It's not may personal experience but of my classmate.
Every year ang university namin nagcecelebrate talaga ng Christmas, so it's for hanging of the greens. May parade kami, nakakapagod talaga. Parang death march yung nilakad namin, okay lang naman kasi may mga yells, mga lights at props kami. Mga bandang pahapon na kami natapos, time pa yun, uso pa yung song ng ABS ang star ng pasko, kinanta din namin yun.
Pagod talaga ang mga sumama, nagpahinga ang mga estudyante sa field, meron kumain, kami nagpahinga sa labas ng college namin. Siguro mga second year pa lang kami nun, kahit second year na, nasa get to know well pa kung sino yung mga long time friends, syempre ako meron na.
Pumunta si Lizel at Nei sa C.R., meron malapit na comfort room papasok sa college pero sa boys yun, yung para sa girls sa kabilang door so lalakad ka pa sa lobby para makapunta dun. Hindi umihi si Lizel at si Nei lang ang umuhi. Pareho silang my dalang lights or pailaw. Uso yn that time kasi malapit na ang Christmas, ginagamit din yun sa mga concerts, mostly siguro mga Korean concerts. Iwan ko muna ito baka mahulog to, sabi ni Nei. Wag mo akong iwan ha, jan ka lang dagdag ni Nei. Oo dito lang ako, sagot ni Lizel. After 3 minutes hindi pa rin lumalabas si Nei, umupo si Lizel at nilalaro ang dalawang lights o pailaw, switch on, switch off.
Miss PWEDE AKIN NA LANG YUNG ISA MONG HINAHAWAKAN?
Tanong ng isang babae kay Lizel, na nakaabot agad ang kamay sa kamay niya. Hindi siya tumingin sa babae, imbes tumingin sa kamay.
Hindi naman nakakadiri ang kamay ng babae, maputi at makinis ito. Ang iniisip ni Lizel, wala namang dumaan sa hagdanan. Malapit lang ang C.R sa hagdanan papuntang second floor. Ni walang dumaan sa pintuan at wala siyang narinig na yapak na dumaan sa likod niya galing naman sa kabilang pintuan. Nanlamig siya bigla at hindi tumingin sa babae, at hinihintay si Nei, na siguro nag-pupu na.
Nung nararamdaman ni Lizel na malamig na, oh heto kunin mo na, sa'yo na, sambit niya. Kinuha nung babae yung lights na binigay niya at walang thank you ha, sabay lakad. Naglakad ang babae papunta sa hagdan. Tiningnan niya ang babae, mahaba ang buhok at puti ang damit.
Nanlamig siya ulit, lumabas si Nei, sorry natagalan ako, wala kasing tubig. Okay ka lang Lizel?, tanong ni Nei. Akin na yung light ko, okay lang ako, oh heto, mabilis na sagot ni Lizel. Alis na tayo Nei, yaya ni Lizel. Oh sige sambit ni Nei.
Hindi kinuwento ni Lizel sa amin yung nangyari. After ilang weeks habang naghihintay ng class namin umakyat si Lizel sa second floor, habang kami nasa mini-park. May dala siyang pagkain, shawarma at coke. May klase nun that time lahat ng rooms and ang style ng college namin close lahat ng pintuan at wala kang makikita dahil walang bintana. Dati pa kasi yung building na yun, mga Spaniards ang gumawa, enclosed talaga.
May balcony at pwede kang sumilip sa social hall ng college. Umupo siya sa may balcony at kumain, hindi man lang nagshare. Habang kumakain siya, may nakita siyang kamay at nagsalita ang isang boses ng babae, PWEDE PAHINGI?
Nagulat siya bigla at nanlamig, subo siya ng subo at kamay ang nakita, sino ba naman ang hindi magugulat nun. Nagbuntong hininga siya at gusto niyang tingnan ang mukha ng babae.
Pero napag-isip niya na baka wasak ang mukha ng babae kasi nakakaramdam siya ng malamig na hangin at baka multo ito.
Ang ginawa niya, nilapag ang kinakain sa may balcony at hindi tinitignan ang babae. Oh heto kunin mo na sambit niya. Lumakad siya ng dahah-dahan at dumaan sa kabilang hagdanan.
Ni walang thank you ang babae ha, for the second time.
Hindi sinabi ni Lizel kung ano ang nangyari. Nung oras na ng klase namin, umakyat na kami papuntang second floor. Si Lizel kahit takot umakyat din, kasi terror ang teacher. Dinaanan namin yung balcony kung saan niya inilapag ang pagkain, at wala na ito. Pumasok siya sa room namin at tahimik. Nung tapos na ang klase, lumabas na kami at may nakit siyang babae na nakaputi at hindi niya ito tiningnan.
Alam niya na may kakaiba sa babae, known ang college namin sa mga ghost stories, kasi ito ang pinakamatandang building, yung ibang college hindi pa talaga ganun ka-old, siguro mga 1950 lang itinayo yung iba. Yung college namin since 1904 pa itinayo.
Pagdating ni Lizel sa bahay, nagdasal siya at sinabi ang karanasan sa magulang. Binigyan siya ng pangontra sa mga kakaibang nilalang. Mula noon hindi na siya ginagambala ng babae na kamy parati ang nakikita niya.
Nag-3rd kami ng sinabi ni Lizel ang nangyari sa kanya, at as usual we find it so scary. Kahit takot mga sa kwento niya, natatawa din kami kasi palahingi ang babae at walang thank you kay Lizel.
I hope you like it... REINEGER.......