Akmang papasok nako ng room ng biglang tumingin sakin si Sir Ezekiel. Kaya wala akong ginawa kundi irapan ito at dumiretso nalang sa upuan ko.
"We will be having our first project for today pero hindi pa naman ngayon iaact agad." biglaang anunsiyo ni Sir Ezekiel.
"Activity? Eh wala ka pa namang tinuturo." bulong ko pero nagulat ako dahil feel ko narinig ako ng lahat sapagkat bigla silang tumingin sakin.
Napalunok ako ng bigla ding tumingin si Ezekiel sakin.
"Anong hindi naglelesson? Ikaw ang hindi nakikinig."
Malumanay na tugon nito.Ang talas ng pandinig ng taong to. Kakaasar na.
"I'll let you to choose your own partner."
Saad nito.Siiiirrr pwede ikaaawwww?
Siiiirrrr kamiii nalang ni Jade haaaa!
Hiyawan ng mga kaklase ko kakaasar.
"Hindi ako pwede. Anyway, Hayle mag uusap tayo mamaya."
Anunsiyo nito."Tungkol saan?"
Barang sagot ko."Private."
Tanging sagot nito.Nagtitinginan ang mga kaklase ko sakin at rinig na rinig ko ang mga masasamang bulungan nila. Ts, di ko naman type yang ezekiel nayan. Duh.
"Our project is about, You'll choose your story and own partner, The story must be Teen Fiction only." saad nito.
"You are going to act it by nextweek so you still have 7days to make a practice."
Dagdag pa niya."Noted!"
Sagot ng lahat."Labs! Mustaaa?"
Biglang akbay at saad ni Kurt."Nakakagulat ka naman! Wag moko matawag tawag nyan baka mamaya ma issue tayo."
Saad ko."Edi maganda kasi yung crush ko makukuha ko na hihi."
Pabebeng tugon nito."Anong makukuha? Ano gusto mo bugbog o dignidad?"
Pagtataray ko."Syempre joke lang labs! Pwede ba bugbugin moko ng pagmamahal mo?"
Dagdag pa nito."Sige magbiro kapa, San kaba pupunta?"
Sabay alis ko ng kamay nito sa balikat ko."Sasamahan ka, Gusto mo ba pumunta kila Pearl? Alam ko di ka mapalagay dahil bestfriend mo yun at di ka makapaniwala na kapatid niya si Sir Ezekiel."
Tugon nito."So bakit nasama dito yang ezekiel nayan? Sa lahat nalang ng bagay puros ezekiel, nakakarindi kaya."
Pagtataray ko."Bakit hindi natin kumbinsihin si Pearl about jan?"
Saad nito."Para san pa? Edi kung magkapatid sila, edi fine."
Sagot ko."Pero bestfriend mo si Pearl. Kaya alam kong sobrang naguguluhan ka at gusto mong malaman ang totoo pero hindi mo alam kung paano."
Dagdag pa niya."Maayos din naman to Kurt. Kailangan lang siguro ng konting panahon. Hihintayin ko na hindi na magtampo sakin si Pearl dahil hindi ko alam kung paano ko siya makakausap kung iiwas at iiwas lang siya."
Pagdadrama ko."Ms. Ramirez?"
Biglang dumating ang asungot, sino paba edi si Ezekiel."Yes sir?"
Maganang tugon ko."Can we talk? Privately?"
Pagtatanong nito."Nagdidate pa kami ng boyfriend ko e, pwede mamaya?"
Pang-aasar ko."It's about I and Pearl."
Seryosong tugon nito."Pero kung ayaw mo I won't bother the two of you anyway."
Pagkasabi niya ng mga katagang ito ay umalis na siya.Tinitigan nalang namin ni Kurt ang bawat lakad palayo nito.
"Hayle okay kalang?"
"O-Oo naman, naninibago lang ako. O siya kurt alis nako bye."
Saad ko dito .Hindi ko alam ang mararamdaman ko pero parang na guilty ako na nagsinungaling ako, pero bakit ako magiguilty?
Hay nako ang gulo talaga ng isip ko!

BINABASA MO ANG
My Husband is My Professor
Teen FictionSi Hayle Ramirez ay isang studyanteng walang sipag sa pag-aaral ngunit magbabago ang lahat ng dahil lang sa isang professor na dumating sa buhay niya. walang ginawa kundi ang pag initan siya, walang ginawa kundi utos-utusan siya, at walang ginawa k...