“Love of my life! Baby! Honey! Darling! Mahal! Prinsipe ng buhay ko! RANZ!” pa ulit ulit kong sinabi habang naglalakad kami pauwi nina kylie, marie at ni sharry na napag alaman kong kabarkada rin ni ranz baby.
“ baby? Darling? Honey? Ano naman yun? Baliw ka na ba pam?” tanong ni sharry
“ pagbigyan mo na nga yan si pam, minsan lang yan mangyari ever in her whole entire existence sa mundong ibabaw.” Sagot naman ni kylie
“ oo nga! Tama si kylie. Ayaw mo ba akong maging Masaya ha sharry?” I joked.
“ fine. Kung sabagay ‘ perfect’ nga naman kung iisipin si ranz, never ko pa syang nakitang nakipag away o kaya nagtaas man lang ng boses sa iba.. magaling kang pumili pam ah.” Sabi ni sharry
“ I know right?” I laughed hysterically
“ tss. Kilala mo nga si ranz, eh ang tanong. Ikaw, kilala ka ba niya?” mapanirang mood na tanong ni kylie
Sumimangot ako bigla. Job well down talaga si kylie sa pang babadtrip.
“ don’t worry teh. Kaya nga nandito kami diba? Tutulungan ka namin. Ipapakilala ka namin sakanya.” Sabi ni marie
Dahil sa kilala at close friend nina marie at sharry si ranz, madali nila itong magagawa.
Magkahalong tuwa at kaba naman yung naramdaman ko pag kasabi niya nun. Natuwa ako dahil atleast makakahalubilo ko siya diba? Kahit konting panahon lang…
Kinabahan naman ako kasi, hindi ko alam kung anong iisipin ni ranz, baka isipin niya, head over heels na ko sakanya * hindi nga ba? XD* pero okay lang magpapakilala lang naman eh.
Gusto kong makipag kaibigan sakanya, malay mo ma develop kami diba?
AAAAAAAYYYY! Ano ba tong iniisip ko. Tama na pam ha!
“ oh sige. Match making ba to? Game ako!” sumang ayon si sharry
“ SHUNGA! Makikipagkaibigan lang naman, match making agad! Sira ulo ka rin eh!” sabi ko kay sharry with matching tulak
“ suuuussss! Ganun rin naman yun. Gusto mo rin naman eh!” sigaw ni kylie
“ kayong dalawa ah! Pinag tutulungan ninyo ako! Hindi kaya!” nagsinungaling ako.
Binilisan ko nalang yung paglalakad ko..Agad rin naman nilang binilisan ang kanilang paglalakad para mahabol ako.
Nang sumunod na araw. Di na ako nag effort na pumasok ng school ng maaga. Para ano pa?
Pag pasok ko sa NAPAKAGANDA naming room, nakita kong nandun na at may pinag uusapan sina marie at sharry.
“ gandang umaga mga teh.” Full of energy ko silang binati.
“ o- hi. g-g oodmorning pam, andito ka na pala.” Pautal utal na sabi ni marie
“ ay. Wala. Eto talaga. Malamang, nakikita mo na ako diba?” pabara kong sinabi. Sa aming magbabarkada, ayos lang ang magbarahan, hindi yan malaking kaso sa amin. Walang samaan ng loob. Keri lang yan.
“ ikaw talaga dude! Oh sige upo ka na. labas muna kami ni marie. Saglit lang.” mariing sabi ni kylie habang pinapaupo ako.
Umupo naman ako agad dahil napagod ako sa kalalakad, ang layo layo layo layo layo kaya ng room namin.
Pinagmasdan ko nalang sila habang dali dali silang naglakad palabas.
Umupo muna ako at nag day dream “ haaaaaayyy! Ranz joseph delCastillo. Ikaw ang dream boy ko!” pabulong kong sinabi sa aking sarili.
“ RANZ??????”
“ ay! Potek!” napasigaw ako. Nagulat kasi ako eh.
“ anong pinagsasabi mong ranz jan? may gusto ka ba dun?” tanong ni ever chismosong si Tristan
“ pake mo? Crush lang naman eh! Anong masama dun?” tanong ko sakanya habang humihinga pa rin ng mabilis
“ naku! Naku! Naku! Pam! Magkakagusto ka na nga lang, dun pa sa hard to reach!” sabi niya
“ hard to reach ka jan!” I said
“oo kaya. Mga ganung tipong parang perfect? Suuus. Marami kang kaagaw dun!” tumawa siya ng malakas
“ eh di makikipag agawan ako!” dinilaan ko siya “ umalis ka na nga, kita mong nag eenjoy ako dito sa pag isip sa kanya eh!”
“ baliw!” he said in defeat. Tapos umalis na siya at naki pag chismisan sa iba naming kaklase
Not long after dumating na si marie at nilapitan ako.
“ huy pam! Halika, labas ka!” alok ni marie
“ bakit ?” I asked
“ basta.”
Lumapit siya at hinila ako palabas. Hindi naman ako nakapalag, ang laki kaya ni marie, body builder ang peg pwede pang Olympics… okay.okay. pasensya exaggerated ako. Basta mas malakas siya compared sakin..
Pag hila niya sa akin, naka yuko ako the whole time, ayoko naman kasing lumabas.. di bukal sa kalooban ko eh.
Pagka labas namin , dun ko lang iniangat yung ulo ko. Pag tingin ko.. nakakagulantang ang aking na witness……. Si RANZ, nandoon sa harap ko,naka ngiti at kumakaway..
--
author's note : mga saturday or sunday na po ako makaka update, may pasok pa eh. SUPPORT this guys!:)

BINABASA MO ANG
My Love, Please Be Mine ♥
Roman d'amourAraw- araw ginaganahan pumasok sa school, hindi para makakuha ng baon, hindi rin upang may matutunang makabuluhan, kundi upang may masulyapan. Kung iisipin, mali ang rason ko eh, pero aminin RELATE kayo. Ito ay ang kwento ni Pam, isang simpleng high...