This story is written by FearlesslyWriting. Please do not redistribute.
♪ I Took A Chance ♪
**// Part 1
♪ I took a chance, I took it hard. You might think I’m bullet proof but I’m not. You took a swing, I took it hard. And down here from the ground I see who you are ♪
Everyone knows how to be stupid when they jump into a relationship. Whether they do their stupidity on purpose, accidentally or subconsciously, the aftermath never changes.
Stupidity helps. Don’t get me wrong, I know how it feels like. I’ve been stomped at, laughed at, played at, lied at, and most specially, they’ve took advantage of me. They took advantage of what I have back then, they call “Love”.
Love is a bullsh*t. Whether you agree or you agree, you just have to agree with me. I’m not brainwashing you. Just stating a mere fact. A fact that no one wants to take seriously. There’s no such thing as love. War and peace, maybe. But LOVE? Where in the world did that came from anyway?
**//
“Tae naman! Ano nanaman yang Eros Love na iyan? Di ba pare-pareho lang naman yun?” Andito kami ngayon sa library ng enemy ko. De joke lang, best friend ko. Malamang sa malamang, nag-aaral. Nag-aaral ng ano? Edi anu pa ba? Edi ng salitang tinatawag nila na “Love.” Yae, akala ko “Love” is simpleng “Love” lang. Pechay naman eh! Bakit ngayon may limang klase naman ang LOVE?
“Oh puso mo,” Akmang may dahan-dahang iaabot sakin si Aril na aking best friend, “nalalaglag. Paki tape.”
** Pak!!! **
“Aruy ko naman Pauline! Anshaket nun ha! Eh pano na kung lumabas yung brain ko through my nose? Ibabalik mo ba yun?” Asar na asar na tanong ni Aril habang hinihimas-himas nya yung ulo nyang binatukan ko.
“Tsk, disgusting.” Oo na! AKO NA MATARAY. E kung sa nagmana ako kay Ice e. Kilala nyo yun? Yung double dead na baboy.
>_>
Sige na. Enough na. Nagjojoke lang ako.
Pero walang halong joke. Mataray ako, oo. Pero may soft side din naman ako. At yun ay… yun ay? Ano nga bang soft side ko? Meron nga ba?
“Ril, gutom na ko.” Ayun! Yun ang soft side ko. Yung kagutuman. Weird ba? Eh sa kung yun ang soft side ko eh! Angal ka pa? Pssh -___-+
“Huwaw lang naman Pauline. Wala pa nga tayong 5 minutes mula nung pumasok tayo dito at aba’t gutom ka nanaman? Diba kakapunta lang natin ng Café?” GET HER WRONG! Walang Café ang school. Cafeteria yun! Pinasosyal lang ang term. Ka-EWWWness lang naman daw ang tawag. Pssh.
“Tsk. Noisy. Whatever. I’m leaving,” Sabi ko sabay kuha nung back pack at labas ng library. Wala akong pakielam kung naka-full blast ang AC ng library, nakaganyan din yung sa kwarto ko. Plus, ano ba naman kasing nonsense ang pinag-aaralan naming dun? Love? Ay tae lang talaga. Love is just full of shit.
Di ako bitter. Siguro slight lang, pero that’s what I call “Lesson.” Yung pagiging bitter at cold ang lesson na natutunan ko. Masama ang love. Masamang magtiwala sa love. Masamang magpadala sa ihip at agos ng love. Bakit? Kasi magpagsamantala yun. Bibigyan ka nga ng tinatawag na “Happiness” pero later on, mapapalitan yung ng “Pain”. Diba nga, “Perfect starts, bitter endings,”. Sa mga di nanininwala, take it from me, totoo yan! Kesa sa gusto at sa gusto nyo, maniniwala kayo saken!
Dumiretso ako sa Cafeteria. Ano kaya masarap kainin? Kakanin? Kanin? Burger? Pizza? Cakes? Biscuits? Chichas? Or drinks nalang kaya? Tubig? Soft drinks? Juice? Shake? Aynako! Nakakawalang ganang pumili. Mashadong marami. Gusto ko silang lahat.