Irish's POV
"Are you okay ate? Bakit parang lutang ka? May problema ka ba?" sunod sunod na tanong sa akin ni Stacey kinaumagahan habang kumakain kami. Nagpatuloy lang ako sa kakahalo ng champorado ko na hindi ko manlang natitikman pa.
"Oo nga ate? Para kang zombie." matawa tawang dagdag naman ni Matt bago uminom ng gatas.
Kasalukuyan akong kumakain ng umagahan kasama ang kapatid at pinsan ko. Pareho silang nagkkwentuhan ng kung ano-ano nang mapansin nilang hindi ako sumasali sa usapan nila. Nakatulala lang ako habang patuloy pa rin sa paghalo ng pagkain ko.
"May problema ka ba ate?" rinig kong tanong ni Stacey pero hindi ako sumagot dahil lumilipad pa rin ang isip ko. Parang nandito yung katawan ko pero wala talaga yung utak ko ngayon dito.
"Hey, ate!" panggugulat sa akin ni Matt para makuha ako atensyon ko. Bumalik naman ako sa katinuan at mabilis na tumingin sa dalawa naparehong nakakunot ang noo.
"H-Ha?"
Mas nagsalubong ang kilay ni Stacey. "May nangyari ba ate? Bakit wala ka sa sarili mo?"
Napakurap naman ako nang marinig ang sinabi ni Stacey. Napaayos ako ng upo at mabilis na umiling iling. "W-Wala. Wala naman, m-medyo inaantok pa kasi ako." pilit akong ngumiti bago sumubo ng champorado na malamig na dahil kanina ko pa ito hinahalo.
Totoo naman yung sinabi ko na inaantok pa ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi! Buong magdamag ay iniisip ko yung paghalik sa akin ni Ricci! Lechugas! Mas lalo pa akong nabaliw nang maalala ko na hindi ko manlang siya tinulak o pinigilan! Talagang gumana ang kalandian sa katawan ko kahapon!
Sino ba naman kasi ang hindi malalasing kay Ricci? Jusko, titigan ka pa lang niya eh manginginig na yung tuhod mo! Halikan ka pa kaya niya!? Pero mali yun eh! Dapat pinigilan ko siya! Dapat pinigilan ko yung kalandian ko!
Urgh! Fuck you, Rivero!
"Ayy di nakatulog yan, kakaisip sa crush niya. Siguro hinalikan ka ng crush mo no?"
Nabuga ko ang champorado na kakasubo ko lang nang marinig ang sinabi ni Matt. Narinig ko ang reklamo nung dalawa dahil natilansikan sila ng champorado galing sa bibig ko. Dali-dali ko namang kinuha ako baso ng tubig at mabilis na ininom iyon.
"Ate!!! It's gross!" maarteng sabi ni Stacey habang pinupunasan ang champoradong tumalsik sakanya.
Nakita kong natawa naman si Matt. "Grabe, gulat na gulat ka naman sa sinabi ko ate. Para namang may humalik talaga sa'yo. Sige nga sabihin mo nga sa akin, who's that lucky guy?"
Sinamaan ko ng tingin si Matt. "W-wala! Tumigil ka nga Matteo Cortez! Puro love na lang yung nasa isip mo! Susumbong kita kay Tito!" pananakot ko sakanya.
Natawa lang siya. "Fine. Fine. Hindi na kita kukulitin." tinaas niya pa ang dalawang kamay na parang sumusuko na.
Hindi na ako sumagot at muli ko nalang binalik ang atensyon ko sa pagkain. Nanahimik naman na yung dalawa at hindi na ulit ako ginulo. Pagkatapos kumain ay tumayo na ako para pumunta sa kwarto ko para maligo.
"Ate!" rinig kong tawag ni Matt. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. "Wala manlang bang clue? Sige na kahit first letter lang!" pangugulit niya.
Kumunot ang noo ko at nang marealize ko ang ibig niyang sabihin ay sinaway ko siya.
"Matteo Cortez!" sigaw ko sa pangalan niya na ikinatawa niya lang. Inirapan ko lang siya at mabilis na nagmartsa paakyat sa kwarto ko.
Haaay! Kainis!
Mabilis akong naghanda dahil pupunta ako ng Quezon kasama ang mga ka-org mates ko. May pupuntahan kaming isang public school at parang bibigyan namin ng konting party ang mga batang nag-aaral doon. May games, pakain at pati na rin libreng check-up. Ginagawa kasi yun ng club namin dalawang beses sa isang taon.
BINABASA MO ANG
You're Still The One || Ricci Rivero
Fiksi PenggemarA not so ordinary love story of Ricci and love of his life, Irish.