Happy birthday!

6 0 0
                                    

    "MAMA!"
isang malakas na pag iyak ang ginawa ko ng biglang gilitin ng babaeng nakaitim na hood ang leeg ng mama ko. Sumirit ang masaganang dugo mula sa leeg ng mama ko napangisi ang babae at ibinuka ang bibig dahilan para masalo nya halos sa mga dugo ng nito, hindi pa sya nakuntinto at hinila nya palapit ang lupaypay na katawan ni mama at walang sawa nyang sinipsip ang leeg nito wala akong nagawa kondi pumalahaw ng pumalahaw habang nakatingin sa lupaypay nyang katawan na ngayo'y nabitawan na ng babae

lumapit sa akin ang babaeng nakahood. nalaman kong babae ito dahil mahaba ang buhok nya lumuhod sya sa harap ko hanggang sa magkadantay na ang mga mukha namin

"WALA NA ANG MAMA MO!"
Malakas nyang sigaw sabay pakawala ng malakas na pagtawa punong puno ng dugo ang kanyang labi unti unti nyang ibinaba ang hood at bumungad sa akin ang pulang pula nyang mata at ang pangil nyang may bahid pa ng dugo labis akong naguluhan ng makita ko ng boo ang mukha nya

"Hi-Hindi!"

-----

      "Happy birthday Valerie"
nakangiting bumungad sa akin ang mukha ng aking ina ng imulat ko ang aking mata mula sa mahimbing na pagkakatulog hawak hawak nito ang kulay pulang cake habang nakatusok sa ibabaw nito ang numerong labing walo. kahit na labis akong nabahala sa napanaginipan ay hindi ko maiwasang ngumiti kahit papaano pala ay kahit na subrang bucy si mama sa pangangaso nagawa nya parin akong e-bake ng cake

    "Maraming salamat mama!" nakangiti akong bumangon sa kama at hinalikan sya sa pisngi, wala akong ama at tanging si mama lang at ako ang magkasama nasa pusod din ng gubat nakatayo ang bahay namin. sabi ni mama ipinamana daw ito ng kanyang yumaong ama kaya hindi nya maiwan nung nagkasakit ako sinubukang ibenta ni mama ang bahay pero walang bumili muntik na nga akong mamatay nun eh mabuti nalang at magaling gumamot si mama

   "Magwish kana anak"
aniya kaya agad akong tumango ipinikit ko ang aking mga mata Wish ko sana hindi na ako tatanda pati narin si mama pagkatapos kong ihipin ang kandila ay hinalikan nya ako sa noo

   "Pinaghandaan kita ng marami anak lahat ng paborito mo niluto ko para sayo" nakangiti nyang sabi agad kong kinuha mula sa kanya ang cake at ako nalang ang nagdala nito sa kusina tama si mama, marami ngang handa agad akong lumapit sa pitsel at agad na inihanda ang basong sasalinan ng paborito kong juice na isa sa isang bwan nya lang kong templahin mahal daw kasi ang kada pack nito kaya ganun. pula lang ba talaga ang kulay ng juice?

    Umupo ako sa upuan at inihanda ang pinggan na gagamitin bago kopa man mahawakan ang sandok para sa sinigang ay nauna ng kunin ni mama ang sandok parang balisa sya na para bang may tinatago syang ayaw nyang makita ko kaya patago kong sinulyapan ang sinigang

  "Ma may buhok po yung sinigang" nakangiti kong sabi kaya agad nya itong hinila paalis

   "Pa-pasensya na papalitan ko nalang ng bago anak" ngumiti ako at umiling

   "Wag na po ma. ako na po" kukunin kona sana ang bowl ng may matinis na tunog ang nagpabaling samin sa direksyon ng kusina

     "Mainit na po yung tubig para sa kape ma" inilapag nya ang bowl sa lamesa at nagtatakbong pumasok sa kusina sa labis na kyuryosidad ay agad kong hinalokay ang sinigang napasigaw ako sa nakita

    "A-anak" mangiyak ngiyak kong tinignan ang aking ina na ngayon ay nakatayo na sa pinto ng kusina

    "Ma ba-bakit?" napatayo ako mula sa pagkakaupo at tumalikod. hindi ko matanggap boong buhay ko niloko nya ako!

     "n-nak wala akong choice p-patawarin mo ako" rinig kong sabi nya pero hindi manlang ako lumingon after all, ito pala ang pinapakain nya sakin

    "MA BAKIT KAMIAS ANG GINAGAMIT MONG PANG ASIM AT HINDI SAMPALOK?!"sigaw ko umiling sya at pinahid ang luha

  "Nak patay na yung sampalok mong tanim sa likod ng bahay a-aksidente kong nasabuyan ng matapang na lason" paliwanag nya napaupo ako sa malamig na sahig at lumuluhang tumingala

   "SAMPALOOOKRING KOOOO"

--

  Tila nabunutan naman ng tinik si miranda ang bagong ina ni valerie akala nya nalaman na ng anak ang tinatago nyang sekreto

    "Wag kang mag alala anak ang idad mong dise-otso hindi na magbabago ang kutis mo aabot tayo ng isang libong taon na ganyan lang ang itsura mo. Pangako dahil isa ka ng bampira tulad ko"

END!

   

Happy birthday!Where stories live. Discover now