alanganin talaga siya na tanggapin iyon, pero nahiya naman siya na tanggihan ito.

Nilingon ni Sachi sa kinaroroonan nito si Julianna. Nasa tapat na ito ng cashier at nakikipag-usap sa female crew para sa order. Simpleng-simple lamang ang porma ng dalaga. Puting longsleeved top, skinny jeans, at sneakers. Gayunma'y kapansin-pansin at standout ito sa  karamihan. Mapa-lalaki o babae ay napapatitig dito nang may paghanga. At hindi siya naiiba sa mga iyon.

Nang mapatingin sa kanya si Julianna ay napangiti ito. Parang may pumitlag sa loob ng dibdib niya. Ngumiti na rin siya. Nang magbaling ito ng tingin sa cashier ay nagbawi na rin siya ng tingin.

Tumunog ang kanyang cellphone. Meron siyang natanggap na text. Si Cristina, isa sa mga regulars niya. 

Libre k b ngayon?

Napahinga siya nang malalim. Cristina is a forty-something woman. Maganda. Dating artista bagaman hindi masyadong nakilala sa showbiz dahil maaga itong nag-asawa. Unfortunately, imbalido na ang asawa nito dahil sa isang aksidente. Panandaliang-aliw lamang ang kailangan nito sa kanya noong una. Hingahan ng mga hinaing sa buhay at taga-aliw sa pangungulila nito sa asawa. Pero lately ay panay ang pangungulit nito sa kanya na 'igagarahe' na raw siya. Sa madaling salita, gusto nitong ito na lamang ang seserbisyuhan niya sa kama. Sasagutin nito ang pag-aaral niya, susuportahan ang pangangailangan ng kanyang ina at ibibigay ang lahat ng luhong gusto niya.

Pero tumanggi siya. Wala naman siyang balak manatili nang matagal sa propesyong 'yon. Gipit lang talaga siya. Noong panahong magsimula siya sa 'propesyong' iyon ay kaliwa't kanan ang problema niya sa pera dahil sa pagkakasakit ng ina. Iyon ang pinakamadaling paraan para siya kumita ng malaking halaga kaya pinatulan niya ang gawaing 'yon. Halos lahat naman ng nasa ganoong trabaho ay kagipitan sa pananalapi ang problema. Dahil sino ba ang gugustuhing ipagamit nang ipagamit ang sariling katawan sa taong hindi mo naman mahal?

"Just put it here."

Kaagad na itinabi ni Sachi sa kanyang bulsa ang hawak na cellphone nang hindi sinasagot ang text ni Cristina.

Dalawang male crew ang magkasunod na naglapag ng dalawang tray ng inorder na pagkain ni Julianna.

"Thank you."

The Heiress and the ManwhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon